-- ✡ KABANATA 3: Rink Benidez & Rink Orgallo?! ✡ --
.
.
"Rink, ano 'yong sinabi ni Inday na galit si Evebon nang umalis kanina? Ano ba ang ginawa mo?"
Nagkibit-balikat lamang ito.
'Nagsimula na ang pustahan natin, Mom.' Bulong ni Rink sa kanyang sarili.
"May sinasabi ka, iho?"
Umiling si Rink. Inabot nito sa ina ang susi.
"Para saan ito?"
"Pakibigay kay Evebon. Gusto kong malaman mo, Mom, na inalok ko si Evebon ng one night stand."
"You did?" Nanlaki ang mga mata ni Madam Cynthia.
"Huwag kang magalit. Gusto ko lang malaman ang totoo. Hindi ako basta na lang naniniwala sa kwento lang. Kailangan ko ng katibayan, Mom."
"At ano ang resulta?"
Pinagmasdan niya ng maigi ang ina. "You won, pero huwag kang magdiwang, Mom, gagawin ko ang lahat para mahubaran ng maskara si Evebon."
"Mabibigo ka."
Hindi siya nagbigay ng reaksyon.
Alam ni Madam Cynthia na kapag hindi na sumagot si Rink ay ayaw na nitong makipag-usap kaya nagpasya na lamang siyang iwanan doon ang anak.
NAGKUKUTKOT pa rin ang kalooban ni Evebon hanggang sa makarating ito sa bahay.
"Nakakainis! Ano ang tingin niya sa akin-- cheap?! Ang lakas ng loob! Ang kapal!"
"Hey, anong script 'yang mine-memorize mo?" Untag ni Calvin na nakaharap sa laptop nito. "Anong problema? Sambakol na naman ang mukha mo, sinugod ka naman ba ni Kate?" Nag-iba ang tono nito sa huling tanong.
Si Kate ang ex ni Calvin.
"Tapos na ang problema niya sa akin. Ang away na lang ninyo ang hindi pa." Bumuntung-hininga si Evebon. "Hindi ko alam kung bakit may mga taong napakaliit ng tingin sa babae."
"Si Rink ba ang tinutukoy mo?" Marahas nitong tanong. "Nagkita ba kayo? Anong ginawa niya sa iyo?"
Umiling siya. Minabuti niyang magkwento. Sinabi niya kay Calvin ang alok ni Rink na one night stand.
KASALUKUYANG naghuhubad ng kasuotan si Evebon nang tumawag si Ara.
"Ara, mabuti napatawag ka. Balak ko sanang tawagan ka pero naunahan mo ako. Gusto kong ipaalam sa iyo na hinding-hindi ako magbaback-out sa plano mo. Tama ka, ang dapat sa mga lalakeng bumibili sa moral ng mga babae ay bigyan ng leksyon." Muling sumagi sa isipan niya ang diskusyon nila ng anak ni Madam Cynthia. Men are pig, sabi ng kanyang isipan.
"Why suddenly change your mind?"
Kahit nasa kabilang linya ang kaibigan ay nalalaman niyang natutuwa ito sa kanyang desisyon.
Ang plano ay i-drug si Rink Benidez.
Rink..
Napapikit siya, very ironic-- magkapareho pa sila ng pangalan.
Pagkatapos ay bibihisan nila ito ng pambabae at memeyk-apan. Saka kukunan ng picture. Magugulat na lamang ito kapag nagising. Samantalang sila ng kaibigan ay magdamag na magtatawa.
NANG pumasok si Evebon sa entrance door ng teatro ay kasalukuyang nagpapa-workshop si Calvin ng 'Jog freeze'. Samantalang siya ay lihim na hinila sa kamay ni Madam. Abut-abot ang paghingi ng paumanhin nito dahil sa hindi pagsabay sa kanila ni Rink.