Kabanata 30

248K 7.9K 5.6K
                                    

K A B A N A T A 30
༺❀༻

ISANG LINGGO na simula ng magkaayos kami ni Vius. Alam kong mali na kaagad ko siyang patawarin pagkatapos ng sinabi niya pero gano'n ata kapag sobrang laki ng tiwala mo sa isang tao. Naniniwala akong iba ang gusto niya sa sinasabi niya, na nasabi niya lang iyon dahil sa sitwasyon na mayroon siya.

Sa lumipas na araw ay nanatili ako sa bahay ni Vius, tinawagan ko sila Mommy na ililipat ko na rin ang mga gamit ko sa bahay ni Vius para hindi na ako mahirapan umuwi-uwi pa para kumuha ng damit.

Ipinaayos din namin ang ilang gamit sa bahay ni Vius, doon ko nalaman na ang babae sa painting sa sala ni Vius ay ako. He painted it, he said it was his graduation gift to me but he didn't get the opportunity to give it.

Ramdam kong sobrang excited ni Vius, ipinalinis na nga niya ang kabilang kwarto para raw sa kwarto ng magiging anak namin kahit wala pa man.

Natigil ako sa pag-iisip nang sumilip si Vius sa banyo habang nagto-toothbrush ako, bahagya pa akong nasamid nang makitang tinatakpan niya ang kanyang mata.

“Baby are you done?” tanong niya, nag-aalangan pa.

Natawa ako lalo't sumilip siya sa pagitan ng kanyang daliri, tuluyan niyang binuksan ang pintuan nang makitang nagto-toothbrush na ako.

Lumapit siya sa akin saka naglalambing na niyakap ang aking beywang mula sa likuran habang hinihintay akong matapos, ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat.

Nang yumuko ako upang magmumog ay naramdaman ko ang matigas na bagay sa aking likuran. Napailing ako saka tinapos ang ginagawa ko, nang magtama ang mata namin sa salamin ay ngumisi siya, sinubukan niyang hawakan ang dibdib ko pero tinabig ko ang kanyang kamay.

“Vius ah, tama na aalis tayo,” saway ko sa kanya.

Napanguso siya. “Hahawak lang, baby. Titingnan ko lang kung maganda 'yong nabili nating bra,” sabi niya pa habang nangingiti.

Natatawang humarap ako saka pinitik ang ilong niya.

“Tara na, para maaga tayong makauwi,” sabi ko.

Ngayon araw kami pupuntang bahay, kukunin ko ang mga gamit ko at sasabihin na rin namin kila Mommy ang tungkol sa pagbubuntis ko. Hindi ko naman alam kung sasabihin na ba namin sa magulang niya.

Pupunta rin ako sa ospital para magpa-check up.

·𖥸·

NANG makarating kami sa bahay ay wala pa pala sila Mommy dahil nag-deliver daw samantalang wala rin ang mga kapatid ko kaya napagpasyahan namin ni Vius na pumunta na lang muna sa ospital saka na lang kami babalik mamayang hapon.

“Text niyo na lang po ako, Manang kapag dumating na po sila Mommy ha?” bilin ko.

Tumango si Manang saka tinuro ang mga box sa gilid. “Iyon pala 'yong mga gamit na pinayos mo, dadalhin niyo na ba ng a-asawa mo?” Napangiti ako dahil bahagya pang nautal si Manang, nginuso nito si Vius sa gilid na tinitingnan ang mga picture kong nakasabit sa pader.

Siguro dahil hindi pa siya sanay na may asawa na ako.

Dahil sa sinabi ni Manang ay napatingin ako mga box sa gilid, apat iyon.

“Dadalhin na lang po namin tutal nandito naman na,” sabi ko, nagtama ang mata namin ni Vius.

“Baby, lagay natin 'to sa bahay,” suwestyon niya sabay turo sa mga picture ko noong bata pa ako. “Pwede ba?” duktong niya.

Natatawang tumango ako, lumawak ang ngiti niya saka isa-isang tinanggal ang mga picture, nang lumingon ako kay Manang ay natatawa na siya.

“Pasabi na lang po kila Mommy na kinuha niya,” sabi ko saka parehas kaming natawa

Night With A PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon