Nasa labas sila para sa pagsasanay na kanilang gagawin kasama si Lakay Shilva.
" lahat ng Vassili at Vaslandi maghiwalay " utos ni Shilva.
Nasa kaliwa ang mga Vassili (basilay) at kanan naman ang vaslandi ( baslandi ).
Sa vassili ay naroon si Vitiana, Tereya , Mavien ,Breyar , Normis, Vidad (Babae ), Gridget (Gridjet) at ang kambal na sina kalay (lalaki) at karay (babae ).
Ang mga Vaslandi naman ay sina Titus, Limaw , Gray , Libay , Jekel ,Jebi n, Dredo , Erius , Feya at Bara
( babae si bara na medyo may pagkalalaki kumilos, vaslandi pero may naturalna lakas na minana niya sa kanyang katutubo na tinatawag na Vilior).
Si Kai lang ang hindi gumalaw. Gustong malaman ng marami kung saan nabibilang si Kai. Aalis sana si kai pero pinigilan siya ni Shilva.
" kai" mataas ang boses nito. " kahit minsan man lang makisama ka ! "
Katulad ng kay Gray ay hindi rin kasi nila maramdaman ang maho ni Kai. Kaya hindi nila alam ku vassili ba o vaslandi si kai. At hindi rin naman siya nakikisali sa mga pagsasanay dati.
" vaslandi po si Kai" biglang singit ni Gray. Natahimik ang lahat. Naglakad si Kai papunta sa tabi ni Bara. Mabuti si kai kay Gray kaya naman. Kaibigan na rin ang turing ni Gray kay kai.
" ngayon ay gusto kong subukan ang inyong pakikipaglaban bilang isa " sabi ni shilva.
" mukang masaya ito " sabay na sabi ng kambal.
" simulan na natin " normis.
" hahatiin ko kayo sa grupo, tatlo sa vaslandi at ganun din sa vassili "
Nagtaas ng Kamay si Tiana.
" ano iyon Tiana ?"
" pwede ho ba na kagrupo ko si Gray ? " tanong ni tiana na nakangiti pa. Nabigla naman si Gray sa narinig.
" mukhang may nagkakaintindihan na dito ah " biro ni Titus.
Namula naman pareho si tiana at gray.
" Hindi pwedi ! Hiwalay ang vaslandi at vassili at ako ang pipili "
" kung ganun vassili laban sa vaslandi a g mangyayari ? " tanong ni Erius.
" seryuso ? Eh di panalo na kami " pagyayabang ni normis.
" wag kang pasisiguro normis , tatalunin kita " sagot ni libay sa kaibigan.
" Tereya , Mavien at Breyar , kayo ang magkakagrupo " nalungkot naman si Breyar dahil inaasahan niya na ang dalawa niyang kaigan na sina dredo at erius ang makakasama.
" sunod ay sina vitiana, normis at vidad " shilva
" ibig sabihin kayo kalay , karay at gridget ang magkakasama " nag apir pa ang kambal.
" sa vaslandi naman ay sina jekel, jebin , erius at libay " masaya si jekel ,jebin at libay dahil magkakasama sila ,maliban kay erius.
" kayo naman Feya , Bara , Gray at Kai ! Gusto kong makita kung paano kayo magkakaisa. " shilva.
" ano ? Tatlo lang kami ? " reklamo ni limaw.
" bakit may reklamo kayo ? " pinandilatan sila ng mata ni lakay shilva.
" ah .. Wala po masaya nga po kami " Titus
" ayus lang yun, gwapo naman kaming tatlo " sabi ni Dredo.
"Nagsama pa talaga ang mga gwapong hilaw " Gridget. Hindi nila ito narinig kaya patuloy lang sila sa pagtawa.
" gusto ko ay gumawa kayo ng pangalan ng inyong grupo " shilva.
BINABASA MO ANG
TRANSPORTED : WORLD OF VERZEIA #WWAwards2018 #WPAwards #ASAwards2018
FantasiaPaano kung mapunta ka sa ibang mundo sa mahabang panahon? Sa isang hindi pangkaraniwang mundo. Gustuhin mo pa bang makabalik? Alamin ang pakikipagsapalaran ni Shu sa isang naiibang mundo.