KABANATA 11: Maling Akala

132 0 0
                                    

-- ✡ KABANATA 11: Maling Akala✡ --

.

.

EVEBON's POV

SINABI ko kay Calvin ang ipinagtapat ni Ara.

"Ano ang plano mong gawin?" tanong ni Calvin. "Siguro panahon na para ikaw naman ang umamin?"

"Na ano? Na gawa-gawa ko lang ang lahat? Na hindi kita lover?" Matigas akong umiling. "Ayoko nga! Ang hirap gawin nun noh!"

"Gagawin mo o tuluyan mo na siyang hindi makikita?"

Natigilan ako. "Pupuntahan ko si Rink."

Mabilis akong nagbihis. Nang matapos ako ay nagpaalam na ako kay Calvin.

Pagbukas ko ng frontdoor ay bigla akong natigilan. Nasa harapan ng pintuan si Madam.

"M-Madam?" Nabigla kong wika.

"Kumusta, Evebon? Nakita kong nanggaling dito si Ara."

Tumango ako.

"Mabuti naman at sinunod niya ang pakiusap ni Rink. Kung hindi ay talagang kakalbuhin ko siya." Tiningnan n'ya ako at napakunot-noo siya. "Aalis ka?"

"Ho? Hindi ho!" Kaila ko. "Tuloy po kayo." Yakag ko kay Madam.

Sinalubong ako ng pagtatanong ni Calvin. "Ang akala ko ba pupuntahan mo si Rink?... Kayo pala, Madam..."

Tinanguan lamang ni Madam si Calvin saa niya ako binalingan. "Pupuntahan mo si Rink?"

Halos matunaw ako sa kahihiyan na umamin. "Nakakahiya naman kung iiwan ko kayo dito para lang mapuntahan si Rink. Kararating pa lang ninyo. Isa pa ay ito po ang unang beses ninyong pagdalaw dito sa bahay..."

"Evebon," Awat ni Madam sa ano pang sasabihin ko. "Ikaw talaga ang sadya ko dito. Kakausapin sana kita para mabigyan ng linaw ang lahat, dahil duda ako na susundin ng babaeng 'yon ang sinabi ko," ang tinutukoy niya ay si Ara. "Ang pakiusap ng anak ko. Kahit papaano ay nabawasan ang inis ko sa kanya... at ngayong alam mo na ang totoo. Gawan mo nga ako ng malaking pabor, Evebon."

I frowned.

"Nasa condo siya ngayon... pakihalik ako sa kanya."

Bahagyang naubo si Calvin. "Konsintedorang matanda!"

Hindi pinansin ni Madam si Calvin. "Gagawin mo 'yon 'di ba, Evebon?"

Alangan akong tumango.

"Kun ganoon, ano pang ginagawa mo dito? Humayo ka na" utos niya sa akin.

NANLALAMIG na pinindot ko ang doorbell. Kanina pa ako nag-iisip ng sasabihin pero hanggang ngayon ay wala pa akong maapuhap... bahala na.

Medyo napapitlag pa ako nang bumukas ang pinto

"Evebon?" walang kakurap-kurap na sambit ni Rink.

"Hi!" alanganin kong wika. Medyo kinabahan ako nang makita kong pumormal siya. "Hindi mo ba ako papapasukin sa loob?"

Saglit na dumaan sa mukha niya ang pag-aalangan. "Evebon kasi..." wika nito na parang walang maapuhap na sasabihin sa akin. Awtomatiko pa itong napalingon nang tawagin ng isang babae sa loob. Kilala ko ang boses na 'yon. Kilala ko dahil si Ara 'yon.

Inis na itinulak ko papasok si Rink. And I was stunned nang makita ng dalawang mata ko si Ara. Nakatapis na lang ito... ang tapis na isinuot ko noong surpresahin ko si Rink. Mukhang kaliligo lamang ni Ara. I know Kate's wearing nothing sa loob ng tuwalya.

At hindi ko maiwasang manibugho sa kanya.

Hindi ko na kaya ang tagpong ito! Hindi ko na alam kung ano ang totoo! Ang alam ko ay isa akong talunan. Hinayaan kong maglaro ang mga tao sa paligid ko!

EVEBON: The Theater ActressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon