BHI: Chapter Twelve

3.5K 86 0
                                    

Behind her Innocence
Chapter Twelve
ImaginationNpaper

WEBSTER'S POV

Hindi ko na tinawagan si Sabrina after what happened, nahihiya kasi ako sa kan'ya. I didn't mean it, I am just amaze na ako pala ang nakauna sa kan'ya.

I decided to hang out with Veronica today, ngayon kasi ang uwi n'ya galing Barcelona.  Susunduin ko pa s'ya sa airport, ililibre n'ya raw ako so didiretso na kami sa mall.

I really miss this girl, I really do.

"Webster!" She shouted.

"Veronica? Oh gosh, ang ganda-ganda mo na." Masayang salubong ko sa kan'ya at niyakap s'ya ng napakahigpit.

"Ikaw nga rin e, dati mukha ka pang lampa. Look now, you really turn into a man." She said amazingly.

"Maka turn into man ka naman, mas magulat ka kung nag turn into a lady ako diba?" Bara ko sa kan'ya.

"Whatever, I'm really hungry. Tara na?" Aya nito na nakasimangot.

"Kahit kailan mukha ka talagang pagkain," saad ko dito sabay tawa.

"Ay grabe siya oh!" Reklamo nito.

Kinuha ko na lang ang dalawang luggage n'ya at s'ya raw ang magmamaneho.

Nang makarating na kami sa sasakyan, nagusap-usap lang kami. Like kamusta na ako, kamusta s'ya how she doing mga gano'n lang.

I hold her hands the moment na nakapasok na kami sa mall, medyo lampa kasi 'to eversince e. Kapag nababangga nang mga tao bigla-bigla na lang natutumba. I'm so glad na hindi n'ya binawi ang kamay n'ya, after all this years ako pa rin pala ang tinuturing n'yang superman.

"I wanna eat there!" Na-eexcite na saad nito.

"Okay! treat mo naman e so kahit saan," natatawang sambit ko.

Kapag talaga kasama ko si Veronica, hindi maalis-alis sa mukha ko ang kasiyahan.

"Webster naman e," maktol nito.

"Oo na joke lang, alam ko naman na d'yan ka talaga kakain. Kahit naman noong mga bata pa tayo d'yan ka na laging kumakain." Saad ko dito.

She just roll her eyes.

"I never change," sagot niya at kumindat.

I'm so happy seeing her turn into a lady but nothing change, she's still the Veronica I ever knew.

We're in the middle of our bonding when Sir Julian's register on my phone...

"Excuse me for a while Veronica," I excused.

"Sure thing," she answered.

"Hello Sir, bakit po?" Tanong ko rito.

"Emergency meeting Webster, proceed to the quarter ASAP." He commanded.

"Sir, Veronica is here. Can I bring her?" I asked.

"Okay, just be here asap okay?" He said.

"Yes Sir, thanks!" Then I turn off the call.

"May problema ba?" Tanong n'ya.

"Verons, kailangan natin pumunta sa quarter. May emergency meeting daw e," saad ko.

"Okay lang ba na nando'n ako?" Pag-aalangan n'ya.

"Why not? Sir Julian already know you and the other team," paninigurado ko sa kan'ya.

"Sige ba, let's go?" Aya n'ya.

Dumiretso na kami sa sasakyan at s'ya na naman ang nagmaneho patungong quarter. Parang matatanggal ang kaluluwa ko sa bilis nang takbo ng sasakyan.

"Veronica dahan-dahan naman," saway ko rito habang hawak ang seatbelt ko.

"Ang weak mo naman," natatawa nitong sagot at pumarking na sa parking area nang quarter namin.

Nasa hall na ang lahat ng team, do'n na din kami dumiretso ni Veronica. Pagbukas na pagbukas ko sa pinto ay...

"Veronica!" Sabay-sabay na sigaw ng mga katrabaho ko, hindi halata na masyado nilang namiss si V.

"Hey, hinay-hinay matutumba ako!" Saway n'ya kina Rivera na nakapulot na sa kan'ya.

Tuwang-tuwa naman si Veronica dahil welcome na welcome pa rin s'ya dito.

"Julian!" Tawag n'ya kay Sir.

Kahit kailan talaga pasaway ang babae na 'to.

"You look great Veronica," saad nito habang papalapit kay V.

Natatawa nalang ako sa naisip ko, nag beso-beso lang sila ni Julian at mamaya na raw ang chismisan kapag natapos na ang meeting.

Hinanap kaagad ng mga mata ko ang kinaroroonan ni Sabrina, nasa sulok lang ito habang abala sa iPad n'ya.

Hindi n'ya ba kami nakita? O baka iniiwasan n'ya ako, sayang ipapakilala ko pa naman sana si Veronica sa kan'ya.

"Calling the attention of Miss Sabrina, proceed to your proper seat now. Mamaya na 'yang pag-iiPad mo." Tawag ni Sir julian kay Sabrina.

Natigilan naman si Veronica nang marinig ang pangalan ni Sabrina at hinanap ito na para bang pamilyar sa kan'ya.

"Ikaw?" Sabay nilang sigaw,

Anong problema ng mga 'to? I think they know each other.

"Look who's here," pagtataray ni Sab.

"Look who's here too, I didn't knew na nagpapapasok pala sila dito ng slut a.k.a bitch!"  Mataray na sagot ni Veronica,

Napakunot ang noo ko at napansin ang mga kasamahan ko na palipat-lipat ng tingan. Pareho kaming nagtatakankung bakit ang init ng dugo nila sa isa't-isa.

"Are you refering to your self Veronica? You can go now, you're not welcome here." Malamig na sagot ni Sabrina.

Halatang galit na ito, kaya tinalikuran n'ya na si Veronica.

"Kinakausap pa kita Sabrina, don't you dare move." Pigil sa kan'ya ni Veronica sabay higit sa braso ni Sab.

"Ouch!" Maarteng sambit ni Sab, "don't touch me!" Reklamo nito at tinulak si Veronica ng napakalakas, dahilan para matumba ito.

Doon na ako hindi nakapagpigil...

"Sabrina ano ba!" Sigaw ko dito,

Sabay na tinulungan si Veronica na makatayo.

"Why are you so rude?" Galit na tanong ko dito.

"Hindi ito dating place, kaya next time 'wag ka magdala ng babae mo dito!" Sigaw nito at padabog na naglakad.

Galit na galit ako pero 'di ko maiwasang matawa sa sinabi nito, pati sila Rivera at Sir  Julian at ang lahat na nando'n ay nagpipigil ng tawa.

"Anong sabi mo, babae ko?" Paglilinaw ko rito.

"Yes! Nakita ko kayo sa mall kanina, at talagang dinala mo pa s'ya dito dahil sa naudlot n'yong moment kanina?" Sarkastikong tanong nito.

She's acting weird, nagseselos ba s'ya? O baka naman assuming lang ako.

Pati si Veronica ay napatawa sa tinuran ni Sabrina.

"Nakita mo pala kami kanina, are you jealous?" Natatawang saad nito.

"Why should I?" Anito.

"You look stupid you know," saad ni Veronica at naupo na.

"Magsama-sama kayong lahat!" Sigaw ni Sabrina at dumiretso na sa pinto.

"Veronica is my sister," saad ko at napatigil s'ya sa pag pihit nang doorknob...

Behind Her Innocence (COMPLETED) (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon