Tatlong araw na simula ng gulong nangyari. Usap-usapan pa rin ito sa majikana. Maayos na rin si Tereya. Nang magising siya ay inalalayan siya ni Mavien. Isa sa malapit niyang kaibigan at kaklase.
*****************************
Flashback" mavien ? " tawag ni tereya sa kaibigan. " ano ginagawa ko dito ?"
" nakalimutan mo na ba ang nangyari ?" Umupo si mavien sa tabi ni tereya. " dinala ka dito ni Kai nung mahimatay ka "
" ibig sabihin si kai nga talaga ang nakita ko bago ako nawalan ng malay"
"Oo, kasu umalis na siya agad pagkahatid sayo "
"Eh si gray ?" Tanong ni tereya.
" ayus lang siya lumabas na rin siya kanina "
Tumayo si Tereya at inayos ang sarili. " hindi pa pala ako nakakapag-pasalamat sa kanila "
" bukas ka na lang magpasalamat, umuwi na muna tayo para makapagpalit ka, gabi na rin naman "
**********************************
" Sa susunod na linggo ay magpopokus tayo sa pagsasanay para maging mas malakas at magaling pagdating sa pakikipaglaban at pagkontol ng kapangyarihan " sabi ni lakay Shilva ang tagapagturo nila sa pagsasanay."Bago ko pala makalimutan tungkol doon sa nangyaring gulo"
"Ano po iyon lakay shilva " tanong ng kanilang kaklase.
"Napakiusapan ko si punong Dennisovich na wag na lang parusahan ang mga sangkot sa gulo, Tereya, gray at Kai "
" pasensya na po kayo , wala naman po silang kasalanan, kung di naman dahil sa akin ay ... " hindi naituloy ni tereya.
" wala ka naman kasalanan. Si jurak ang nagsimula. Kinausap na siya ng punong dennisovich " lakay shilva.
" ang yabang kasi ng jurak na yon " sabi ni breyar.
" iwasan niyo na lang sila " lakay shilva.
Nagtaka si gray kung sino ang tinutukoy ng lakay na sila.
" ah... Sino pong sila ang sinasabi ninyo ?"
" tinutukoy ko ay ang iba pang myembro ng Vassilikus. Magkita na lang tayo bukas. " umalis na si lakay shilva.
kinausap naman ni tereya si Gray para magpasalamat.
" gray ! " tawag niya.
" bakit ano iyun ?"
" gusto ko lang sana magpasalamat sayo "
" ah .. Yun ba ? Wala iyun wag mong intindihin " nakangiti si gray. Masaya siya dahil nagkaroon siya ng bagong kaibigan.
" gusto ko sanang makabawi sa iyo at kay kai "
" nako wag na nakakahiya naman "
" ililibre ko na lang kayo ng pagkain. Napansin ko kasi lugaw lang ang kinakain ninyo "
Napakamot sa ulo si Gray. " ah... Cge .. Ikaw bahala. Nagsasawa na rin ako sa lugaw eh "
Natawa naman si Tereya. Lumapit naman si Titus sa kanila.
" uy.. Mukhang seryuso ang pinag-uusapan natin ah. Tungkol ba sa pag-ibig " biro ni Titus.
" nako hindi nagkakamali ka Titus. Nagpasalamat lang ako "
" alam mo tereya nandito naman ako, gwapo pa " pagyayabang naman ni Limaw na nakisali na rin.
" mas gwapo naman ako sayo Limaw " sabi ni Titus.
BINABASA MO ANG
TRANSPORTED : WORLD OF VERZEIA #WWAwards2018 #WPAwards #ASAwards2018
FantasíaPaano kung mapunta ka sa ibang mundo sa mahabang panahon? Sa isang hindi pangkaraniwang mundo. Gustuhin mo pa bang makabalik? Alamin ang pakikipagsapalaran ni Shu sa isang naiibang mundo.