Kabanata 8

288K 9.9K 2.3K
                                    

K A B A N A T A 8
༺❀༻

Mariin akong napapikit nang ilagay ni Vius ang kanyang baba sa aking balikat. What the hell was that? Hindi pa nga nagsi-sink in sa akin ang sinabi ni Jake, hindi ko alam kung tatanungin ko ba si Vius.

Is it true? Kilala niya ako simula pa noon, pero paano? Hindi ko pa siya gano'n kakilala. 'Wow, hindi kilala tapos dalawang beses na kayong nag-se—' Pinilig ko ang aking ulo dahil sa sigaw ng isang bahagi ng isip kong laging kontra.

I'm his nurse, dapat hindi ako matakot sa kanya dapat ako ang humawak ng sitwasyon, hindi siya. Hindi dapat sila katakutan, pero hindi pa rin naman mawawala sa akin ang matakot lalo't hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya.

Bumitaw ako kay Vius at hinarap siya.

"K-Kanina ka pa riyan?" Hindi ko alam bakit kinakabahan ako lalo nang magtama ang mata namin, kita kong paggalaw ng kanyang panga.

Inisang hakbang niya ang aming pagitan bago inangat ang kamay, napasinghap naman ako nang iipit niya ang aking piling buhok sa likod ng aking tainga.

Nakita ba niya si Jake?

Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang bibig sa aking tainga kaya halos mapakapit ako sa kanyang braso para maiwasan ang mapaluhod sa sobrang panlalambot ng aking tuhod.

"Dare to talk to him again. I swear to you baby, you'll never see him breathing again." He whispered.

Binigyan pagitan niya ang aming mukha, ipinasok niya sa bulsa ang nakakuyom na kamao bago mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo. Napalunok ako habang nakatingin kay Vius.

Binabantaan ba niya ako? Oh my God! Hindi ko alam kung anong pwede niyang gawin kay Jake. Is it possible to hurt someone without any reason?

Huminga ako nang malalim bago sumunod kay Vius papunta sa counter.

·𖥸· 

Tahimik ang naging biyahe namin ni Vius pauwi. Napakunot ang aking noo nang mapansin na hindi kami pabalik sa mansyon nila Vius. Pumasok kami sa isang village, hindi kalayuan sa ospital na pinagtatrabahuhan ko.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko at binalingan siya ng tingin.

"In my place," simpleng sagot niya na hindi man lang ako nilingon.

Naningkit naman ang aking mata at tumahimik na lang. Akala ko ay roon siya nakatira sa bahay ng magulang niya, hindi ko alam na may sarili naman pala siyang bahay.

Nakarating kami sa isang malaking gate kusa iyong bumukas nang may pindutin si Vius na parang maliit na remote. Malawak ang paligid at may fountain sa garden, ang pumukaw sa atensyon ko ay ang puting bahay.

Siya lang ba nakatira rito? Masiyado itong malaki para sa isang tao.

Mabilis bumaba si Vius at pinagbuksan ako ng pinto. Gentleman naman pala, tahimik akong nakasunod sa kanya hanggang makapasok sa loob.

"Feel at home, huwag kang mahiyang gumalaw," malamig na wika niya at dumiretso sa pinto sa gilid, tingin ko ay kusina.

Inilibot ko ang aking paningin, maraming paintings ang nandoon pero walang mga picture niya o ng pamilya niya. Natigil ang tingin ko sa pinaka malaking painting sa gitna.

Nilapitan ko iyon upang mas makita. Isang babaeng nakatalikod habang naglalakad sa isang hardin. Hindi ko alam pero parang pamilyar ang lugar sa akin pati ang likod ng babae. Maybe I saw this painting on internet or television.

Night With A PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon