Chapter 2: Ang Tattoo

139 30 1
                                    

Maagang nagising si Shu para sa pagsasanay. Tuwing umaga nila ito ginagawa. Inayus niya ang balot sa kanyang kanang kamay. Nung minsan kasi na magsanay sila ay isang hindi inaasahan ang naganap. Sa tuwing nagagalit si Shu ay lumalabas ang kapangyarihan na nagmumula sa kanyang kanang kamay (sa tribal tattoo). Isang malakas na kapangyarihan na kayang pumatay ng maraming nilalang.  Kapangyarihan ng isang Diablo. Kaya naman upang malimitahan ang paglabas ng itim na kapangyarihan sa loob ng katawan ni Shu ay binabalot niya ito ng puting tela na may Selyo (magic seal) sa ilalim.

Hindi rin nila malaman kung bakit nagkaroon ng ganung kapangyarihan si Shu. Ang hinala ni Vestilda ay may kinalaman ang Lagusan o liwanag na siyang nagdala kay Shu.

Samantala ipinakita ni Vistang ang isang maliit na hawakan ng espada.

" ano po yan ama ?"

" ito ang sinasabi ko sayong aking sandata " gustong matawa ni Shu dahil iniisip niya kung paano naging sandata ang hawakan ng espada
Pero namangha siya ng lumabas mula rito ang talim ng espada at humaba

" mukha lang itong ordinaryo pero hindi, meron itong taglay na kakaibang lakas at talim"

Hiniwa ni Vestang ang malaking tipak ng bato. Isang hampas lang niya gamit ang isang kamay ay nahiwa ang bato aa kalahati. Inihagis ni Vestang ang espada kay Shu. Tulad ng ginawa ng Ama ay pinalabas niya ang talim ng espada.

" gusto kong iyan ang gamitin mo sa pagsasanay natin ngayon, "

Sa pagsasanay ay laging natatamaan ni vistang si Shu dahil hindi pa siya masyadong sanay sa sandatang hawak. Naiinis na si Shu dahil sa pagkakantiyaw sa kanya ng kanyang Ama.

" ano ? yan lang ba ang kaya mo ? Akala ko ba malakas ka na ? "

Di sinasadyang natamaan ni Vestang ang telang pambalot o benda sa kamay ni Shu, natanggal ito at nahulog.

" Shu sandali lang tumigil ka " ngunit mukhang hindi na siya naririnig nito. Ang nasa isip ni Shu ay ang patamaan si vistang gamit ang sandatang espada. Nilamon na siya ng galit. Nag-uumpisa ng magbago ang kanyang itsura. Ang tattoo ay dahan dahan na kumakalat sa kanyang katawan.
Matalim na ngipin at pula ng kaunti ang isang mata.

" Shu ! Pigilan mo ang sarili mo ..wag kang magpatalo sa kadiliman na nasa loob mo" sigaw ni vistang habang sinusubukang kunin ang balot sa kamay ni Shu sa lupa.

Lumalakas ang hangin, at lumalabas ang itim na awra sa katawan ni shu. Sa tuwing siya ay nagagalit ay lumalabas ang kapangyarihan ng diablo mula sa tato.

" shu ! Labanan mo  ! Wag kang magpatalo sa diablo ! " ramdam ni vestang ang patuloy na paglakas ng kapangyarihan ni shu. Natatakot siyang baka tuluyang maging ganap na anyong Diablo si Shu at hindi na nila ito maibalik.

Pilit nilalabanan ni Shu ang sarili.

" A...ama .. Tulong.... " sigaw ni shu.

Sinamantala ito ni Vistang upang isout ang benda sa kamay ni shu  . Dumating din si Vestilda at gumawa ng ritwal upang pakalmahin si Shu. Sa lakas ng itim na enerhiya ay agad nanghina si vestilda. May dugo na lumabas sa kanyang ilong. Dahil sa ritwal na isinagawa ni vestilda ay panandaliang nagulo ang utak ni Shu.

Sinamantala ni vistang ang pagkakataong iyon.

" vistang ! Bilisan mo, ilagay mo na  " hinawakan ni vestang ang kamay ni Shu at agad na itinali ang tela sa kamay ni shu.

Tumilapon si vistang sa lakas ng pagkakahawi sa kanya ni Shu.

Pero Malaki ang kanilang pasasalamat at naagapan nila iyun bago tuluyang mawalan ng kontrol sa sarili si Shu.

TRANSPORTED : WORLD OF VERZEIA  #WWAwards2018 #WPAwards #ASAwards2018 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon