Kabanata 11

266K 9.1K 4.4K
                                    

K A B A N A T A 11
༺❀༻

“I'm really sorry for calling you this late, Seph,” ani ng Mommy ni Vius habang naglalagay siya baso sa tray, ang maputi niyang kutis ay mas bumagay sa pula niyang bestida.

“What happened po, Tita?” tanong ko at tinulungan siya.

Narinig ko pa siyang bumuntonghininga. I know how she wants her son to be normal, to live normal like other bachelor.

“Pumunta si Vius sa Mall kanina at pumasok sa isang flowers shop. Kinuha niya ang bulaklak at lumabas na parang wala lang, na para bang pagmamay-ari niya niya ang store.”

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Wala bang pera si Vius bakit naman niya iyon ginawa? Ang dami nilang pera.

“Hindi niya alam na mali iyon o siguro alam niyang babayaran namin iyon dahil alam niyang pinapasundan ko siya. Hindi ko na alam, Seph. Sinusubukan ko naman siyang kausapin, namin ng Daddy niya pero hindi niya kami sinasagot. Tinititigan niya lang kami. Paano kung walang sumusunod? Edi magkakagulo sa Mall. I don't want my Vius to be like that." Mariin siyang pumikit, pagkadilat niya ay namumula na ang kanyang mata.

Parang may kumurot sa puso ko, hindi ko lubos maisip ang mga pinagdaanan nila sa loob ng ilang taon.

“Don't worry Tita, tutulungan ko po siya, I'll guide him. Alam kong hindi magiging madali pero susubukan ko po." Ngumiti ako.

“Talaga iha? A-Alam kong sobra itong hihilingin ko pero pwede mo bang sabihin sa akin lahat ng napag-uusapan niyo ni Vius. Kung may masabi siya sa'yo na kakaiba ay sana ay sabihin mo sa amin.”

Kumunot ang noo ko bago tumango, wala naman problema roon. Ano bang kakaiba?

Bahagya pang nanlaki ang mata ko nang yakapin niya ako.

"Thank you for coming back," wika niya.

Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya, babalik talaga ako kasi sinuswelduhan nila ako. Sayang ang pera.

Ilang sandali pa ay bumalik na kami sa sala, kitang-kita ko sa mukha ni Vius ang pagkairita animong kanina pa inip na inip sa amin, pinaglalaruan niya ang mga bulaklak.

Tumikhim ako nang makalapit, uupo sana ako sa ibang sofa ng hawakan niya ang pulsuhan ko at pinaupo sa tabi niya.

"I want you close to me baby," bulong niya kaya napalunok ako. Damn it Vius! Nasa harap tayo ng magulang mo napaka landi mo.

Pakiramdam ko ay namula ako kaya bahagya ako yumuko pero narinig ko siyang tumawa.

Inirapan ko siya, hindi nakaligtas sa paningin ko ang gulat na mukha ng magulang ni Vius na para bang ngayon lang nila nakitang tumawa ng gano'n ang sariling anak.

Nang gabi na ˋyon ay ipinaliwanag ko kay Vius na masama ang ginawa niya, na kung ano dapat ang gawin niya. Pinapanuod lang niya ako magsalita, nang matapos ako ay nag-aya siyang ihatid na ako.




·𖥸·

Kinabukasan ay maaga akong gumising para pumunta sa ospital.

“Kiki, do you love me . . .” Napakunot ang aking noo nang marinig ang boses ni Kuya Johan sa labas ng bahay habang kumakanta.

Naglilinis siya ng kotse niya at sumasayaw-sayaw habang kumakanta. Pinapadausdos pa niya ang bula sa katawan niya. Baliw talaga!

“Wow, ganda ng boses ha," sabi ko kaya napatingin siya sa akin. Totoo naman maganda ang boses niya malamig iyon at malalim. Hindi na ako magtataka kung marami siyang nalokong babae gamit ang boses niya.

Night With A PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon