Behind her Innocence
Chapter Six
ImaginationNpaperWEBSTER'S POV
I became stiffed the moment I caught Sabrina na puno ng dugo. Kasalanan na naman 'to ng mga Mondragon na 'yan. Sunod-sunod na putok ng baril ang pinakawalan ko sa taong bumaril kay Sabrina.
Hindi na ako mapakali kanina pa lang no'ng tumawag sa 'kin sa Sabrina tapos biglang naputol. Agad-agad ko s'yang kinarga at dinala sa sasakyan.
"George dalhin mo 'ko sa pinakamalapit na hospital, bilis!" Sigaw ko sa driver namin.
"Sige boss," sagot naman nito.
"Sabrina hold on, nandito na ako." Nanginginig na sambit ko dito.
Punong-puno na rin ng dugo ang bibig n'ya dahil sa tama ng bala sa katawan nito.
Nakapikit pa rin ito habang habo-habol ang hininga, "George bilisan mo na!" Sigaw ko dito na para bang maiiyak na.
Pagdating na pagdating namin inasikaso na kaagad si Sabrina ng mga nurse at doktor, kapag may nangyari kay Sabrina hinding-hindi na talaga sisikatan ng araw ang magkapatid na 'yon.
Sir Julian Calling...
"Hello Sir, bakit po kayo napatawag?" Tanong ko dito.
"Tumakas ang mga Mondragon Webster, balita ko ay nasa kritikal na kondisyon si Mikko dahil sa mga sugat na natamo nito." Paliwanag ni Sir, kung gano'n paano s'ya nasugatan?
"Sir bakit po s'ya may mga sugat? Diba mga tauhan lang nila ang nakaharap natin kanina?" Takang tanong ko.
"Bago tumakas si Sabrina, gumawa pa pala s'ya ng kilos kanina. Siguro para tuparin na ang pinangako n'ya sa kan'yang kaibigan." Sagot naman ni Sir.
"Sige po, ang lakas talaga ng babaeng 'to." Sagot ko naman dito.
"Basta balitaan mo 'ko agad, bibisita ang team d'yan mamaya." Bilin nito at binaba na ang cellphone.
Kaya hulog na hulog ako kay Sabrina e, sexy na nga at ang bait pa malakas din. S'ya na talaga, alam ko malakas s'ya kaya makakayanan n'ya 'to.
Ilang oras na ang lumipas nang lumabas ma ang doktor na nag oopera sa kan'ya.
"Ikaw ba ang guardian ng pasyente?" Tanong nito sa 'kin.
"Yes po, ako po." Sagot ko na kinakabahan.
"Tatapatin na kita, masama ang tama ng bala sa pasyente. Tumama ito sa lungs n'ya at sa may puso, successful naman ang operation pero dahil nadaplisan ang lungs n'ya naging malala ang kalagayan nito." Paliwanag nito.
"Wait, tell me what's wrong?" Kinakabahan na tanong ko.
"Your patient will be comatose, I'm sorry to tell you pero makina nalang ang bumubuhay sa kan'ya."
Bigla akong nanlumo sa 'king narinig, agad-agad?
"Pero Dok, bakit po?" Naiiyak na tanong ko.
"Sobrang sensitive nang lungs iho, baka pag naghilom na 'yong sugat sa lungs n'ya bumalik na sa normal ang kondisyon n'ya. I'm really sorry iho, mauna na ako." Saad nito saka tuluyan ng umalis.
Kasalan ko 'to e, kung pinuntahan ko lang sana s'ya agad no'ng tumawag s'ya baka naabutan ko pa s'ya. Sabrina, I know you're strong lumaban ka please.
Tinawagan ko na sila Sir, pati sila'y nabigla sa kanilang nalaman. I know we will pay Sabrina trillion pero 'di na n'ya 'yon mapapakinabangan kapag nawala s'ya, baka di ko din makayanan.
NIKKO
I didn't knew na ang tibay pala ng Sabrina na 'yon, nagawa pa n'yang saktan ang kapatid ko. Masyado ko s'yang minaliit, kapag naging maayos na ang lagay ni Mikko babalikan ko 'yong babaeng 'yon.
Seeing my brother in this situation is really new, I didn't expect na mauuwi sa ganito ang labis na pagkagusto n'ya kay Sabrina. His body is full of wounds, not just an ordinary wound, his flesh is deeply cut that can cause him too much pain. Kung p'wede lang sana kunin ang sakit na naramdaman n'ya, kinuna ko na.
I can still remember how pity his appearance a while ago, he's full of blood. Can't help to cry even though I'm a man.
Someon is Calling...
"Hello, ano ng update?" Sagot ko dito.
"Sir, comatose si Sabrina." Saad nito.
Napangisi ako sa 'king narinig, "then good, alam mo na ang gagawin mo." Sagot ko dito tsaka binaba na ang phone.
"I'm goin' to kill you Sabrina!" Nanginginig sa galit na saad ko.
BINABASA MO ANG
Behind Her Innocence (COMPLETED) (Under Editing)
AçãoREVENGE. A woman who will do everything to get the justice she was aiming.