KABANATA 9: Ara, The Insecure

135 2 1
                                    

-- ✡ KABANATA 9: Ara, The Insecure ✡ --

.

.

EVEBON's POV

HINDI ko inaasahan ang pagdalaw ni Ara sa akin dito sa Bar... pagkatapos ng mahigit na dalawang linggong di namin pagkikita. Noong huli naming pagkikita, alam ko na galit siya sa akin. Itinakwil na nga n'ya akong kaibigan.

Ano kaya ang dahilan ng pagpunta niya dito ngayon?

May kailangan siguro siya sa akin. O may kinalaman siguro kay Rink.

Si Rink. Nang maisip ko si Rink ay para akong kinabahan. Babawiin ba ni Ara si Rink sa akin? Ang malaking tanon, hahayaan ko bang mangyari 'yon?

I gave her a cold treatment. "Why are you here?" tanong ko nang mapagpasyahan kong lumapit sa mesa na okupado niya.

Katatapos ko lang sumalang sa stage.

"Personal kong ipinapaalam sa iyo na hindi makikipagkita sa 'yo si Rink sa loob ng isang linggo. May mahalaga siyang lalakarin sa Singapore kasama ako. Meaning, kaming dalawa lamang doon." diniinan pa ni Ara ang huli niyang sinabi. Obvious naman na may gusto siyang ipakahulugan. Tiningnan n'ya ang aking mukha. "At sa pagbabalik niya, tapos na ang lahat sa inyo. Tapos na rin ang obligasyon niya sa kanyang ina. Walang magagawa si Cynthia kundi tanggapin ako bilang asawa ng kanyang anak."

Para akong ipinako sa aking kinatatayuan. Dapat ko na siyang talikuran para wala na akong marinig sa sinasab niya, pero hinayaan ko pa rin siya kahit sumasalakay na ang sakit sa aking dibdib. Nagkakasugat ang aking kalooban, na para bang hinihiwa ng isang matalim na bagay.

Narinig ko ulit ang pagsasalita ni Ara.

"Alam ko ang lahat, Eve. Nagtapat siya sa akin... matapos ang gabi na bigo ang plano. Na-offend siya sa akin no'ng una, pero sa kabilang banda nasiyahan pa rin siya. Dahil ako ang gumawa ng hakbang para makasal kami. Hindi ko naman siya official boyfriend... magiging official husband ko naman siya. At alam kong mahal niya ako, dahil nag-I love you siya sa akin." Buong pagmamalaking pahayag niya. Parang nasisiyahan siya sa sakit na nakaguhit sa mukha ko.

"W-why are you telling me this Ara?"

"Dahil gusto kong magising ka!" galit na tiningnan n'ya ako. "Una pa lang alam mong ako ang gusto niyang pakasalan. And you took him away from me! Pero hindi ako makakapayag, Eve. Sa akin siya. At siguro naman lalayuan mo na siya."

Sinikap kong paluwagin ang aking dibdib. Nakakapagtakang kalmado pa rin ako. I didn't care kahit marami na ang umuusyoso amin. Sanay ako sa pagtatanghal. "Hindi ako tumatanggap ng utos mula sa dating kaibigan." Tinalikuran ko siya.

Hindi tumigil si Ara. "Hindi ikaw ang mahal niya, Evebon. Kahit kailan hindi niya magugustuhan ang babaeng may ka-live-in!"

Ipinangalandakan ni Ara sa mga naroon ang relasyon namin ni Calvin kahit wala 'yong katotohanan. Hinayaan ko siyang mag-eskandalo. Bumalik ako sa entablado habang pilit na pinapalabas ng mga tauhan sa Bar si Ara.

The show must go on.

Ipinakita niya sa lahat na hindi siya apektado kahit ang ilang mga costumer ay kinukutya siya, may ilan din namang nakikisimpatya. Nagbabantang mahulog ang aking luha ngunit hanggang pagbabanta lamang.

Ginamit ko ang natutuhan ko sa teatro... ang concentration. Tiniyak kong ni patak ng luha ay hindi ako magkakaroon.

Actress ako, dapat ay matakpan ko ng ibang emosyon ang hapding nararamdaman. Ayaw kong sumigaw ang mga tao ng 'Quate Te Raven, never more!'

EVEBON: The Theater ActressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon