Kabanata 23

225K 8.5K 3.8K
                                    

K A B A N A T A 23
༺❀༻

Mabilis ang aking hakbang palabas sa silid na iyon. Hindi ko maproseso ang lahat ng sinabi at narinig ko, pakiramdam ko ay halos kalahati ng buhay ko ay nawala. Ang tanging gusto ko lang ay makaalis palayo sa kanya, gusto kong makalayo at mapag-isa.

“Saan ka pupunta, Seph?!” rinig kong sabi ni Vius na humahabol sa akin.

Mabilis kong isinukbit ang aking bag saka nagmamadaling bumaba. Pilit niyang inaabot ang aking kamay, mas binilisan ko ang aking lakad hanggang makarating ako sa sala ng bahay niya.

I can feel my hand shaking while my tears keep on flowing down to my cheeks. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha, sobrang sakit na rin ng aking lalamunan kakahikbi.

Naabutan ako ni Vius akmang lalabas na ako ng pinto, hinigit niya ang aking braso at hinarap sa kanya.

Magulo ang kanyang buhok at namumula rin ang kanyang mga mata. Takot, iyon ang nakita ko sa kanyang mata. Kitang-kita ko kung paano nakatuon ang mata niya sa mga kinikilos ko at sa gagawin ko na para bang handa na siya kung sakaling tumakbo ako.

“Where are you going, baby? Aalis ka? Sasama ako, Seph.” Bahagya pang nanginig ang kanyang boses ng itanong niya iyon sa akin.

Pilit kong inaagaw ang aking braso sa kanya, parang hindi ako makahinga sa mga rebelasyon nalaman ko.

I need space, I need time.

“Let me go, Vius! Hayaan mo muna ako, please! Bitawan mo ako, ano ba?" Mas hinigpitan pa niya ang kanyang hawak sa akin habang umiiling.

“Saan ka pupunta ng ganitong oras? It's fucking two in the morning, Seph. Damn it! Hindi kita hahayaan na umalis ng ganitong oras, ihahatid kita saan ka ba pupunta?" madiin pahayag niya.

Umawang ang labi ko, hindi ba niya naiintindihan? Sa kanya ko gustong lumayo.

“L-Let me go! I need space, I need to think Vweuvius kahit ngayon lang. K-Kailangan ko muna i-sink-in sa utak ko ˋyong mga sinabi mo. Sayo ko gustong lumayo ngayon please!” mahinang wika ko habang tumulo na naman ang aking luha.

Vweuvius looked at me like he was hurt. Like he was in pain.

“Iiwan mo na naman ako? Aalis ka na naman? Ayaw kitang paalisin kasi baka hindi ka na bumalik sa akin. K-Kung gusto mo, dito ka na lang ako na lang ang aalis. Seph, para alam ko kung saan ka babalikan.” Nanginig ang kanyang boses, mabilis ang kanyang paghinga.

Pagak siyang tumawa nang nakakaloko na parang hindi rin siya makapaniwala sa mga pinagsasabi niya. “Go, leave your husband again.” Dahan-dahan niyang binitawan ang braso ko.

Alam kong kabaliktaran iyon sa gusto niyang gawin at mangyari. He wants me to stay, but I know I can't.

“B-Bigyan mo muna ako ng oras. B-Babalik ako kapag . . . kapag nakapag-isip na ako—”

“Kapag lumabas ka sa pinto na ˋyan. The good Vweuvius will be gone too. Sinisigurado kong hindi mo magugustuhan ang totoong ako, Seph,” malamig na usal niya.

I stilled because of what he said, I looked at him for a moment before stepping back.

“I'm sorry, Vius.” I cried.

Night With A PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon