-- ✡ KABANATA 5: It's Showtime! ✡ --
.
.
KINABUKASAN..
EVEBON's POV
"Sigurado ka ba sa gagawin mong ito, Ate?" alanganing tanong sa akin ni Vydane halatang asiwa sa suot na uniforme ng isang pizza parlor.
Nandito kami sa labas ng condo unit ni Rink.
"Do your part, Vydane." Bilin ko sa kanya habang binubuksan ko ang unit ni Rink.
Inirapan ako ni Vydane. "Ano pa nga ba?" sabay talikod sa akin.
"You will recieve the biggest surprise of your life, Rink." ani ko at inihagis ko na lang kung saan ang susi na ibinigay ni Madam sa akin noon.
Tinungo ko ang banyo. Sinipat ko ang aking sarili sa naroong salamin. Tube blouse at mini-skirt na umabot lang sa gitna ng aking hita ang aking suot. Kinuha ko ang tuwalya na nakasabit at itinapis sa aking katawan. Sa hitsura ko ngayon ay hindi magdududa si Rink na may suot pa ako sa loob ng tuwalya.
Tinanggal ko ang pagkakatali ng aking buhok. Binasa ko ang aking buhok, maging ang aking maputi at makinis na balikat. I knew I looked seductive with my wet hair. My face might looked innocent without make-up.
Masusi kong sinusuri ang aking hitsura nang gulantangin ako ng text message ni Vydane.
'Ate, paakyat na d'yan si Rink.'
Sinulyapan ko ang aking repleksyon sa salamin. At napangiti ako.
"EVEBON..." tila nakakita ng Dyosa ng kagandahan si Rink nang makita n'ya ang ayos ko. Nababakas ko ang pagkabigla niya nang makita ako na nandito sa loob ng unit n'ya.
"Evebon..." ulit na sambit ni Rink sa pangalan ko haban naglalakbay ang tingin niya sa kabuuan ko. Banaag ko sa mga mata niya ang pananabik. Baka nga nanginginig pa ang katawan niya.
Nilapitan ko siya. "I'll take your offer." wika ko saka ikinawit ko ang aking mga kamay sa leg niya. Hinagkan ko siya sa kanyang mga labi.
Sa isang iglap ay napapikit ako. And I enjoy the kiss-- ang malaki kong pagkakamali. Lumalim ang halik at nahirapan akong sugpuin ang apoy na aking sinimulan. Tumigil ako sa paghalik sa kanya. Pinanghinaan ako nang magsimulang maglakbay ang mga kamay ni Rink sa aking katawan na natatakpan pa ng tuwalya. Ibinalik ko ang tama kong pag-iisip at napigilan ko ang pagtatangka ni Rink na alisin ang buhol ng tuwalya.
'Vydane, nasaan ka na?' sigaw ng isipan ko.
Mahipit kong hinawakan ang pagkakabuhol ng tuwalya habang hinahalikan n'ya ako.
'Vydane!' tawag ng aking isipan.
Malapit na akong bumigay!
Nang...
Pwersado kong itinulak si Rink kasabay ng medyo pagbuwal ko sa carpeted na lapag.
"What's wrong?" He asked me.
"T-The phone is ringing." wala akong maapuhap na sagot kaya 'yon ang nasabi ko.
Nakita kong tumaas ang isang sulok ng labi ni Rink. "It should be the buzzer, sweetheart."
Bahagyang tumaas naman ang aking kilay. Sinundan ko ng tingin si Rink na papalapit sa pinto.
Bago pa pihitin ni Rink ang pinto ay biglang bumukas ang 'yon.
"Pizza Delivery!" ang nakangiting anuns'yo ni Vydane.
Nagtatanong ang mga matang nilingon ako ni Rink.