Kabanata 20

236K 8.1K 3.4K
                                    

Warning: Sexual abuse

K A B A N A T A 20
༺❀༻

Pinipilit kong mag-concentrate sa bwiset na pagda-drawing na ito kahit kating-kati na ang aking kamay na hilahin ang babae na nasa gitna palabas ng kwarto tapos saka ko siya bibihisan.

Halatang tuwang-tuwa naman ang mga kasama naming lalaki, mukhanga ganadong-ganado sila.

Hindi ko rin magawang tingnan si Vius dahil natatakot akong makita siyang titig na titig sa ibang babaeng halos hubad na sa harap namin.

Kahit naman sabihin walang malisya at para sa drawing lang, nagseselos ako.

Hindi naman ako selosa, sa mga ex ko. Kahit pa may mga babaeng kasama, balewala sa akin kasi may tiwala ako sa sarili ko pero ngayon parang nagdududa na ako sa sarili ko.

Napabuntonghininga na lamang ako at itinuloy ang pag-sketch.

Nang matapos ang dalawang oras ay tinakpan namin ang canvas namin ng puting tela, alam kong hindi naman ako magaling mag-drawing pero masasabi kong nagawa ko naman ang best ko.

Tiningnan ko si Vius nang lumapit siya sa akin kaagad.

“Are you tired?” tanong niya kaagad, inipit ang ilang buhok ko sa likod ng tainga.

“Hindi naman masyado, nangawit lang ˋtong kamay ko kasi hindi naman talaga ako nagda-drawing,” pag-aamin kom

Ngumiti si Vius, kinuha ang aking kamay saka hinalikan.

Kinagat ko ang aking labi sa ginawa niya, pakiramdam ko ang pinagtitinginan kami.

Nagsimula na i-check ang mga gawa namin, isa-isang inilalagay sa harap. Magaganda ang gawa ng mga kasama ko. Nakahinga rin ako nang maluwag ng pinuri ng Instructor namin ang gawa ko, sa shading daw ay may mailalabas pa ako. Practice lang.

“Thank you po.”

“Ituloy mo pa ang pagguhit iha,” sabi niya, masaya akong tumango.

Napatingin ako kay Vius na bored ang mukha habang nakatingin sa paligid pero ang kanyang mga kamay ay pinaglalaruan ang mga daliri ko.

“Hey, I'm Pillar. I noticed that you are new student.” Napakunot ang noo ko nang lumapit kay Vweuvius ang babaeng kaninang iginuhit namin.

Pinipigilan ko ang aking sarili na magsalita, nagkunwari akong tumitingin sa drawing ng iba pero hindi ako umalis sa tabi ni Vius.

Ngiting-ngiti siya kay Vius, nag-angat naman ng tingin si Vius sa kanya kaya lalo lumapad ang ngiti ng babae.

“Who cares?” Naitikom ko ang aking bibig at pinigilan kong matawa dahil sa sagot ni Vius.

Alam kong kabastusan pero para sa isang babaeng nagseselos ay nakagaan iyon ng loob. Ang sama ko na ata.

Halata ang iritasyon sa mukha ni Pillar bago umalis nang nagdadabog. Ngumiti naman si Vius sa akin nang lingunin ako.

“I wanna go home, baby,” malambing na sabi niya at ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat.

Sa totoo lang ay kanina pa kami pinagtitinginan dito dahil parang linta itong lalaking kasama ko.

“Okay, reveal your artwork Mr. Falcon,” ani ng Instructor namin kay Vius.

Sa totoo lang ay ayokong tumingin pero gusto ko rin makita ang kanyang gawa na alam kong pinaghirapan niya.

“Oh my God!” Napatakip ako sa aking bibig nang tanggalin ni Vius ang telang nakaharang sa kanyang obra.

Pare-parehas kami ng reaksyon, natahimik ang iba, kahit ang nagtuturo sa amin ay kumunot ang noo.

Night With A PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon