Kabanata 12: Pregnant
.
.
EVEBON's POV
WALA akong inatupag sa buong araw kundi ang maghanap ng dormitoryong lilipatan. Obviously, balak kong lumipat ng tirahan. Ayaw ko muna sa apartment namin ni Calvin dahil tiyak na magkikita kaming muli ni Rink.
Isang paupahan sa Quezon city ang nakita ko. Nagpasya ako na kinabukasan din ay lilipat na ako.
Kinagabihan, nagluto ako ng mga ulam na paborito nina Vydane at Calvin. Pinasarap ko talaga ang pagkakaluto ng mga 'yon.
Akala ko porke't ipinagluto ko silang dalawa ng masarap na ulam ay sasang-ayon agad sila sa paglipat ko ng bahay.
"Magsabi ka ng totoo, Raven. Magli-live in na ba kayo ni Rink?" Tumiim ang anyo ni Calvin.
Umiling ako.
"Ayaw mo na sa bahay na ito?" tanong niya ulit.
Umiling ulit ako.
"Then, what's the reason, Ate?" singit na tanong ni Vydane.
"Please, huwag na ninyo akong pilitin na sabihin ang dahilan. Unawain na lang ninyo ako. Kapag nagtanong si Rink ng tungkol sa akin, ang sabihin na lang ninyo, wala kayong alam."
"Hayun! Si Rink na naman ang problema. Dahil sa kanya ay mapipilitan kang umalis. Akala ko, tapos na ang problema ninyo?"
"I lied."
"Raven..."
"Noong pinuntahan ko siya sa condo niya... nakita ko doon si Ara." I bit my lower lip. "Anong iisipin mo kapag nakita mo ang isang babae sa condo ng isang lalake? You would jump into conclusion di ba? Lalo na't nakita ko si Ara na katatapos lamang mag-shower. Anong gagawin nila? Magbi-billiards?"
Halatang naguluhan si Calvin. "Pero ang sabi ni Ara--"
"Ilang beses na siyang nagsinungaling sa akin, Vin." Naluluha na ako. "And please, ayoko siyang pag-usapan. Ang gusto ko lang ay ang makaalis na agad dito baka.. baka mamaya lang ay nandito na siya."
'Ayokong iabot niya sa akin ang kabayaran ng pag-angkin niya sa akin.' bulong ng aking isipan.
Nagkatinginan sina Calvin at Vydane. Tinanguan ako ni Vydane, bumuntunghininga naman si Calvin.
May magagawa ba kami para pigilan ka?"
Patlang.
Maya-maya ay nagsalita si Calvin. "Okey, papayag akong lumipat ka... kung ipapaalam mo sa akin, sa amin."
Lumiwanag ang aking mukha. "Thank you, Vin!" Hinalikan ko siya sa pisngi.
"Katulad ng gusto mong mangyari, wala kaming sasabihin sa kanya."
"Ate," sambit ni Vydane. "Can I ask you a question?"
"What is it?"
"Si Rink din ba ang dahilan kung bakit hindi ka nakauwi kagabi?" inosenteng tanong nito na halos ikalubog ng katawan ko mula sa pagkaka-upo. Lalo na't napatingin sa akin ang mapanuring mata ni Calvin.
Hindi ko sinagot ang tanong ni Vydane kaya lalo akong tiningnan ni Calvin nang may pagdududa.
"Oh Vin, don't look at me like that na para bang meron akong ginawan krimen."
"Meron nga ba, Raven?"
Nagyuko ako ng ulo at hindi ko na napigilan ang aking pagluha.
Natahimik sila habang umiiyak ako. Ilang beses na kumunot ang noo ni Vydane. Biglang nagmura si Calvin.