Kabanata 12

265K 9.3K 4.7K
                                    

Author's Note: Hi, thank you for reading this story. Para po sa mga nagre-read, please po 𝐇𝐔𝐖𝐀𝐆 po mag-𝐒𝐏𝐎𝐈𝐋 sa comment section, binubura ko po kapag nakita ko. Marami pong new readers, wala ng thrill kung ikwento sa comment and yes po, may babaguhin ako sa plot, may mga dinadagdag ako at binabawas na scenes. Hope you'll understand.

Thank you! Have a  great day!

K A B A N A T A 12
༺❀༻

“Kuya, para po!” Mabilis akong bumaba mula sa sinasakyan kong taxi. Lakad-takbo akong pumasok sa bahay ni Vius, malakas ang kabog ng aking dibdib.

Hindi ko alam kung may kinalaman siya sa pagkawala ni Jake, pero hindi ko mapigilan magduda lalo na't sa mga sinabi niya noon sa akin at kalagayan niya.

“Vius!” pagtawag ko sa kanya nang tuluyan akong makapasok.

Wala siya sa sala gano'n din sa kusina kaya dumiretso ako sa kwarto niya. Wala siya sa kwarto pero rinig ko ang daloy ng tubig mula sa banyo.

Gusto ko na siyang pasukin doon. Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang sarili, baka kung ano pang makita ko.

Sa sobrang pagod ay nakaidlip ako.

·𖥸·

       NAGISING ako mula sa pagkakaidlip dahil sa mumunting halik sa gilid ng aking labi at pisngi kaya napamulat ako. Gano'n na lang ang paglaki ng aking mata nang makita ko si Vius sa aking ibabaw habang nakatukod ang kanyang magkabilang siko sa gilid ng aking mga ulo.

Ramdam ko ang init ng kanyang katawan dahil wala siyang suot na saplot at tanging tuwalya lamang ang nakatapis sa ibabang parte niya.

Napakurap-kurap ako dahil doon.

“Sorry, lagi na lang kitang nagigising," malambing na wika niya, tumaas ang sulok ng kanyang labi. “Why are you here, baby? You missed me that much?”

Hahalikan dapat niya ulit ako sa labi pero kaagad ko siyang tinulak sa kanyang balikat para makatayo ako, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kanina sa sobrang paghihintay.

Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo siya at kumuha ng damit, walang sabi-sabing tinanggal niya ang pagkakatapis ng kanyang tuwalya kaya nahulog iyon sa sahig at nakita ko ang bilugan at maputi niyang puwit.

Nag-iwas ako ng tingin dahil doon. Hindi ko alam kung sinasadya niya ˋyon o balewala talaga sa kanya.

Pinag-abala ko ang aking sarili kakatingin sa bintana ng kanyang kwarto hanggang umupo siya sa kama katabi ko, naka-bihis na.

Bahagya pa akong napaigtad nang iyakap niya ang isang braso sa beywang ko habang magkatabi kami.

Suminghap ako.

“Alam mo ba kung nasaan si Jake?” diretsahantanong ko. Nakita ko pang tumaas ang kanyang kilay bago kumuyom ang kamao.

“Don't mention other man's name.” His jaw tightened.

“Nakita mo ba siya Vius? Nawawala siya. Sabihin mong wala kang kinalaman doon, please!” Medyo napataas na ang boses ko sa kanya.

Night With A PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon