KABANATA 10: Ang rebelasyon ni Ara

120 0 0
                                    

-- ✡ KABANATA 10: Ang rebelasyon ni Ara✡ --

.

.

EVEBON's POV

PINATAY ko ang aking cellphone para hindi ako matawagan ni Rink. Pero...

"Oh, you are here!" Hindi ako nagulat ngunit sinikap kong ipakita kay Rink ang pagkagulat.

"Bigla mo na lang akong nilayasan." May himig pagtatampo sa boses ni Rink. "Naisip ko tuloy na nagalit ka sa aking no'ng tumawag si Ara... nagseselos ka ba sa kanya?"

Kahit galit na galit na ang kalooban ko ay pinilit ko pa ring ngumiti. Kung gusto niyang makipaglaro, sige, makikipaglaro ako.

Ang kapal ng mukha niya! Kasal na nga'y para pa ring binata kung umasta. Anong akala n'ya sa akin? Matibay ang sikmura?

Ngayon na ang pagkakataon. 'Collect all your mask, Evebon.' utos ko sa aking sarili. 'Open curtain...' nang matanaw ko si Calvin sa punong pasilyo. Total naman ay nagdududa na si Rink sa amin ni Calvin noon pa man...

"Vin darling, where have you been this morning? Nagising ako na wala ka na sa tabi ko." Nagmamadali akong kumapit kay Calvin. Alam ko naman na sumunod si Rink na dumilim ang mukha. Ang tono ko pa naman ay nagbibigay ng ibang kahulugan, sinamahan ko pa ng paglalambing. "Nagtatam-- ouch!" napangiwi ako sa madiin na paghawak ni Rink sa aking braso. Kinaladkad niya ako palayo kay Calvin.

"Hey!" narinig kong winika ni Calvin.

"Huwag kang makialam dito, CK!"

"Keep your hands off her!" hindi naman nagpasindak si Calvin. Sumunod siya sa amin.

Alam ko naman na hindi papayag si Calvin na makaladkad ako sa mahabang pasilyo habang pinagtitinginan ng staff at mga actor.

Napuno na ang pasens'ya ko. Tama na ang pagtatanghal.

"Let me go!" malamig ngunit kontolado ang tinig ko. Sinikap kong kontrolin ang malakas na pwersa ni Rink. Nahagip ng kamay ko ang doorknob ng opisina ni Madam.

Marahas naman akong itinulak ni Rink. Mabuti na lang at hindi tumama sa likod ko ang doorknob. Kahit sa pader tumama ang aking likod ay ininda ko pa rin ang sakit. Sakit na wala sa kalingkingan ng sakit na umatake sa akin puso. Mas minamabuti ko na lang na masaktan ng pisikal.

Isang kamao ang tumama sa mukha ni Rink. "You deserve that!" galit na wika ni Calvin.

Hinawakan naman ni Rink ang bahaging sinuntok ni Calvin. Umigkas rin ang kamao niya ngunit pinigilan ko sa pamamagitan ng paghawak ko sa magkabilang kamay ni Rink. "Hindi kita hahayaang saktan siya, Rink."

Nakita kong bahagyang naggalawan ang mga masel niya sa mukha sanhi ng pagtatagis ng mga ngipin. May ibinabantang panganib ang mukha nito. "Bakit ginawa mo sa akin ito, Evebon?"

'Was it pain in his eyes?' tanong ko sa aking sarili. Sa klase ng pagtatanong ni Rink ay parang ako pa ang nakagawa ng kasalanan. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa kanyang mga kamay.

"You-- slept with him last night?"

"Yes,"

"How long have you been doing this?"

"A years."

Tumingin siya kay Calvin with a bitter smile. "But you said..." marahang hinila niya ang kanyang kamay na nakatikom pa rin. At walang lingong umalis siya. Ksaunod ang nakikisimpatyang hatid ng mga tingin ng tao sa paligid.

Saglit na sumilay ang lungkot sa mga mata ko. "This is really goodbye."

Namalayan ko na lang na inakbayan ako ni Calvin. Kailangan ko siya ngayon.

EVEBON: The Theater ActressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon