Behind her Innocence
Chapter One
ImaginationNpaperMatapos ang duty ko sa club na 'yon, limpak limpak na salapi na naman ang ma-i-uuwi ko. Sa lugar na 'yon, ni isa walang nakakakilala sa akin. Kahit katiting na impormasyon tungkol sa akin ay hindi nila alam. Bakit? Kasi dalawampung taon pa lang ako at ganitong uri ng trabaho meron ako. Nag-aaral pa ako, Isa akong kolehiyala at nasa huling taon na ako ng aking pag-aaral. Ang kursong kinuha ko ay enhinyero at madudumihan ang pangalan ko kapag nalaman nila ang trabaho ko.
Nakasakay na ako ng taxi, at nagpahatid sa may kanto. Kailanma'y hindi ako nagpapahatid sa mismong bahay namin, baka isa sa mga taxi drayber eh customer din ng club na 'yon mahirap na. Suot ko parin ang maskara ko sa pag-uwi, baka kasi makilala ako kapag tinanggal ko.
Sa totoo lang galing ako sa angkan ng mga mayayaman, kumabaga hindi ko na kailangan pang magtrabaho para magkapera. Kung pera lang ang pag-uusapan marami ako niyan sa bangko. Pamana ng aking mga yumaong na magulang. Pero bakit nga ba ako nagtitiis sa isang maruming trabaho? Dahil trilliones ang ibabayad sa akin. Malaking halaga na rin ito at sino ba namang tao ang aatras kapag babayaran ka na ng trillion 'di ba? Basta may kasunduan kami na bawal akong i-table at hindi ko ipapakita ang aking mukha, kasabwat namin ang may-ari ng club na 'yon.
May hinuhunting kasi kami, isang grupong pumapatay ng babae. Hindi ako natatakot kasi gusto ko rin gumanti sa kanila. Pinatay nila ang aking malapit na kaibigan, ang inosente kong kaibigan... Isang linggo pa lang akong nag tatrabaho sa club na 'yon pero ang sabi ng may-ari simula raw noong dumating ako lumakas daw ang kita ng club nila. Hindi ko alam kung dahil ba sa akin o nagkataon lang .
Ang kasama ko sa trabahong 'to ay mga agent, ibang-iba ako kapag nagtatrabaho at ang galaw ko kapag nasa paaralan naman ako. Ang daming nagtatanong sa akin kung bakit nag-aaral pa ako na halos nasa akin na raw lahat. Naniniwala kasi ako na ang edukasyon ay mahalaga sa isang tao. Kagustuhan ko rin ang mag-aral kasi kailangan ko at magagamit ko.
Naputol ang aking malalim na pag-iisip nang biglang tumunog ang aking cellphone.
"Sabrina, nasan ka?" Tanong nang nasa kabilang linya.
"Nasa daan ako, pauwi na. Bakit?" Sagot ko naman sa kan'ya.
"Makinig ka Sab delikado na sa mismong bahay mo, may mga nakatunton daw sa 'yo." Nagaalalang saad nito.
Napangiti ako sa sinabi nito, "Wala kang dapat ipagalala Webster hindi pipitsugi ang bahay ko." Kampanteng sagot ko. "Nakalimutan mo ba? Kumpleto ang mga armas ko." Dagdag ko pa rito.
"Mabuti kung gano'n, basta kung may mapapansin kang kahina-hinala huwag kang mag-atubiling sabihin kaagad sa akin nang sa gano'n matulungan agad kita." Bilin nito sa 'kin.
"Oo dear, noted!" Sagot ko tsaka binaba na ang cellphone ko.
Siya nga pala si Webster, isa sa mga agent na humahawak sa 'kin. Paanong may nakatunton, may sumusunod ba sa 'kin? Pero hindi naman ako kailangan magaalala, isang maling galaw mo lang sa mansyon ko panigurado makukuryente ka. Sa totoo lang, hindi ako nag-iisa. Mayroon akong sampung katulong at bente na guwardiya, kaya bakit ako magaalala? Alam ko namang 'di nila ako t-traydurin at ang mga agent mismo ang nagahanap ng mga katulong ko, hindi lang din sila basta-bastang katulong may mga alam silang panlaban sa mga susubok na pasukin ang mansyon ko at malalaki ang mga kargada nila.
Bumaba na ako sa isang bus terminal, mabuti na lang at wala masyadong tao kaya walang nakakapansin sa 'kin kaya dali-dali akong pumasok sa banyo roon, nagpalit na ako ng damit tsaka tinapon ang suot ko kanina. Ganito ang gawain ko tuwing pagkatapos ng aking trabaho, gabi-gabi akong nagtatapon ng damit. Tinanggal ko na ang aking suot na maskara at pinalitan ito ng makapal na salamin sa mata, isang nerd na naman ang ayos ko ngayon. Nilugay ko na rin at sinuklay ang hanggang bewang na buhok ko at inayos ang bangs ko, ang hanggang balikat na buhok ko kanina ay isang wig lamang.
Iba't-ibang uri ng damit ang sinusuot ko, pangalanan mo na at kaya kong soutin ang lahat ng iyan. Pero kapag nasa paaralan ako, ang ayos ko talaga roon ay pang nerd.
Sa madaling salita, ang buhay ko ay puno ng pag papanggap.
Sumakay na ako ng bus tsaka dumiretso na sa bahay, mag-aalas tres y medya na nang umaga. Buti na lang talaga mamayang alas diyes pa ng umaga ang pasok ko sa paaralan. Napapahikab ako habang naglalakad papasok sa village na tinitirhan ko, nang bigla akong hinarangan ng mga lalaking nilamon na ng espiritu ng alak.
"Binibining ganda, sama ka muna sa 'min!" Alok ng isang kasamahan ng lasing sa 'kin.
Ewan ko ba pero ang baho ng amoy nila.
"Hindi ako sumasama sa mga walang magawa sa buhay at lasingerong katulad n'yo." Nakangisi ko namang sagot.
Biglang nagtagpo ang kilay ng lalaking kaharap ko, nagalaw yata ang dignidad kung meron man.
Akmang susunggaban n'ya na ako ng halik nang bigla ko s'yang suntukin sa sikmura at namilipit ito sa sakit, 'wag kasi akong maliitin e.Biglang naglabas ng patalim ang kasamahan ng lalaki, at ang isa naman ay pumulot ng bato. Ngayon pa talaga ako mapapalaban, kung kailan inaantok pa naman ako. Sabay-sabay silang sumugod sa 'kin, 'yong isang lalaki winawasiwas ang dalang patalim samantalang ang isang lalaki, ulo ko ang puntirya. Wala pa naman akong dala ngayon, lakas lang talaga ang meron ako. Iniiwasan ko ang bawat galaw nito sa patalim niyang hawak, nang biglang tumama ang bato sa ulo ko. Nakaramdam ako ng kaunting kirot, pero hindi ko 'yon ininda bagkus ay nilalabanan ko parin sila. Puno na ng pasa ang mga mukha nila dahil sa mga suntok ko, pero parang wala lang silang pake. Sa huling iwas ko, nadaplisan ang bandang tiyan ko ng kutsilyo. Napaigik ako sa hapdi, malas naman ng araw na 'to.
May nakita akong kahoy sa unahan, alam kong matigas 'to kaya tumambling ako papunta do'n. Sabay kuha at hinampas ng napakalakas ang ulo ng dalawang hinayupak na 'to. 'Yon, tulog sila.
Iika-ika akong kinuha ang bag ko at tinawagan si Webster, nanghihina na ako at hindi ko na akya pang maglakad mag-isa tsaka kanina pa dumudugo ang ulo ko.
"Sabby napatawag ka?" Tanong nito.
"Nasa daan pa ako Web, tulungan mo 'ko." Mahinang sagot ko.
"Sabrina anong nangyari, asan ka ba?" Nagaalalang tanong nito.
"Nandito ako malapit sa papasok ng Village, tulungan mo..."
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko, bigla nang nagdilim ang aking paningin.

BINABASA MO ANG
Behind Her Innocence (COMPLETED) (Under Editing)
ActionREVENGE. A woman who will do everything to get the justice she was aiming.