Kabanata 17

256K 8.1K 1.2K
                                    

K A B A N A T A 17
༺❀༻

“Hala! Ang ganda oh!” tuwang usal ko nang matanaw ang bundok sa hindi kalayuan habang umiihip ang hangin sa aking mukha.

Mahigpit ang aking kapit sa manibela ng bike na sinasakyan namin, hindi ko maisip na hahantong kami sa ganitong sitwasyon. Kanina pagkalabas namin sa cabin ni Jake ay naisipan namin na kumain bago raw niya ipakita ang surpresa sa akin, ang problema ay mukhang napag-trip-an ni Vius na magluto kami kaysa kumain sa malapit na restaurant.

Tawang-tawa ako habang sumasakay sa bike, dapat ay mag-aarkila kami ng motor pero parang bata si Vius nang makita ang bike kaya inupahan na lang namin sa matandang may-ari.

Sa totoo lang ay nami-miss ko rin naman sumakay sa ganito, hindi ko na ata matandaan kung kailan ang huli.

“Baka nabibigatan ka na, Vius?” tanong ko sa kanya at sinulyapan siya.

Siya ang nagmamaneho habang naka-upo ako sa harap at nakatagilid ng upo. Sobrang haba ng hita niya kaya halos sumobra sa unahan kapag nagpe-pedal siya.

“Para ngang wala akong angkas, kumakain ka pa ba niyan? Humawak ka baka liparin ka.” Bakas ang pang-aasar sa kanyang boses, hindi ko naman maiwasan mapangisi.

Tumuwid ako ng upo nang bahagya niyang ipinatong ang baba sa aking balikat.

“Huh! Ayoko ngang tumaba ulit, wala na nagkakasiyang damit sa akin." At isa pa, hindi naman ako nag-diet siguro ay sa trabaho lang talaga.

Narinig ko siyang mahinang tumawa.

“It's okay, you don't have to wear any clothes while you're with me.” Napalunok ako dahil sa sinabi niya, pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko sa sinabi niya.

“Ayan! Nandito na tayo!” pag-iiba ko ng usapan.

Mabilis akong bumaba sa bike nang maihinto ni Vius at itabi sa gilid. Napakurap-kurap pa ako nang kaagad niyang hinuli ang kamay ko at pinagsaklob ang mga daliri namin. Kinailangan ko pang humugot ng malalim na hininga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Ano ba ˋtong nangyayari sa akin? Trabaho ko lang ˋto, dapat ayusin ko.

Napangiti ako nang makita ang iba't ibang uri ng isda, natanaw ko rin ang mga souvenir shop sa gilid. Hindi ko akalain na may ganito rito.

“Vius, iwan mo muna ako rito, mababahuan ka lang dito kasi malansa, doon ka na muna sa mga shop. Balikan mo na lang ako or ikaw na lang pupuntahan ko roon,” suwestiyon ko nang mapansin kong kunot-noo siya habang nakasunod sa akin at punas nang punas sa ilong, animong nangangati.

Nagsalubong ang kilay niya pero sa huli'y tumango na lang.

“Oh, all right. I'll wait for you at the shop.” Bahagya pa ako napaatras nang dampian niya ng halik ang aking noo. “Come back to me.”

·𖥸·


         HALOS  kalahating oras rin akong namimili para sa tanghalian namin ni Vius. Masiyadong madaming tao at nalibang rin ako sa kakatingin sa iba't ibang produkto.

Nang matapos ay pinuntahan ko si Vius sa shop kung saan niya ako hinihintay, hindi pa ako masiyadong malapit nang matanaw ko na siya.

May hawak siyang teddy bear at may ilang paper bag pa.

Pinanuod ko siyang magbayad sa nagtitinda, mabuti naman na binili niya at hindi itinakas. Lalapitan ko na sana siya at tatawagin pero napansin kong nakatingin siya sa ibang gawi.

Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya, isang batang lalaki.

Bitbit ng isang matandang babae ang bata habang may kausap. Winawagayway ng bata ang kamay animong inaabot ang hawak na teddy bear ni Vius.

Ibinaba ng Nanay ang bata dahil nga malikot. Sinulyapan ko si Vius na seryosong nakatingin sa bata bago sumulyap ulit sa hawak niyang laruan animong pinag-iisipan pa ang gagawin.

Lalapit na sana ako ng unti-unting naglakad si Vius papalapit sa bata.

“You want this bear?” Nagulat ako nang marinig ko ang mahinahong boses niya.

Inosenteng tumango ang bata, nakagat ko ang aking ibabang labi dahil bigla akong natakot na baka biglang sigawan ni Vius ang bata, hindi ko pa siya nakikita kasama ang mga bata.

Umawang ang labi ko kasunod nang pagkirot ng puso ko nang iabot ni Vius ang laruan sa bata.

“That's for my wife, but... I think you want it more. Take good care of that young man,” ani Vius at ginulo ang buhok ng bata bago tumayo at umalis doon.

Napakurap-kurap pa ako bago magtago sandali sa gilid ng pader. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakita ko, si Vius ba talaga ˋyon? Ba't ang bait ata.

Ako ba ang tinutukoy niyang asawa? Ni hindi nga kami magkasintahan, advance talagang mag-isip.

“Hey baby.” Halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa aking gilid, napatingin ako kay Vius.

“Uh, kanina ka pa r'yan?” alangan na tanong ko.

Kinuha niya muna ang mga hawak ko bago sumagot. “Nope, hinahanap nga kita. Bakit nakatago ka riyan? Did someone hurt you or following you?” seryoso na ang boses niya.

Tumikhim ako.

“Hindi, nagpahinga lang ako sandali rito, sumandal lang ako. May nabili ka ba?” pag-iiba ko sa usapan.

Itinaas niya ang mga hawak na paper bag. “I bought you bikini, baby. We'll swim later. You haven't tried it yet, right? Swimming wearing a bikini. We'll try.”

Napapantastikuhang tinitigan ko siya, tama siya. Hindi pa, pero kailan ko nabanggit iyon sa kanya? Hindi ko maalala.

·𖥸·


           Kinagabihan ay nanatili kami ni Vius sa isang cabin, kagaya ng sinabi ko ay pinagluto ko siya. Gusto ko na malaman ang surprise niya pero ayaw pa niya, bahala siya.

Syempre hindi ako nagpapahalatang excited ako.

“Vius kain na!” tawag ko.

Kanina ay nakaupo lang siya sa gilid at sobrang naiinis ako kaya pinaalis ko siya sa kusina. Ngayon naman hindi ko makita.

“Vius? Let's eat, hindi ba magpupunta pa tayo sa beach?" Naisip kong kahit papaano ay makatulong sa kanya ang tahimik na lugar na ganito, makakapag-relax siya.

Lumabas ako sa kusina at nakita ko siya sa teresa, tanaw ang panatag na dagat.

Bumukas ang aking bibig para tawagin siya pero naitikom ko rin nang makitang may kausap siya sa telepono. Mas lumapit pa ako upang marinig siya.

“Yes! I want it as soon as possible!" matigas na utos niya sa kung sino. Bahagya siyang tumahimik animong nagsasalita ang nasa kabilang linya. “Yes, get rid of them, no evidence.”

Natigilan ako sa sinabi niya, unti-unti kong pinoproseso sa aking isip.

“I'll be back there tomorrow with Seph, I'm expecting you to get rid of them. Is that clear?”

Marahan ngunit patakbo akong bumalik sa kusina, nanghihinang umupo ako sa isang upuan at pilit kinakalma ang sarili ko dahil sa mga narinig ko.

Get rid of what? Them? Who?

Napatakip ako ng bibig, nagbabakasakaling mabawasan no'n ang kaba sa dibdib ko.

Ano na naman pinaplano mo, Vius?

________________

Night With A PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon