Chapter 7 : Notebook

88 22 0
                                    

************************************
SA EARTH PA RIN ITO | NEXT CHAPTER BALIK NA SA TERABITHEA
************************************
Kakatapos lang ng klase ni Carmin. Naglabasan na ang mga estudyante.

" carmin ! Carmin ! " tawag sa kanya ng dalawang babae.

Tumigil sa paglalakad si carmin.

" oh bakit ano yun ?" Tanong ni carmin.

" alam mo ba na lumapit si kevin sa amin kanina" may halong excitement ang kanilang boses.

" napakachismusa niyo talagang dalawa "  sabi ni carmin sa dalawang kaibigan niya.

" teka lang ok ! Alam mo ba ang sinabi niya ? " sabi ni tina

" anyari sa inyong dalawa at parang kinikilig pa kayo ?" Pagtataka ni carmin. Kinuha na lang niya ang checheryang hawak ni Jana at kumain.

Pumunta si jana sa harapan ni carmin. " alam mo ba sinabi ni kevin na may gusto daw siya sayo ?"

" swerte mo naman bes, ako nga hindi pinapansin ng gusto ko "  may pa kunwaring paghawak sa dibdib pa si Tina.

Nagpatuloy sa paglalakad si carmin.

" eh ano naman? " parang wala lang sa kanya ang sinabi ng kaibigan.

" ano ? Wala lang sayo yun ? Eh lahat ng babae ata may crush kay kevin manalo, gwapo at hot ,varsity pa "

" carmin ! Makinig ka sa amin. Namang mawawala kung susubukan mo di ba ? "

Pilit nilang kinukumbinsi si carmin tungkol sa pag-ibig.

" Oo nga, at saka 21 ka na ,nasa tamng edad ka na at hindi naman siguro magagalit si tita at tito " jana

Napaisip din si carmin sa sinabi  ng kaibigan. Tama naman sila. Siguro nga ay panahon na.

Nang palabas na sila ng  building ay nakasalubong nila si kevin.

" ah.. Punta muna kami ng canteen " palusot ng dalawa

Hindi alam ni carmin ang gagawin. Susunod ba siya sa dalawa o hindi ?

" mmm... Carmin may sasabihin sa ako sayo " mahinang sabi ni kevin.

" ano iyon ?"

" maaari ba kitang maging date sa valentines party ? "

Hindi sumagot si carmin. Inisip ni kevin na hindi interesado si carmin.

" sige , alis na ako ! " malungkot ang mukha ni kevin.

" Ammm... Sige " napatigil siya ng marinig anv boses ni carmin. " ano sabi mo ?"

" sige payag ako, pero ikaw bibili ng damit ko " medyo pabirong sabi ni carmin.

" mmmm.." Kevin

Natatawa naman si carmin sa mukha ni kevin.

" biro lang , may damit naman ako no " natawa naman din si kevin.

" asahan kita ha, mauna na ako may practice pa kasi kami. Basta pumayag ka na ha "

Iba ang pakiramdam ni carmin. Kahit papaano ay parang gumaan ang loob.

****** Fast forward ****

Matapos ang party ay hinatid na ni kevin si carmin. " salamat carmin sa masayang gabi na ito " kevin

" hindi ! Ako dapat ang magpasalamat sayo, salamat sayo kevin "

" sige, kita na lang tayo bukas "

Binuksan ng katulong nila ang gate. Tulog na rin kasi ang magulang niya. Pumasok si carmin sa kwarto. Hinubad ang damit na sout at naligo sa CR. Nakasanayan narin kasi niyang maligo bago matulog.

Umupo siya sa harap ng salamin. Binuksan niya ang drawer at kinuha ang suklay. Nakita niya ang isang notebook. Notebook ito ni Shu noon sa Filipino.

Lahat ng gamit ni Shu sa tinirhan nitong maliit na bahay ay kinuha ng kanyang ina. Maliban sa notebook na iyon. Hindi alam ni carmin kung bakit iyun ibinigay sa kanya ng ina ni Shu. Ni minsan kasi ay hindi niya pa ito nabubuksan.

Ngayun ay buo na ang kanyang loob. Binuksan niya ang notebook. Maraming mga notes dito ng lessons sa filipino. Sa likod ng notebook ay may mga drawings, natatawa siya sa mga drawings na nakikita niya. Hindi naman magaling magdrawing si Shu pero mahilig siyang mag guhit ng kung anu-ano. Sa likod ng notebooks niya habang nagkaklase.

Ibinalik niya sa mga note ng lessons ang pahina. Doon nabasa niya ang kahuli-hulihang notes ni Shu.

Ito ay tungkol sa assignment/activity nila noon. Binasa niya anv tanong.

************************************

Laman ng Notebook :
Isulat sa isang boung papel. Gumawa ng sanaysay tungkol sa tanong.

1. Ano ang gusto mong sabihin sa mga taong mahalaga sayo na gusto mong ipahatid sa kanila ?

Naaalala pa ni carmin ang takdang aralin na iyon. Nakakuha pa nga siya ng 85 %.

************************************
" siguro , ito yung scratch ng sanaysay ni Shu " mahina niyang sabi.

Merong tungkol sa kanyang ina, ama at sa kanilang dalawa ni jun. Nabasa na naman niya dati ang ginawang sanaysay ni Shu. Dahil inagaw niya ito dati at hindi pa nga naisasauli iyon.

Ngunit meron doong mga pangungusap tungkol sa kanya. Na hindi pa niya nabasa dati. Medyo nabura na ito. Mukhang binura ng sadya ni Shu pero kaya pa namang basahin.

Bisaha ito ni Carmin ng dahan-dahan.

" Si carmin ? Makulit siya ,masayahin , palatawa. Kaya lang medyo may pagkapabebe. Palagi niya akong kinukulit sa kong anu-anong bagay. Pero hindi ako nagagalit, natutuwa pa nga ako sa kanya. Minsan naiisip ko may gusto kaya siya sa akin ? Pero sabi ko, imposible naman.
Sweet lang talaga siyang tao simula ng bata pa kami. Iyakin pa nga siya dati. Ako naman ay hindi lang siya pinapansin. Palagi niya ako inaalala. Sa tingin ko nga nagkakagusto na ako sa kanya. "

Tumigil sandali sa pagbabasa ni carmin. Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy.

" ay hindi pala ,gusto ko na talaga siya. "

Sa nabasa niyang iyun., Ay hindi lungkot kundi tuwa at ligaya ang kanyang nadama. Siguro nga ay nakamove-on na siya.

Nang gabing iyon ay Natulog siya ng may ngiti sa labi.

************************************
Next chapter balik na sa terabithea. Exciting haha !
Pati ako na author nai-excite :) ....

Ano kaya ang mangyayari pagnagkita sila ulit ?
At kailan naman yun ? Tutuk lng...
Sa nagiisang paborito ng bayan :)

***********

TRANSPORTED : WORLD OF VERZEIA  #WWAwards2018 #WPAwards #ASAwards2018 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon