Behind her Innocence
Chapter Seventeen
ImaginationNpaperHalos wala ng buhay si Sabrina nang akayin ko ito. Punong-puno na siya ng dugo, namumutla na rin.
Matapang akong tumayo at walang habas na pinaulanan sila ng bala. Si Nikko ang aking pinuntirya, buong tapang ko s'yang pinaulanan ng bala.
Hindi ako nabigo, natamaan ang kan'yang dibdib, braso at ang kan'yang sikmura.
Masyado na kayong sagabal sa buhay namin, ilang beses n'yo na pinagtangkaang payatin si Sabrina.
Biglang uminit ang aking dibdib, kasabay nito ang huling putok ng aking baril na tumama sa noo ni Nikko. Tinamaan ulit ako ng bala galing kay Nikko.
Fair enough, kasabay nito ang pagdilim ng aking paligid.
JULIAN'S POV
Salitan ng putok ang naganap sa mga tauhan ko at tauhan ni Nikko. Pansin ko na puntirya talaga nila si Sabrina at Nikko. Doon sila mas nagpapaputok, hindi naman namin tinigilan ang mga tauhan ni Nikko. Unti-unti na silang nauubos, konting-konti na lang.
Pareho kaming nagulat dahil sa biglang pag sigaw ni Veronica.
"Webster! No," umiiyak na sambit nito habang unti-unting napaluhod.
Tinamaan na rin si Webster, natumba na si Nikko dahil sa tamang tinamo n'ya sa kan'yang noo.
"Webster," humahagulgol na saad ni Veronica.
Masakit rin sa akin na pagmasdan ang dalawang magagaling kong agent ay nakahandusay na sa lupa at naliligo sa sa sariling dugo.
Nang maubos na ang kabilang rupo mabilis naming ni-rescue sila Webster. Thanks God, humihinga pa sila. Si Sabrina nga lang, sobrang putla na dahil sa nawalang dugo sa katawan nito.
"Hindi na tayo aabot kung hihintayin pa natin ang ambulance, ihanda ang sasakyan Rivera!" Utos ko dito habang nilalapatan ng paunang lunas ang dalawa.
Puro iyak lang ang maririnig mo kay Veronica, labis na pag-aalala para sa kapatid n'ya. Mabilis ko namang kinarga si Sabrina tapos si Webster at minaneho na Rivera ang sasakyan, si Veronica naman ang may hawak kay Webster.
I can feel that Sabrima is having a hard time on breathing kaya mas lalo akong nag-aalala.
"Rivera bilisan mo pa!" Singhal ko rito.
"Julian," mahinang saway ni Veronica sa akin.
Mabilis kaming sinalubong ng nga nurses ng hospital at agad na nilipat sa stretcher sina Sabrina at Webster sabay kabit ng oxygen. Sa OR na nila ito diniretso kaya bawal na kaming makapasok.
How I wish na sana maging okay lang silang dalawa. Nakasunod na rin ang mga kasamahan namin na sugatan, maraming sugatan pero sila Sab ang nasa malalang kalagayan.
Ilang beses na kaming pabalik-balik sa hospital pero buti na lang wala na si Mondragon. No one can harm them again.
Punong-puno na rin ako at si Veronica ng dugo na galing kina Sab at Web, pero 'di na namin 'yon ininda.
Nasa labas lang kami ng operating room, kanya-kanyang dasal na sana maging ligtas sila.
Makalipas ang ilang oras...
"Sino ang mga guardian ng mga pasyente?" Tanong ng isang Doktor pagkalabas na pagkalabas n'ya sa OR.
"Ako," sabay naming saad ni Veronica.
"Kung gano'n sabay ko na lang 'go ipapaliwanag. Ang babae at ang lalaki ay nasa maayos na ngayon na kalagayan, buti na lang at naagapan ang mga dugong nawala sa babaeng pasyente. Ang sa lalaki naman ay medyo okay na rin. Kailangan lang talaga muna nila magpahinga." Paliwanag nito.
Masaya kaming nagkatinginan ni Veronica, "salamat doc" sabay naming saad.
Kahit kailan talaga ang tapang nila, wala talagang sinusukuan ang dalawang 'to.
Umalis na ang Doktor kaya nilapitan ko si V at niyakap.
"Tahan na Veronica,okay na sila. Mag hintay na lang tayo kung kailan sila magigising. Okay?" Saad ko rito.
Tumango na lang ito at nagpaalam na munang bibili ng kape sa vendo.
Nagpaparty sana kami ngayon e, masyado lang talagang epal ang mga Mondragon na 'yon.
Buti na lang talaga ligtas si Sabrina at Webster.
Matapos ang dalawang araw pareho ng nagising si Sabrina at Webster.
Nasa hospital pa rin sila at patuloy na nagpapagaling, pabisi-bisita rin ang Team dito.
Laking pasasalamat namin at okay na. Wala ng mga Mondragon na laging sagabal sa amin. Parehong nasa private room sila Sab at Web kaya hindi na kami nahihirapan pang hatiin ang bisita.
"Sabrina, okay ka lang ba?" Tanong ni Webster kay Sab.
Tumango lang ito bilang sagot. Sa kanilang dalawa si Sabrina ang may pinakamaraming benda, mas malala 'yong mga tama n'ya kumpara kay Web.
Napagpasyahan namin na pag pareho na silang okay, mag o-out of town kami. Enough na siguro 'yong mga ipon namin para magsimula. Pasasaan ba't magiging okay na lahat.
VERONICA'S POV
Seeing my lil'bro in this situation really breaks my heart into pieces.
It was my first time seeing him shooted by someone. Webster is my only one family, hindi ko na kakayanin pa kapag nawala pa s'ya.
Even though Sabrina and I are not in good terms, naaawa pa rin ako sa kan'ya. Akala ko nga rin mamamatay na s'ya e, thanks God she's alive. I know Webster will be hurt kapag nangyari 'yon.
How I wish Sabrina and Webster will fully recover, as soon as possible...
"Julian, here's your coffe!" Nakangiti kong saad, sabat abot ng kape sa kan'ya.
"You don't have to pretend to be happy V, cause I know that you're really not." Bara nito sa akin.
Napasimangot na lang ako sa tinuran nito.
"Ano ka ba, masaya naman ako kahit papaano. Knowing na Sabrina and Web is now safe, masaya na ako." Saad ko sabay higop ng kape.
"You really grown into a woman," nakangisi nitong saad.
"Maka-grown ka naman, matanda ka lang talaga." Saad ko rito na natatawa.
S'ya naman 'yong napabusangot sa tinuran ko, buti nga. Haha!
"Pasasaan ba't magiging tayo rin," natatawang saad nito sabay kindat.
"Julian! You're not teen anymore, nakakaloka ka!" Saway ko rito.
"Asus, alam ko naman na you're slowly falling to me. 'Wag mo na i-deny," pangungulit nito.
"Ehem" napa-ayos kami ng upo ni Julian nang biglang tumikhim si Rivera.
"Sir may mga extra room sa unahan," saad nito sabay tumalikod.
"Abayga!" Sigaw ni Julian.
Namumula na rin ako sa hiya, may nakakakita pala sa kulitan namin.
After that, I and Julian planned to throw a party pag gumaling na sila Sab at Web.
I'm so excited.
BINABASA MO ANG
Behind Her Innocence (COMPLETED) (Under Editing)
ActionREVENGE. A woman who will do everything to get the justice she was aiming.