Kabanata 9

274K 9.6K 2.9K
                                    

K A B A N A T A 9
༺❀༻

Pagkagising ko ay kaagad akong umalis sa bahay ni Vius. Tulog pa rin siya kaya hindi ko na siya ginising nag-iwan na lang ako ng sticky notes at idinikit ko sa kanyang noo para siguradong makikita niya.

Ang daming tumatakbo sa aking isip. Kung tama ba ang pagtanggap ko sa bago kong trabaho na ito? Kung tama bang palihim akong nurse ni Vius.

Buti na lang at wala akong sched sa kanya ngayon. May day off ako kada isang linggo kaya naisipan kong bisitahin si Alfred kahit naman siraulo iyon ay naging boyfriend ko pa rin siya. Dadaan rin ako sa Psychologist doon sa ospital para magtanong tungkol sa kalagayan ni Vius.

Nakasakay ako sa taxi ng mapansin kong patingin-tingin sa akin ang driver mula sa salamin sa harap, nagkunwari akong nagte-text.

“Kuya baka mabangga tayo,” suway ko pero ngumisi lang siya sa akin.

Damn it! Naiilang na ako sa titig niya, halata ko dahil gumagalaw-galaw ang kanyang ulo. Malayo pa ang bahay namin. Ano kaya kung bumaba na lang ako? Nakakainis!

Napatingin ulit ako sa driver at sa dibdib ko ito naka-focus.

“Para po! Dito na lang!” matigas na sabi ko nang matanaw ang ospital.

Mabilis akong bumaba at padabog na isinara ang pinto. Bwiset! Walang sasakay sa kanya kung tinatrato niyang ganyan ang mga pasahero niya. Tinandaan ko pa ang plate number niya para sa susunod ay hindi na ako makasakay sa kanya.

Naglakad ako papasok sa ospital. Wala pa akong balak pumunta rito dahil balak ko sana na maligo muna pero wala na kong magagawa.

Napalinga-linga ako nang maramdaman kong parang may nagmamasid sa akin o imahinasyon ko na naman iyon?

 ·𖥸·


Kagaya ng plano ko ay dinaanan ko si Alfred, sabi ng Mommy niya ay nagising na siya at nakatulog lang ulit pagkatapos saksakan ng gamot. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon.

Pumunta rin ako sa Psychologist at nagtanong ng kung ano ang dapat kong gawin.

Nang makauwi ako sa bahay ay kaagad nagliwanag ang aking mata nang makitang nandoon ang mga kapatid ko sa sala.

Si Johan ay nanunuod ng basket ball, si Kuya Joxx naman ay may ka-text, siguro ay si Ate Nid.

Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nila. Tumingin si Kuya johan sa akin at lumawak ang ngiti sa kanyang labi.

“So, my sexy sister is finally here,” aniya at sinenyasan akong lumapit sa kanila.

“Pasalubong?” Natatawang tanong ko, napaismid siya sabay abot ng paper bag sa akin.

“Iyan lang habol mo sa akin no! You're using me and my kindness!" Sinapo pa niya ang tapat ng puso animong nasaktan kaya natawa ako.

Alas-sais na ng gabi, nagtataka nga ako at hindi nagtext si Vius. I mean, alam naman niya siguro ang numero ko hindi ba? E, 'yong iba ngang tungkol sa akin ay alam niya tapos numero ay hindi?

Napangiwi ako nang makitang pinapanuod ni Jozt ang mukha ko na para bang nababasa niya kung anong nasa isip ko, inirapan niya ako saka lumingon sa telebisyon kaya napalingon na rin ako roon.

'Isang taxi driver patay matapos makatamo ng bente kwatrong saksak sa iba't ibang parte ng katawan. Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo at sino ang nasa likod ng karumal-dumal na insidente.'

Para akong natulos sa kinakatayuan ko habang nakatitig sa balita. Kahit na blured ang picture ay kilala ko ang sasakyan iyon. I memorized his plate number. Iyon ang nasakyan ko kaninang umaga!

Night With A PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon