Chapter 5 : MAJIKANA

108 27 0
                                    

Si gray at ang matanda ay nagtungo sa isang maliit na kainan sa gilid lang ng daanan. Marami-rami rin ang nakain ni Gray.

"Mukhang gutom na gutom ka " patuloy lang sa pagkain si gray.

"Ngayun lang po kasi ako nakakain ng mga pagkaing ito "

" Karamihan talaga dito ay paborito iyang kinakain mo, Samiyo ang tawag diyan.Galing iyan sa karne ng Alpaka na pinakuluan ng limang oras. Kaya naman malambot at masarap ang karne."

Tumigil sandali si Gray sa pagkain nang maalala niya na wala na pala siyang pera.

"Wala po pala akong pera pambayad "

" haha, wag kang kang mag-alala ako na ang magbabayad. Pasasalamat ko na rin sa pagtulong mo sa akin "

" maraming salamat po ginoong ......  "

Hindi pa pala niya alam ang pangalan ng matanda kaya natigilan siya.

" Ginoong Mazus, Mazus Diviones "

" salamat po Ginoong Mazus "

" at ikaw sino ka naman ? "

" ako po si Sh... G- gray Demonile "

Napaisip sandali si Mazus. May kaibigan kasi siya dati na Demonile din .

Sa kanilang likuran ay rinig nila ang pinag-uusapan ng dalawang babae.

" hanggang hating gabi na lang pala ang pagpapalista sa MAJIKANA "

" tama lang iyon, mahigit isang linggo na rin naman simula ng magbukas ngayong taon ang MAJIKANA "

" marami kasi sa mga baguhan sa unang baitang ang hindi pa nakakapagpalista "

Nang marinig niya ang usapan ay nagmadali siyang tumayo

"Pasensya na po ,pero kailangan ko ng umalis "

"Teka sandali ! " mula sa bulsa ay may kinuha itong tatlong piraso ng pilak. " Sayo na ang perang ito ,kakailanganin mo ito "

Ayaw niya sanang tanggapin ngunit ipinilit ito sa kanya ng matanda.

"Mas mapapadali ka kung sasakay ka. May dadaan dito na isang sasakyan, ibigay mo ang isang piraso ng pilak para makasakay ka "

Ilang sandali lang ay may dumating na isang parang mahabang karwahe. Pero naiiba ito dahil wala itong gulong at nakalutang lang.

" may sasakay pa ba ? "

" mauna na po ako Ginoong Mazus "

*****
Gabi na ng marating niya ang GABDAD. Ang sentro ng Albanya.. Namamangha siya sa kanyang mga nakikita. Maraming makukulay na mga ilaw at gusaling gawa sa kahoy at bato. Sa gilid naman ng mga kalsada ay may namimili, nagbebenta, nangangakal at kumakain. Iba iba ang bawat tao, may nakasout ng balute, sandata at iba pa.

" kaya siguro ito tinawag na sentro ng Albanya"

Naalala niyang kailangan pa pala niyang hanapin ang MAJIKANA. Kinuha niya ang kanyang dalang mapa. Sinubukan niyang maghanap gamit ang mapa pero inabot na siya ng halos dalawang oras ay wala pa rin. kaya naisipan niyang magtanong-tanong sa mga taong nakakasalubong

"Napakalaki pala ng Gabdad" sabi niya sa sarili

" pasensya na po maari ba akong magtanong? "

" ano iyuwn ? " mukhang lasing na ang lalaki. Hawak pa nito ang bote ng alak sa magkabilang kamay

" saan po papuntang MAJIKANA ?"

" ah.. Pumuntwa ka dojun sa kablira grr.... Sz...s.z.dks.. "
Wala namang naintindihan si Gray sa pinagsasabi ng lasing. Kaya naghanap siya ng ibang mapagtatanungan.

Isang matanda naman ang kanyang napagtanungan

" saan po papuntang MAJIKANA? "

" Ano kamo iho , mariwana ? " matanda

" hindi ho, majikana po "

" ah... Majician ka na ? " matanda

" ma..ji ..ka.. Na. Ho "

" ah.. Alam ko na ..majikana ? "

" Opo "

" nakalimutan ko na eh" matandA

napanganga na lang si Gray sa matanda

Isang lalaki naman ang kanyang sinubukang pagtanungan. Mukha itong desente.

" pwede po magtanong ?"

" gusto mong magtanong ng damit na bagay sayo ? "

"H- hindi po "

" ito bagay sayo,dalawang pilak lang ,meron din akong balute dito sakto sa iyo. "

Mukhang alam na niya ang patutunguhan ng usapan kaya umalis na lang siya.

" teka sandali, meron din Ako espadA dito mura lang. "

Dahil sa pagod ay naupo na muna siya sa ilalim ng puno. Tagaktak ang pawis at nakakaramdam na rin siya ng gutom.

" wala ba akong matinong mapagtatanungan dito ?"

"Anong oras na kaya ? "

" masiram radi ( magaalas onse pa lang ) "

Napalingun siya sa nagsalita.

Isang batang babae ang nakatayo sa kayang gilid, maganda ito at may mahabang buhok na hanggang bewang. Kulay pula ang buhok at itim ang mata.

" kamusta ka ? Ako po pala si
Myumi ( or miyumi) " nakangiti lang ang bata habang nagpapakilala.

(Nasa 10 na ang edad ng bata, si Shu/gray ay 22 na kasi 17 siya nung mapasok sa lagusan, 4 to 5 years na kasi ang lumipas, nasa naunang chapter )

" ikaw ano pangalan mo ? " natutuwa naman si Gray sa kanya dahil sa maamo nitong mukha. Para bang hindi mo kakikitaan ng pagkalungkot.

" Gray ! ako si gray "

" hinahanap niyo po kuya gray ang MAJIKANA ? " myumi

" ah.... O..o alam mo ba kung saan ?"

" hmmm..... Bili mo muna ako ng pagkain "

Kinuha ni Gray ang dalawang pilak na natitira sa kanya.

" hehehe, biro lang kuya " nagpapalobo pa ng pisngi ang bata at natatawa.

Sumipol si Myumi at may isang maliit na ibon ang dumapo sa balikat nito.

" verobin ! "

" verobin ? " gray

" verobin po ang pangalan ng alaga kong ibon "

May binulong ito sa ibon.

"Sundan niyo lang po si verobin ituturo niya sa inyo ang daan
Papunta sa Majikana."

Lumipad na ang ibon, mabilis ang paglipad nito kaya kailangan niyang tumakbo para hindi ito mawala sa kanyang paningin.

" s-salamat " gray

" kita na lang tayo mamaya sa loob kuya! " sigaw ni Myumi kay gray na nasa malayo na. Pero hindi na ito narinig ni gray.

*****
Nakarating si Gray sa harap ng isang malaking pintuan. Sa itaas ng pinto ay nakaukit ang MAJIKANA.

" ang bilis naman ng ibon na iyon, mabuti na lang nasundan ko pa"

Naliligo na ng pawis si Gray. Nagpalit muna siya ng damit. Tinanggal niya ang sout na balabal at isinout ang kulay brown na damit na hanggang kamay ang bukton (parang long sleeve ). At isinuot uli ang balabal dahil maginaw.

Biglang bumukas ang pintuan. Huminga muna siya ng malalim bago nagsimulang humakbang papasok.

***********************************
Next chapter na....

Ano ang magiging buhay niya sa loob?
Ano ang matutuklasan niya sa pananatili doon ? Malalaman ba niya ang dahilan ng pagkapunta niya sa verzeia?
Abangan ........ Haha






TRANSPORTED : WORLD OF VERZEIA  #WWAwards2018 #WPAwards #ASAwards2018 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon