Kabanata 1: First Meeting

317 5 1
                                    

-- ✡Kabanata 1: First Meeting✡ --

.

.

WALA sa pinapanood ni Rink ang buong atensyon. Kundi nasa babaing kayakap ng bidang si Aladin.

So this is the famous Evebon Legaste na laging bukam-bibig ng kanyang ina. Si Madam Cynthia Benidez ang producer ng Teatro. Muling sumagi sa isipan niya ang madalas na pasaring nito. Reasons why he got allergic by the name 'Evebon Oui Legaste'. And at the same time curious about her middle name na para bang brand name ng Lancomè perfume.

Tinawagan niya ang kanyang ina.

"Her great grandmother is a half-french." Simpleng pahayag ng ina. "I saw her once nang lumuwas dito sa Manila. Bukod sa may kaputian ay wala na akong nakikitang pagkakatulad nila. Evebon is her Mom's exact opposite. Tiyak kong kapag nakita mo siya ay bibilis ang tibok ng puso mo."

He rolled his eyes. Nahuhulaan na naman niya ang kasunod.

"She's very beautiful. Sayang, hindi na kakayanin ng katawan ko ang magbuntis. If can be, siya ang paglilihian ko."

"Mom, you're almost fifty!"

Umirap si Cynthia sa anak. "Hayaan mo ako sa ilusyon ko, iho."

Mapapangiti na sana siya nang napalis ito ng ibalik muli ang usapan kay Evebon. Hindi talaga paawat ang ina.

"Nasasabik na akong may naglalakad na maliliit dito sa bahay. I can't hardly wait to see my grandchildren na nagmula sa sinapupunan ni Evebon."

Basta talaga si Evebon Legaste ang pinag-uusapan, hindi paaawat ang ina.

"Mom-"

"She's a fine woman." Pag-i-interrupt nito sa kanya. "She's the girl I want you to marry."

"Isa siyang artista."

"So what's the difference? Na-inlove ka na rin naman sa isang artista."

"And I promise to my self not to get involve again with another one."

Hindi na niya pinagsalita pa ang kanyang ina. Minabuti na lamang niyang tapusin ang usapan nila. Nang makapagpaalam na ay ini-off niya ang kanyang cellphone at ibinulsa ito.

Hinanap ng kanyang mata si Evebon, mukha yatang kakainin niya ang lahat ng sinabi sa ina.

PAGPASOK pa lang ni Evebon sa backstage ay sinalubong na siya ng pagbati ng mga kasamahan sa pangunguna ni Calvin Keiffer o mas kilala sa tawag na CK.

"As usual, Raven, pinahanga mo na naman ang lahat." Sinalubong siya ni Calvin at tinanggal mula sa ulo niya ang belo.

Raven ang taguri sa kanya ng kaibigan. Raven, dahil sa obvious na kulay ng assets niya. She has a very dark Raven hair and dark Raven eyes that makes every man desire.

"Hay! Thanks kanina pa ako kinakati diyan. Bibigyan ko ngayon ng mababang puntos ang mga namamahala sa wardrobe. Aba! Muntik na akong magkamot sa harap ng mga audience." Sinunod niyang hinubad ang dalawang gwantes sa kamay. At hinagis na tila may insekto roon. "Thanks to you, Vin, sa buong pagtitiyaga mo sa akin. I'm glad that you always here beside me."

Kinabig siya ng kaibigan at marahang tinapik ang kanyang likuran.

"Baka magkaiyakan pa kayo diyan." Pabirong sabi ni Vydane sa kanila.

Medyo napangiti siya sa kapatid nang kumalas siya kay Calvin.

"So, tapos na ang klase mo?"

"Yap!"

EVEBON: The Theater ActressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon