-- ✡ KABANATA 8: Embarrassing Kiss✡ --
.
.
EVEBON's POV
WHAT is happiness? Happiness is Rink. Sa bawat pagdaan ng mga araw na magkasama kami ay walang dull moments. How I love this man!
Magkasama na naman kami ngayon. Kung maaari nga lang ay ayaw ko nang umuwi. Sana nga ay tumigil ang oras, upang matagal pa kaming magkasama. Lumalalim na rin ang gabi. Nakapag-dinner na kami. Napagkatuwaan na rin naming mag-ballroom. Nakapag-videoke na rin kami.
Nang mapansin namin ang oras ay natawa pa kami.
Inihatid na niya ako sa bahay. Nang akmang bubuksan ko na ang gate ay nilingon ko siya, nakahalukipkip si Rink na nakasandal sa kotse.
"Gusto mong pumasok para mag-coffee?" tanong ko sa kanya.
"Hindi na baka may ilagay ka na naman." tudyo niya sa akin.
Gumuhit ang guilt sa mga mata niya. "Ganoon ba ako kasama sa tingin mo?"
Nagkibit-balikat lang siya.
Sumimangot ako. Kaya nilapitan niya ako.
"Hey nagbibiro lang ako!" masuyo niya akong hinawakan sa baba. "Pumasok ka na sa loob. Sa ibang araw na lang ako magkakape." Saka idinikit niya ang noo sa noo ko. "Hmm?"
"Okey, goodnight."
"Night." aniya. "...dream of this..." he claim my lips in a chaste kiss.
Binitiwan niya ako pagkatapos ng mainit kong pagganti sa kanyang halik. Nakangiti itong nagpaalam sa akin.
Hinintay ko lang na mag-start ang kotse niya bago ako nagdesisyon na pumasok sa loob. Tila nangangarap na isinandal ko ang aking sarili sa kasasara ko pa lamang na pinto.
"Haaayy." buntung-hininga ko.
"A sound of love." Komento ni Calvin na naka-upo sa pang-isahang sofa na nakaharap sa bintana, kita ang kabuuan sa labas.
Namutla akong napatingin sa mukha ni Calvin.
"Boyfriend mo na ba siya?" tanong niya bago pa man ako makapagsalita.
Ngayon ko lamang siya nakitang ganito kaseryoso kapag kausap ako. Kaya medyo kinabahan ako, pero nang makita kong pinalitan n'ya ang ekspresyon ng kanyang mukha ay nagkalakas ako ng loob na umamin.
"Oo, Vin."
"Sana hindi mo pagsisihan ang naging desisyon mo, nasa hustong edad na tayo, panahon na siguro para pawalan na kita, my Raven. You have your own life. Nakakalungkot lang isipin na pagkatapos ng mahigit isang dekada ay hindi na ako ang tatakbuhan mo. Nand'yan na si Rink."
Kababakasan ng lungkot ang mukha ni Calvin, kaya niyakap ko siya.
"Huwag kang malungkot, Vin. Kahit naman nand'yan si Rink, hindi n'ya mapapaalis sa puso ko si Calvin Keiffer. You are my bestfriend, remember? Walang sinuman an makakasira sa pundasyong itinatag natin. Kung magkakaroon man kayo ng problema ni Rink... at papipiliin ako between you and him, I better choose The Shakespeare of my life." Malapit na akong umiyak. "I love you, best friend."
Napangiti si Vin at niyakap din ako. "And I love you too." He drop a kiss on my temple.
"HEY! Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Rink. Hila-hila niya ang kamay ko. "Kanina mo pa sinasabi na may surpresa ka, pero hanggang ngayon ay hindi mo pa sinasabi kung ano."
Tumapat kami sa isang Laundry center.
"Malalaman mo kapag pumasok na tayo sa loob..."
Naguguluhan akong sumunod sa kanya. Namangha ako sa aking nakita.