Chapter 15

138 10 3
                                    

Dahil sa nangyaring biglaang pag-ataki ng napakaraming halimaw ay maraming ang nasugatan at nasaktan. May mva gusali na nasira pero madali naman itong naayos.

Sa loob ng malaking silit ay nag-uusap ang mga opisyal ng majikana tungkol sa mga nangyari. Nakaupo sila sa isang malaki at mahabang lamesa. Nasa gitna nito si Dennisovich.

" may ideya na po ba kayo punong Dennisovich kung ano o sino anv may kagagawan sa mga nangyari ? " tanong ng isang lakay.

" ayaw ko mang sabibin pero , may hinala ako na mga kampon ni Zerex ang may gawa nito sa atin " natahimik ang lahat sa sinabi ni Dennisovich.

" Zerex ? Hindi ba matagal na siyang wala, nang tanggalin ni Tandang Orayun ang masamang kapangyarihan niyang taglay ?. Dalawampo't tatlong taon na ang nakakaraan ? " sabi ni lakay shilva. Napaisip ang lahat sa kanyang sinabi.

" tama ang sinabi ni lakay shilva, ibig ba sabihin nito ay buhay pa si Zerex ? " lakay Laron.

"  baka nakakalimutan niyo na , na wala tayong katawan na nakita. At kung totoo man na patay na ang Hari ng Kadiliman na si Zerex. Hindi ba at buhay pa ang kanyang anak ? At maaring ito ang sumunod sa yapak ni Zerex. " seryuso ang lahat na nakikinig kay Xilion. Ang pumapangalawa kay Dennisovich.

" maari rin namang patay na talaga si Zerex at balak ng kanyang anak ana buhayin ito muli "  Sabi ni Jevan. Ang isa sa tapat na tagapagbantay ng Majikana.

" mukhang imposible naman ang sinsabi mo " pag-tutol ni Dennisovich. " paano naman niya bubuhayin ang patay ?"

"Simple lang ! Sa pamamagitan ng pagbabalik ng kapangyarihan ni Zerex sa katawan nito, o Di kaya ay sa pamamagitan ng ipinagbabawal na ritual, ang Ritual ng Buhay, at maaring nagsisimula na silang kumilos ngayun "

Napakunot ang noo ni Dennisovich sa narinig niya mula kay Jevan at para bang hindi niya gusto ang mga ideyang lumalabas sa bibig ni Jevan.

" at sigurado akong kakailanganin nila ang kapangyarihan ni Myumi at ng dalawa pang may kapareho ng kakayahan ni Myumi sa ibang kaharian." Jevan.

" sigurado naman akong poprotektahan siya ng Vassilikus " sabi ni lakay Bajo.

" kung ganon ay kailangan natin na bigyan ng babala ang iba pang kaharian " tumayo si Xilion.

" kung ganon inuutusan kita Jevan na ipaalam sa ibang kaharian ang iyung nalalaman " ngumiti ng bahagya si Dennisovich. " wala na ba kayong sasabihin ?"

" ang malaking katanungan sa isip ko ay saan o ano na ang nangyari sa itim na kapangyarihan ni Zerex ? " dagdag pa ni Veta. Ang namumuno sa mga tagapagbantay ng kaharian at ng majikana.

Napaisip sila bigla.

" wag na muna natin intindihin yan , sa ngayon ay kailangan nating protektahan si Myumi at ipaalam sa hari ang napag usapan natin " mungkahi ni Xilion.

Nag-alisan na ang iba at naiwan si Dennisovich at Tana.

" ano sa palagay mo Tana ? " dennisovich.

" alam ko na po ang ipagagawa niyo " ngumiti si Tana.  " ako na mismo ang aasikaso "

**********************************
Flashback

Nagpapahinga sa bahay pagamutan ang mga nasugatan. Nandoon din si Gray. Dinala siya ni Feya doon matapos ang nangyari.
Wala naman siyang sugat at galos pero hindi pa kasi ito nagigising.

Gabi na ay tulog pa rin si Gray. Tatanggalin sana ng manggagamot ang benda sa kamay ni Gray para linisin at alisin ang mga dugo dito. Pero nagulat siya ng hawakan ni Gray ang kamay nito.

"Wag mong tatanggalin yan kung ayaw mong mapahamak " sa pagkasabi ni Gray ay kinabahan ang manggagamot.

tumayo si Gray at lumabas ng silid.

" teka ! Saan ka pupunta ? " sigaw ng manggagamot. Nagpatuloy lang si Gray.

Nakasalubong niya si Vitiana.

" gray ? Saan ka pupunta ? " tanong ni Tiana.

" uuwi na ako , pagod ako " gray

" sasamahan na lang kita " tiana

" wag na ! Ayaw ko ng isturbo, kaya ko ang sarili ko " nagtaka si Tiana sa inasal ni Gray.

**************************
Pagkagising ni Gray nagulat siya, na puno ng dugo ang sout niya.
" hindi pa pala ako nakakapag palit ng kasoutan "

Agad naman siyang naligo at nagpalit. Pinalitan niya din ng balot ang kamay ng kulay pula.

***
" oh gray ! ayos ka na ba ? Hindi na ba mainit ulo mo ?" Tanong ni Tiana.

" mainit ang ulo ?" Tanong ni Gray. Wala namang naalala si Gray na uminit ang kanyang ulo.

" kagabi kasi mukhang mainit ulo mo "

" ah ... Pasensya ka na Tiana "

" ayus lang yun ,wag ka mag-alala " nakangiti lang si Tiana.

Dumating naman si Limaw at umakbay kay Gray. Nakangiti ito at mukhang masaya.

" alam niyo ba ? Babalik na si Titanya " sabi ni limaw.

" talaga ? kailan ? " tiana.

" mamayang gabi daw ! , oh ! Gray parang di ka yata masaya ? "

" sino ba si Titanya ? " gray.

" ay, hindi mo nga pala kilala si Titanya, makikilala mo rin siya mamaya , siya ang nakaupo doon sa bakanting upuan sa tabi ni Titus"

***

Pasensya na ! Nabusy lang ...  Next na .....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TRANSPORTED : WORLD OF VERZEIA  #WWAwards2018 #WPAwards #ASAwards2018 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon