Chapter 4 : Mga bandido

115 32 0
                                    

" nakakahiya ? Ako ?"

Naiisip pa rin ni Gray ang sinabi sa kanya ng babaeng tumulong sa kanya kagabi.

Naglalakad siya sa kalsada ng kamaru. Tumitingin siya sa paligid nagbabasakaling may masakyan papunta sa ikalawang bayan. Hindi niya namalayan na may tao sa kanyang harapan kaya nabunggo niya ito.

Baam ... ! Boom !

" ano ba ? Wala ka bang mata ? "

Matalim ang titig sa kanya ng lalaki. Kulay pula ang buhok nito. Nakasuot ng itim na damit.

" p-pasensya ka na ,diko sinasadya " gray

Naramdaman ni gray ang biglaang pag-init ng paligid. Hindi niya alam kung bakit.

" Ooops , kalma lang pre ! Wag mo nang patulan. Isa lang yang mahinang vaslandi " lumapit ang isa pang lalaki na may kapareho rin na suot. Kulay berde naman ang buhok nito. "mabuti pa , tumuloy na tayo para makabalik na tayo agad  "

Umalis na ang dalawang lalaki.

" lahat yata siguro ng tao dito ay iba-iba ang kulay ng buhok "gray

Bago tuluyang umalis ay tinignan uli ng lalaking may berding buhok si Gray. May kakayahan ang mga vassili na malaman kung vaslandi ang isang tao dahil naiiba ang taglay na MAHO ng isang vaslandi kay sa sa mga vassili. Pero wala siyang maramdaman na maho sa katawan ni Gray.

Note: maho ang tawag sa magical energy sa katawan ng mga vaslandi at vassili. Isinasalin ng vaslandi ang maho sa isang vessel (sandata) na nagsisilbi nilang power. Kung walang sandata ang vaslandi ay wala rin silang power.
Di tulad ng vassili na may natural na
power.
Malalaman nyo rin.

Isang karwahe ang dumaan, may
karga itong mga dayami. Hinabol niya ito para makisakay.

" manong ! Sandali ! " hindi ito narinig ng kutsero. " manong !"
Sa ikalawang beses ay Huminto na ang karwahe.

" bakit iho anong kailangan mo ?"  Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita

"Papunta po ba kayo sa kabilang bayan ? "

" Oo, kailangan kung dalhin ang mga dayaming ito sa pagbibilhan ko "

" pwede po ba akong makisakay sa inyo? " ngumiti ang matanda sa kanya "ayos lang , diyan ka na lang sa likod "

Unang beses sumakay ni gray sa karwahe kaya naman naaaliw siya.

" ang sarap pala sumakay dito " napangiti lang ang matanda sa narinig

" haha , unang beses mo bang sumakay sa likod ?"

"Ah..oho ngayun lang kasi ako nakasakay dito "

" saan ka ba galing iho ? "

" Galing po ako sa ALAMAHIM "
Natigilan ang matanda sa narinig niya.

" alamahim ? Sigurado ka ba ?

"Opo, doon ako nakatira , bakit po? "

" ah.. Wala ! Napakalayo kasi ng pinanggalingan mo at tsaka maraming mga mababangis na nilalang ang naninirahan sa kagubatan ng Alamahim kaya bigla kong naisip na baka malakas ang kapangyarihan mo "

" hindi po, ... Wala naman po akong espesyal na kapangyarihan "

" kung ganun magaling ka siguro makipaglaban at malakas ang iyong sandata  "

" ah hindi naman po ,ordinaryong sandata lang ang meron ako "
Napaisip ang matanda. Kadalasan kasi ng Vaslandi ay may malakas na sandatang gamit.

TRANSPORTED : WORLD OF VERZEIA  #WWAwards2018 #WPAwards #ASAwards2018 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon