Kabanata 28

225K 8.1K 1.7K
                                    


K A B A N A T A 28
༺❀༻

“You need to stop crying now, Seph. Hindi ˋyan makabubuti sa baby mo.” Hindi ko siya pinansin habang kinukuha ang tissue, malakas akong suminga roon.

“Ewan ko, ba't siya gano'n? Pinipilit ko siyang intindihin sa lahat ng bagay pero hindi rito, hindi sa bagay na ˋto, ibang bagay na ˋto. May pinagdadaanan siya, sige sabihin na natin gano'n. K-Kung ayaw pala niya magkaanak bakit hindi niya . . ." Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang sasabihin.

Kung gano'n pa lang ayaw niya, bakit paulit-ulit may nangyari sa amin na siya mismo ang nagbibigay motibo.

Bakit sa loob? Bakit siya nag-asawa kung gano'n?

Ano ˋyon? Ako lang ang kaya niyang mahalin, ang iba hindi na? Wala na?

“Huwag mo nga akong tingnan, kamukha mo siya! Naiinis rin ako sayo!" inis na sabi ko at tinalikuran ko si Rev sa sofa.

Narinig kong tumawa si Rev nang mahina kaya napalingon ulit ako sa kanya. “Ganyan ba kapag buntis? Mukha kang tanga!” Tumawa siya kaya binato ko siya ng tissue na kaagad naman niyang nasalo. “Talagang magkamukha kami kasi magkapatid at saka kung ayaw mo pala sa akin bakit ako ang tinawagan mo?”

Bumuntonghininga ako dahil sa totoo lang ay hindi ko rin alam bakit siya ang tinawagan ko. Siguro dahil alam ko na kung malaman man ni Vius ay hindi niya kayang saktan ang kapatid, na wala akong masasaktan na iba ulit.

Baka nga papuntahin niya ulit si Vius pero wala akong choice, siya lang din ang kakilala kong malapit kay Vius na pwede kong makausap.

Ngayon ay nasa bahay kami ni Rev malaki rin katulad ng bahay ni Vius, ang pinagkaibahan lang ay may mga kasambahay si Rev.

Nasa sala kami ngayon ng bahay niya at gabi na, halos limang oras na rin akong umiiyak dahil sa sama ng loob. Hindi ko maintindihan si Vius kung mahal niya ako dapat ay matuwa pa siya dahil magkaka-baby na kami.

Dapat ay matanggap niya gaya ng pagtanggap ko sa kanya, sa kung anong mayroon talaga kami.

“Sorry for what my brother said to you, Seph. He didn't mean it.” Napatingin ako kay Rev dahil sumeryoso na ang boses niya.

Simula nang sunduin niya ako kanina ay tinatawanan lang niya ako at nagjo-joke pa siya animong pinapagaan niya ang loob ko pero hindi iyon gumagana dahil lalo akong umiiyak.

Narinig kong bumuntonghininga si Rev, umayos ako ng upo dahil alam kong mag-o-open na siya. Kanina ko pa siya tinatanong kung alam ba niya ang dahilan kung bakit ayaw ni Vius sa baby ko samantalang noong nasa isla naman kami ay parang magaan naman ang loob niya sa batang binigyan pa niya ng teddy bear.

“Natatakot lang siya, Seph. My brother is terrified of taking on responsibility. Sana intindihin mo siya, alam kong hindi niya sinasadya ang nasabi niya tungkol sa baby niyo. Siya lang naman ang makakaalam no'n, ayaw rin niyang magsalita sa akin nitong nakaraan mga araw.”

Nagbaba ako ng tingin sa akin mga daliri, bigla akong nakaramdam ng inis para sa sarili ko dahil alam ko naman ang pinagdadaanan ni Vius pero para bang nakalimutan ko iyon.

Hindi siya normal, kailangan niya ng tulong.

Ako dapat ang umintindi dahil ako ang mas maayos ang kalagayan pero anong magagawa ko ngayon? Napapagod na rin ako.

Night With A PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon