Kabanata 2

348K 13.8K 4.3K
                                    

K A B A N A T A 2
༺❀༻

Napaigtad ako at napangiwi nang marinig ang sunod-sunod na malakas na katok sa aking pinto. Pupungay-pungay ang matang bumangon ako upang makita kung sino ang lapastangan ang gustong wasakin ang pinto ng aking kwarto.

Tumambad sa akin ang isang lalaki.

Nakakrus ang kanyang mga braso sa harap ng kanyang dibdib habang blanko ang mukhang nakatingin sa akin na para bang sawang-sawa na siyang makita ang pagmu-mukha ko.

"Mom told me to wake you up, you have a duty, right?" tanong niya sa malamig na boses, bahagyang tumaas ang kanan niyang kilay.

"Opo, Kuya Jozt ito na nga't mag-aasikaso na po," sarkastikong usal ko sa bunso kong kapatid.

Parang mas matanda pa siyang umasta kaysa sa akin. Mukhang ako nga raw ang bunso lalo't mas matangkad siya sa akin kahit mas matanda ako.

Ang unfair ng buhay.

Tumango siya at naglakad na palayo.

Mabilis akong nag-ayos, hindi ko namalayan na alas-singko na pala. Natulog lang ako buong araw pagkadating ko kanina, hindi na rin ako kumain dahil pakiramdam ko ay hinang-hina ako.

Napabuntonghininga na lang ako nang maalala ko ang pinaggagawa kong kalokohan kagabi.

Paanong hindi ka manghihina, Seph?

Ngayon lang ako kinain ng konsensya at pagkalito. How irresponsible you are, Seph? You just met that guy and you gave your pearl to him. Gaga ka talaga, tapos kay Alfred ay hindi mo kaya?

Napailing ako sa aking naisip.

Nang makababa ako ay naabutan ko silang nasa kusina na't halatang hinihintay na lang ako. Maaga kaming kumakain sa gabi kapag may duty ako para magkasabay-sabay kami.

"Hi Mom, good evening po," bati ko kay Mommy at hinalikan siya sa pisngi bahagya niya akong nilingon saka ngumiti sa akin, kaagad kong iniwasan ang mata sa kanya dahil pakiramdam ko'y mabubuko niya ang kalokohan kong ginawa kagabi.

Lumapit ako kay Dad at gano'n din ang ginawa ko bahagya pa akong napangiwi nang maramdaman ang sakit ng gitnang parte ko kapag hahakbang.

Madalas ay wala sila dahil sa negosyo naming beauty products, kaya naman sinusulit namin kapag nandito sila.

Umupo na ako sa aking upuan katapat si Kuya Johan, katabi naman niya sa kaliwa si Jozt at Kuya Joxx. Katabi ko si Mommy at Daddy.

Napangiti ako nang mapatingin ako sa mga magulang ko, pinaglalagyan ni Daddy ng pagkain sa pinggan si Mommy. Naghahagikgikan pa sila animong may pinag-uusapan na bawal namin marinig.

"I heard that you didn't came home last night. Where did you sleep? Wala ka naman duty kagabi Seph hindi ba?" Naiwan sa ere ang aking kamay nang sasandok ako ng kanin dahil sa tanong si Daddy, nakadungaw siya sa akin animong hinihintay ang aking sagot.

Pa-simple akong lumunok.

Napatingin ako kay Kuya Joxx na busy na sa pagkain habang nanunuod sa tv na nasa aming kusina, sanay kaming nanunuod habang kumakain. Kadalasan kasi ay natatapat sa balita ang oras ng kain namin. Si Kuya Johan naman ay sisenyasan ko sana na tulungan ako pero abala siya sa phone niya habang ngumingisi-ngisi pa.

Night With A PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon