Kabanata 25

235K 8.1K 1.9K
                                    

K A B A N A T A 25
༺❀༻


“Alam mo?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya pagkaraan ng ilang segundo.

“Of course. I'm sure my mother hired you to keep an eye on me. No, it's possible that my Mother needs something from you. It's a win-win opportunity because I'll figure out what they want and I'll be happy to be with you. Do you think I'm clever, wife?” Ngumiti pa siya animong may nakakatuwa roon.

Kung gano'n ay alam na niya simula noong una tapos nagpapanggap pa siyang walang alam, nagpapakahirap pa naman akong palihim na lagyan ng gamot at ilang vitamins ang mga pagkain at inumin niya tapos alam naman pala ng mokong na ito.

Nakatingin lamang ako sa kanya, iniisip ko ang sinabi niya. They want something to me? What?

“A-Alam ba nilang kasal tayo?”

“Yeah, alam nilang kasal tayo.”

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko lalo na noong narinig ko ang salitang 'kasal' parang may kung anong humahaplos sa puso ko.

I'm married!

May kung ano sa akin na gusto kong maalala ang nangyari anim na taon na ang nakaraan. Gusto kong maalala kung paano kami nagkita, kung paano kami kinasal, kung ano mga pinag-usapan namin noon at humantong kami sa gano'n. Goodness gracious! This is frustrating.

Nauna pa ang kasal bago ako ma-in love sa kanya.

·𖥸·


NANG HAPON ay umuwi na kami ni Vius, may matagal siyang kausap sa telepono bago niya sabihin pwede na kaming umuwi. I heard him saying 'Siguraduhin niyong wala na sila'.

Hindi ako nagtanong pero sa isip ko ay bumubuo na ako nang plano paano ko makukuha ang phone niya para makita kung sino ang kausap niya at kung sino ang pinag-uusap nila.

I just need to take it slow, I love him but I can't trust him fully.

Napalingon ako sa kanya nang bahagya niyang pinisil ang aking hita habang nagda-drive siya. Hawak niya sa kaliwang kamay ang steering wheel at ang kanan naman niya ay nakapatong sa aking hita masuyo at paulit-ulit lang niya iyon hinihimas.

Noong una ay tinatanggal ko pa pero dahil makulit siya ay ibinabalik lang niya iyon. Nakuntento siya sa gano'n hanggang makarating kami sa bahay.

Sa bahay ng magulang ko.

Naguguluhan tumingin ako sa kanya lalo na noong bumaba siya at pagbuksan ako ng pintuan.

“Bakit nandito tayo?”

Ang plano ko kasi ay kapag nasa bahay na niya kami ay roon ko pa lang sasabihin na uuwi na ako, hindi ko sinabi sa kanya.

“You'll see baby, let's go.”

Malakas ang kabog nang aking dibdib nang hawak-kamay kaming pumasok sa bahay. Paano ko sasabihin kila Mommy na kasal na ako? Ni hindi ko pa nga nasasabi na kasal na ako tapos ganito.

Kinagat ko ang aking ibabang labi nang marinig ang ingay sa loob. Saan ba sila galing? Halos mahimatay na ako kahapon dahil akala ko may nangyari sa kanila.

Nanginginig ang kamay kong binuksan ang pinto, nilagay ni Vius ang palad sa aking likod.

“Relax baby. Bakit ka ba kinakabahan?”

Pagbukas ko nang pinto ay tumambad ang pamilya ko sa akin sa sala, sabay-sabay pa silang napalingon sa amin.

“Ate Seph and Kuya Vius are here!” boses iyon ni Jozt.

Night With A PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon