KABANATA 4: Sa bahay mo o sa condo ko?

158 3 0
                                    

- Mula sa kabanatang ito, magiging character-based story na s'ya. Kung dati ay 3rd POV s'ya, ngayon ay 1st POV o character's Point Of View na. Susubukan ko po kung kakayanin ko ang 1st POV. Thanks.

.

-- ✡ KABANATA 4: Sa bahay mo o sa condo ko? ✡ --

.

.

EVEBON's POV

"R-RINK, ikaw na ba iyan?" narinig kong tanong ni Ara bago niya kami pagbuksan ng pinto.

Hindi ko maipaliwanag ang nakita kong kislap ng mata ni Ara habang nakatunghay kay Rink. At tila binalewala niya ang aking presensya.

"Halika, tuloy ka tamang-tama kadarating lang ng inorder kong pagkain." dugtong pa ni Ara.

"Pinagmadali mo akong papuntahin dito para lang pakainin ako ng pagkain sa labas. Sana pala nag-dinner na lang tayo sa labas." Medyo bagot na sabi ni Rink.

"Darating kasi si Evebon." Mabuti at naalala din ako ng kaibigan. "Have you met Evebon?"

Nagkatinginan kami ni Rink.

"Hindi pa," ang sabi ko kasabay naman ng pasagot ni Rink ng 'Oo'.

Iniba ni Ara ang usapan at nagkunwaring hindi napansin ang aming pagsagot.

NAPANSIN ko na iba ang ipinapakita ni Ara kay Rink. Hindi ko makita na naiinis siya sa kanya. Sa halip ay napakalambing niya kay Rink. Pakiramdam ko pa nga ay sine-seduce pa nga ni Ara si Rink. Nahahalata ko naman na sinasadya ni Ara ang pagdikit-dikit nito sa lalaki. Gusto ko tuloy magduda sa totoong motibo ni Ara. Kasi base sa mga sumbong ni Ara sa akin ay napaka-asshole ng ugali ni Rink at napatunayan ko naman 'yon.

Pinapormal ko ang aking mukha. Kung si Ara ay nahuhulog na ang loob kay Rink... gagawin ko ang lahat upang huwag matulad sa aking kaibigan. Kahit pa ang mga mata ni Rink ay sa akin nakatitig... nanunukso.

NANG matapos kaming makakain ay hinayaan namin si Ara na ayusin ang lamesa. Sabay kami ni Rink na nagtungo sa sala.

Napakislot ako nang bulungan niya ako. "Magaling kang magtago ng emosyon. Minsan mahuhubaran din kita ng 'maskara' sabay ng paghuhubad ng iyong saplot sa katawan."

Sasagot na sana ako nang magsalita si Ara na nasa aking likuran na pala.

"Rink, gusto mo ng coffee?"

Parang gusto kong batukan si Ara dahil obvious ang pagpapapungay nito ng mata habang nagtatanong kay Rink. At si Rink naman ay parang walang narinig.

Kaya lihim kong siniko ang lalaki. Agad namang humingi ng paumanhin si Rink at pinaulit ang tanong ni Ara.

"Ask Evebon, alam niya ang gusto ko." makahulugang sagot ni Rink. Napatingin naman ako agad sa kanya.

Nakita ko rin ang mapaghinalang tingin ni Ara sa akin. "Eve?"

Agad ko namang tinago sa likod ng matamis na ngiti ang galit na aking nararamdaman. "Alam ko ba ang timpla ng kape mo, Rink? Wala akong natatandaang itinimpla na kita ng kape. Ngayon pa lang tayo nagkita."

Marahang tumawa si Rink. Nagpaalam si Ara sa amin ng mag-ring ang cellphone nito.

"Stop teasing me." singhal ko kay Rink. "I don't want to play dirty games with you."

"Who is playing...? I did not. I just want to make you mine."

Bahagyang kumibot ang aking mga labi upang muling magprotesta, ngunit pinigil ko na lang ang aking sarili dahil nakita kong papalapit na si Ara.

EVEBON: The Theater ActressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon