SA EARTH / BALIK MUNA TAYO SA EARTH
Si carmin ho ang nasa taas
Scene yan bago sila harangan..gusto niya makiselfie muna kay shu.Day : wednesday
Date : February 2 ( date at araw ng mawala si shu sa earth )
_____________________________________Isang babae at lalaki ang nakatayo sa harap ng isang puntod. Dinalaw nila ang puntod ng kanilang matalik na kaibigan na maglilimang taon ng nakalibing.
Ngayon kasi ang araw na ito ay nawala ( namatay). Halos limang taon na ang lumipas ay hindi pa rin sila nakakalimot na wala man lang silang nagawa para natulungan nila ang matalik nilang kaibigan noon.
" Carmin ! Hindi ka pa ba uuwi ? " tanong ni jun.
Biglang tumulo ang luha ni Carmin
" mauna ka na lang muna, mamaya na lang ako uuwi " naupo si Carmin sa tabi ng puntod.
" alam kong ayaw mong marinig ito pero, maglilimang taon na rin simula ng mawala si Sh..... " natigil si jun.
Ayaw kasi ni Carmin na maririnig ang pangalang Shu.
" kailangan na rin nating tanggapin ang nangyari sa kanya , sa kaibigan natin" pagpapatuloy ni jun.
" alam ko naman yun, tanggap ko na rin ang lahat. Kaya lang Madaling tanggapin pero mahirap makalimot " carmin
" ang sa akin lang naman, inaalala lang kita, ayaw kong nakikita kang malungkot " jun
" masisisi mo ba ako ? Halos sabay na rin kami lumaki. Nakita ko lahat nv pinagdaanan niya, noong mamatay ang tatay niya, iniwan siya ni tita ang nanay niya ( nanay ni shu ). Kapag may problema ako sinasabi ko sa kanya, kahit makulit ako, isa lang naman ang pinakapinag sisihan ko. " carmin
" ang hindi mo nasabi ang feelings mo sa kanya ?" Pagpapatuloy ni jun.
"Alam kong mahal mo pa rin siya ,pero sana wag mong kalimutan na nandito ako ma... (Mamahalin ka)." Hindi itinuloy ni jun ang gusto niyang sabihin. Naisip niya kasi na hindi pa iyun ang tamang panahon.
Malaki na rin ang pinagbago ni Jun. Iba at malayo sa dating mataba at binubully. Kahit na hindi na sila magkaklase ay nagkikita pa rin naman sila.
Silang dalawa ay parehong nasa third year college na ( grade 10 sila noon ,k-12 ). Si Carmin ay pinagpatuloy ang kanyang pangarap na maging isang Architect. Habang si Jun ay kumuha ng Information technology.
**********
FLASHBACK ( BAKIT MAY PUNTOD SI SHU ?)
Isang lalaki ang napadaan sa iskinita kung saan nabugbug si Shu noong araw din na iyon. Nakasout din siya ng uniporme katulad ng uniporme ng paaralan ni Shu ( San fernando high school). Siya ay isang myembro ng gang.
Napulot niya ang isang pitaka/wallet na itim. Binuksan niya ito at nakita ang dalawang libong piso.
" uy ! Swerte ko naman , may pambili na ako ng marijuana, haha "
Isinilid niya ang pitaka/ wallet sa kanyang bulsa
" malas naman ng may-ari ng pitaka, tatanga-tanga siguro,hehe "
Aalis na sana ang siya ng may pitong lalaki ang humarang sa kanya. Ang mga lalaki ay myembro ng kalaban nilang gang.
" hahaha ! Kapag siniswerte ka nga naman ,nag iisa lang ang myembro ng hari gang " sabi ng isa sa mga lalaki
" wag Jack ! Maawa ka ! Kunh gusto mo sasali ako sa inyo " sinubukan niyang tumakbo ngunit pinagpapalo siya ng bakal ng mga lalaki hanggang sa mawalan ito ng buhay.
Binuhat nila ang bangkay ng lalaki. Dinala nila ito sa bakanteng lote at inihulog sa balon na hindi na ginagamit.
********
Makalipas ang tatlong linggo ay tumawag ang mga pulis kay Carmin at Jun. Pinapupunta sila sa bakanteng lote na may natagpuang bangkay sa balon na hindi naman kalayuan sa paaralan.
Naunang dumating si Jun, sumunod naman si Carmin. Maraming tao ang nasa paligid.
Mabilis ang pintig ng puso ni Carmin. Pilit niyang sinasabi sa sarili na sana ay hindi iyon si Shu. Nang maiahon ang bangkay sa balon ay mas lumakas ang kutob ni Carmin. Pinipigilan niyang umagos ang luha niya hanggat hindi pa nakakasiguro. Naagnas na rin ang bangkay at halos buto na lang ito kaya hindi na makilala.
May narecover ang mga pulis na pitaka/wallet sa loob ng bulsa ng bangkay.
Inaalalayan ni Jun si Carmin. Nilalakasan ni jun ang loob sa kung ano man ang matuklasan. Lumapit ang pulis sa kanilang dalawa.
" ma'am, sir may nakita kaming wallet sa bulsa ng bangkay, nakuha rin namin ang dalwang libo at itong litrato "
Ipinakita ng pulis ang litrato kay Carmin at Jun. Hindi makapagsalita si Carmin. Para bang walang salita na lumalabas sa kanyang bibig. Bumuhos ang kanyang luha, walang tigil sa pag iyak , naghahalo ang mga emotion. Si jun naman ay pilit na inaalalayan si carmin kahit na gusto niyang ring sumigaw sa iyak pero mas iniisip niya si carmin.
Bigla na lang nawalan ng malay si carmin. Nasalo nman siya ni jun.
"Carmin !"
Dumating na rin ang mga magulang ni carmin. Hindi rin sila makapaniwala sa nangyari kay Shu. Kahit papaanoy parang anak na rin ang turing nila kay shu dahil inaanak ng tatay ni carmin si shu.
Dinala nila si carmin sa hospital habang nagpaiwan muna si jun.
**********SA HOSPITAL*********
Nagising si carmin sa ospital. Mga magulang niya agad ang una niyang nakita. Lumapit ang kanyang mga magulang sa kanya at niyakap siya.
" ma ! Pa ! Si Shu ! Si Shu po wala na siya " muli na namang naiyak si carmin.
" alam namin anak ,masakit din para sa amin ang pagkawala niya "
"Lakasan mo lang ang loob mo anak " pinupunasan ng kanyang ina ang kanyang mga luha.
************
Agad inasikaso ng mga magulang ni carmin ang libing ni Shu ( sa bangkay ). Maraming mga kaklase ni Shu ang nagpunta sa libingHindi naman nila inasahan na dadating ang ina ni Shu. Sampung kasi nawala ito at hindi na nagparamdam pa ,kaya namuhay mag-isa si Shu.
" Anak ! Patawarin mo ako, patawad ,kasalanan ko ito, kung hindi lang sana kita iniwan " humahagolhol ng iyak ang ina ni Shu. Nilapitan siya ng ina ni carmin at kinalamayan ang loob.
Samantala, ibinigay ni carmin ang litratong nakita sa pitaka ng bangkay, sa ina ni Shu.
Litrato iyun ni shu noong siya ay 7 years old pa lamang kasama ang kanyang mga magulang.
************************************
BACK TO PRESENT SA SEMENTERYO
************************************Nauna na ngang umuwi si Jun at naiwan si Carmin
" sana ay bumalik ang lahat, kung maibabalik ko lang ang panahon "
CarminMatapos niyang sabihin iyun ay Umalis na si Carmin .
************************************
THE END OF THIS CHAPTER. SANA AY NAGUSTUHAN NINYO. NEXT PA ?************************************
BINABASA MO ANG
TRANSPORTED : WORLD OF VERZEIA #WWAwards2018 #WPAwards #ASAwards2018
FantasiPaano kung mapunta ka sa ibang mundo sa mahabang panahon? Sa isang hindi pangkaraniwang mundo. Gustuhin mo pa bang makabalik? Alamin ang pakikipagsapalaran ni Shu sa isang naiibang mundo.