KABANATA 7: You're my girl now

176 3 0
                                    

-- ✡ KABANATA 7: You're my girl now ✡ --

.

.

EVEBON's POV

KAPWA kami nagpapakiramdaman ni Rink. Naging kainip-inip ang bawat sandali.

Si Rink an bumasag ng katahimikan sa pagitan namin. "I'm sorry."

Nagsalubong ang aking mga kilay. "May sakit ka ba?"

Umiling siya at saka kinuha ang aking kamay. Dinala sa leeg niya. Dama ko ang bilis ng pulso niya. "I mean it, Evebon."

"...sa lahat?"

Umiling siya kaya nalito ako.

"Sorry sa paghusga ko sa 'yo." Mabilis niyang sabi bago pa man ako makapag-react. "Sorry sa panhuhusga ko sa iyo, sa pagiging malisyoso at arogante. Ang dapat ay naniwala ako kay Mommy na desente kang babae. Sorry dahil pinagpustahan ka namin. Tama siya na ako ang magiging talunan..." Bumuntung-hininga muna siya bago nagpatuloy. "But I'm not saying sorry for kissing you."

Very husky ang boses niya. Sapat na para panayuan ako ng mumunting balahibo sa buong katawan.

"Nakasalang pala ako sa apoy na walang pananggalang."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Wala siyang reaksyon kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Pinagpustahan ninyo akong mag-ina na para bang wala nang naghihintay na kinabukasan sa akin. Kaya kayo na lamang ang nagdesisyon. Kung tinanggap ko ng offer mo? Paano na?"

Naalala ko ang huling pagkikita namin ni Madam Cynthia. Bigla bumaba ang mataas kong tingin para sa kanya. "A-apology not accepted. I don't give any installment."

"But you already given it." tumingin siya sa akin, he focus on my lips.

Ang dapat ay layuan ko na si Rink. Naisin ko mang umiwas ng tingin sa kanya ay para akong nahihipnotismo sa sensual n'yang labi. "Don't seduce mo, Rink... Don't kiss me..."

"I don't like the idea, my sweetheart."

Kinabahan ako.

Napakalapit niya sa akin. Sa katunayan nga ay langhap ko ang mabango at mainit niyang hininga na nakakawala ng katinuan.

"Ayokong ihingi ng paumanhin ang kapangahasang halikan ka dahil gusto ko uling matikman ang mga labing ito..."

Sa isang iglap ay sinakop niya ang mga labi ko. Tila kami sabik na sabik sa isa't isa. Lahat ng pangamba ay nahugasan ng halik. MAdiin, mapusok, nananaliksik at naghahanap.

"Rink."

"Ssshh..." muli niyang inangkin ang aking mga labi. "Don't think... Just let it happen..." sabi niya sa pagitan ng halik.

Inilapit pa niya ang kanyang katawan sa akin. Kahit hangin yata ay walang makakasingit sa amin. Hinayaan naming mangusap ang aming mga labi.

Nang pakawalan niya ako ay nagdeklara si Rink. "You're my girl now."

Hindi ako makapaniwala. May hang-over pa ako sa intensidad ng halikan namin kanina. Muntik ko na ngang makalimutan na kailangan ko pa palang huminga. Tumingin ako sa labas ng bintana. Nandito kami sa loob ng kotse ni Rink.

Hindi ko kayang salubungin ang malagkit na titig niya. Pakiramdam ko ay kaya akong tunawin ng tingin niya.

"Too stunned to speak eh--"

Maang na tumingin ako sa kanya. "May dapat ba akong sabihin?"

"I told you, you are my girl now."

EVEBON: The Theater ActressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon