Kabanata 22

228K 9.5K 2.6K
                                    


K A B A N A T A 22
༺❀༻

Confused. Betrayed. Pained

Para akong isang robot na nawalan ng baterya habang nakatingin sa larawan na malaki sa silid na
ˋyon. That's us, the younger version of us, parang anim na taon kaming pinabata. I think that's what I looked like when I was eighteen.

The wedding gown I wore was perfect. Iyon ang pangarap kong wedding gown. But how? Paanong nangyaring may picture kami ni Vius at hindi lang iyon mukhang kinasal kami.

Six years ago? That was the exact year when I met Jake.

Hindi ko alam kung paanong nangyari ito. How I can't remember? Ang alam ko lamang ay hindi ito photoshop, hindi edit ang mga larawan.

Kahit nanginginig ang aking kamay at tuhod ay mas lumapit ako sa mga larawan iba't ibang kuha, iba't ibang angulo. Napatitig ako sa aking mukha sa larawan, ang saya ko roon.

May larawan na nagpapalitan kami ng singsing halatang sa isang opisina lang kami kinasal dahil sa background. May angulo na nag-kiss kami ni Vius, nakahawak siya sa kabila kong pisngi habang ang isa niyang kamay ay nasa aking beywang. May isang kuha na buhat-buhat ako ni Vius habang tumatawa.

Sumikip ang aking dibdib habang nakatingin sa mga larawan.

Ang mga luhang kanina pang nagbabadyang tumulo ay tuluyan umagos pababa sa aking pisngi nang makita ko ang isang box na may nakalagay na isang pares ng singsing sa itaas ng isang lamesa roon.

Umawang ang aking labi.

Hindi na ako nagulat nang may nagsalita mula sa likod ko.

“S-Seph baby... let me explain.”

Kaagad akong napaharap sa kanya habang tumutulo ang aking luha, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon sa kanya.

“Tell me. Vius are we married? Totoo ba 'to?!”  malakas na sigaw ko.

Vius tried to reach me, I montioned him to stop.

He let out a hard breath. “Y-Yes. You are married to me, Seph. You're my Wife,” he said, he bit his lower lip.

Umiling-iling ako na parang mababago no'n ang sinabi ni niya dahil ayokong paniwalaan. Anong nangyari? Paanong nangyari? Wala akong matandaan na na-aksidente ako para makalimutan ko iyon. Wala akong sakit para makalimutan ang gano'n klasing bagay.

“No! You're lying! No!” sigaw ko habang umiiling at umatras sa kanya nang akma siyang lalapit sa akin.

Parang may pumipiga sa puso ko habang iniisip ko ang sinabi niya, hindi ko matanggap.

Bumalatay ang sakit sa kanyang mukha.

“Why? Do you hate me that much that you don't want to be my wife? Kahit baliktarin mo ang mundo ngayon, Seph. I'm your husband,” malamig na sabi niya, bahagyang gumalaw ang panga.

“Hindi iyan totoo! Sabihin mong nagbibiro ka lang Vius! Sabihin mong lahat ng ito ay kasinungalingan!” Napahagulgol at napatakip na lang ako sa aking mukha.

Hindi ko kayang tanggapin ang sinabi niya. I can't accept the fact that I forgot those memories. My wedding? How would I forgot that special day? I can't believe this.

Night With A PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon