Sa isang malawak na kagubatan kung saan naninirahan ang mga sari saring mababangis na hayop. Isang katawan ng lalaki ang nakahiga sa lupa na nababalot ng kulay dilaw na mga damo na aakalain mo ay ginto. Gutay-gutay ang damit , duguan at balot ng pasa at sugat ang katawan.
Sa kabilang bahagi ng gubat ay naroon ang dalawang mag-asawang matanda na nangangaso at kumukuha ng kahoy panggatong.
" Vistang ! Bilisan mo na man diyan at mukhang uulan na." Sigaw ng matandang babae sa kanyang asawa na hila- hila ang patay na hayop.
"Imbis na magsisigaw ka diyan tulungan mo na lang ako dito."
Kumunot lang ang noo ng matandang babae at nagpatuloy sa paglalakad. Sa paglalakad niya ay napatingin siya sa bandang kaliwa. Napansin nito ang katawan ng lalaki na nakahandusay.
Sa una ay inakala nito na isang patay na hayop lang ang nakita. Nang mapansin niyang tao ito ay nagmadali itong tumakbo papalapit sa nakahandusay na katawan.
"Vistang ! Vistang ! " tinawag niya ang kanyang asawa upang ipaalam ang nakita.
"Ano na naman ba Vestilda ? Bat ba tawag ka ng tawag ? " kunot lang ang noo ng matandang lalaki.
"May nakita akong tao na sugatan " tinignan ni Vestilda ang pulso kung buhay pa ito.
Pagdating ng matandang lalaki ay nagulat ito sa kanyang nakita. Ang nasa kanilang isip ay inataki ito ng mabangis na hayop o halimaw. Dali-dali nilang isinakay sa balsa na hilahila ng isang AYRO ang lalaki. Dinala nila ito sa kanilang bahay upang gamutin ang mga sugat.
Note: ayro (isang hayop na singlaki ng kabayo na may pagkahawig sa aso at wala itong buntot. Halaman ang kinakain nito)
*****
Ginamot nila ang mga sugat at pasa ng lalaki. Inalagaan nila ito sa mahabang panahon.Isang taon na kasi ang lumipas ay hindi pa rin nagigising ang lalaki. Kaya naman mas lalo nilang ninais malaman kung ano ang nangyari dito at kung saan ito galing. Napansin din nila ang tattoo sa kanang kamay at braso ng lalaki. Alam ni Vistang na ang tattong iyon ay hindi pangkaraniwan. Ang mga tao kasing may tattoo sa katawan ay may tinataglay na malakas na kapangyarihan.
" ano kaya ang nangyari sa kanya? At bakit may tattoo siya ? Anak kaya siya ng isang maharlika ?"
Hinawakan ni Vestilda ang tattoo dahil sa kanyang pagkamangha.
" hindi ko rin alam, ang pinagtataka ko lang ay itim ang kulay ng sa kanya "
Sa kanilang mundo ay wala pa silang nakikitang itim na tattoo. Kaya ganun na lamang ang pagtataka ng matanda.
" sa pagkakaalam ko ay wala namang itim na tattoo " matapos punasan ni Vestilda ang katawan ng lalaki ay binuhusan niya ng dilaw na tubig ang baba nito. Ang dikaw na tubig ang siyang nagsisilbing pagkain ng lalaki. Galing ito sa katas ng Tungbu. Isang halaman na nakagagaling at nakakapag palakas ng katawan.
******
Naghuhugas ng pinagkainan ang matandang babae nang may marinig itong ingay sa loob.
" hindi ! Ugh ugh... Wag maawa kayo ..M...hmm.."
Sinampal ng matanda sa mukha ang lalaki upang magising ito mula sa bangungut.
"Sino kayo ? Nasaan ako ? "
Naroon narin si Vistang sa loob upang tignan ang nagising ng lalaki mula sa matagal na pagkatulog. Malaki ang kanilang galak dahil sa wakas ay nagkamalay na rin ang lalaki sa loob ng isang taon.
" ano ang sinasabi niya ?"
Napatingin si Vestilda sa asawa niya. Hindi nila maintindihan ang sinasabi ng lalaki.
BINABASA MO ANG
TRANSPORTED : WORLD OF VERZEIA #WWAwards2018 #WPAwards #ASAwards2018
FantasyPaano kung mapunta ka sa ibang mundo sa mahabang panahon? Sa isang hindi pangkaraniwang mundo. Gustuhin mo pa bang makabalik? Alamin ang pakikipagsapalaran ni Shu sa isang naiibang mundo.