Chapter 10: KAI

82 13 0
                                    

Nakarating sila sa isang malawak na silid kung saan maraming istudyante ang kumakain.

" wow ! Parang isang malaking restaurant "  hindi naman alam ni Kai kung ano ang restaurant. Hindi niya na lang iyon pinansin.

Pumasok si Kai sa loob. Pumunta ito kung saan naroon ang maraming pagkain. Nakahelera lahat ng sari-saring pagkain.

" sobrang dami naman pala ng pagkain dito " mahinang aabi ni Gray.

Umupo na si Kai sa isang bakanting mesa kung saan siya lagi kumakain ng mag-isa. Wala naman kasing gustong tumabi sa kanya.

" ito mukhang masarap to , ito rin" halos mapuno na ang kanyang lalagyan sa dami ng kanyang kinuha.

Sa di kalayuan naman ay nakaupo sina Vitiana, Gridget, Bara ( girl siya), Titus at Limaw. Katabi naman ng mesa nila sina Libay, jekel, normis at jebin.

" baka pweding dito natin paupuin si KAI " sabi ni vitiana

"Alam mo naman na hindi yun gagawin ni KAI " gridget

" at tsaka hindi naman tayo papansinin nun " Limaw

Narinig naman ni Libay ang pinag-uusapan nila. " asa pa kayo. Ni hindi ko pa nga narinig magsalita ang istatwang yun magsalita, atsaka salot ang taong yun " nagtawanan ang mga kaibigan nito.

Hindi na lang nila pinansin iyun.

" teka ! Saan na ba yung si Gray ?" Titus

" Oo nga pala baka hindi niya alam papunta dito " Tiana.

" mga kaibigan ko , ayun si gray may dalang pagkain " itinuro ni Bara si Gray na nakatayo sa gitna naghahanap ng mauupuan.

Tatawagin sana siya ni Tiana pero mukhang may nakita na itong mauupuan.

Nakita ni Gray si KAI , wala naman itong kasama kaya doon niya balak umupo. " doon na lang ako "

inilagay niya ang pagkain sa mesa at naupo.

" dami pa lang pagkain dito no ?"

" hindi mo ba alam na walang tumatabi sa akin sa mesang ito " mahinahon lang ang pagkasabi ni Kai.

Ang totoo ay hindi naman talaga nagagalit si Kai pagmay makikisalo sa kanya. Wala naman siyang pakialam doon. Ayaw lang talaga ng iba na makisalo sa kanya sa iisang mesa. 

Mukhang hindi naman narinig ni Gray ang sinabi ni kai. Kaya pinabayaan niya na lang ito.

" bakit pala lugaw lang ang kinakain mo ?" Tanong ni Gray.

" malalaman mo rin mamaya " kai.

Hindi naman talaga mahilig makipag-usap si Kai. Pero nararamdaman niyang magaan ang loob niya kay Gray.

" tignan niyo, nakikita niyo ba iyun ? " tinutukoy ni Limaw sina gray at kai.

" hindi na nakakapagtaka, nagsama ang dalawang mahina " sabi ni jebin. Isa sa kaibigan at kaklase ni Libay.

" sumusobra na kayo mga kaibigan "  Bara

" wag mo na silang patulan Bara " pigil ni Tiana.

May lumapit na isang matandang babae kay Gray. "Kukunin ko na ang bayad mo " napatigil sa pagkain si Gray.

" bayad ho ?" Hindi niya alam na may bayad pala, inakala niya na libre ang pagkain doon.

" Oo bayad mo sa kinain mo "

" akala ko kasi libre lang " napakamot si gray sa ulo. Wala siyang pera na dala, dalawang pilak lang ang mayron siya yung binigay sa kanya ni Mazus . pero hindi niya dala iyun.

" yun lang lugaw ang libre " sabi ng matanda na medyo nagtaas na ng boses.

" magkano po ba lahat ?"

" 4 na pilak lahat "

" wala po kasi akong pera " galit na ang matanda. " kakain kain ka tapos wala ka naman pa lang pera "

Pinipigilan naman matawa ni KAI. Tsaka lang napagtanto ni Gray na kaya pala lugaw lang ang kinakain ni KAI dahil libre lang ito.

Lalapit sana si Tiana pero umalis na ang matanda. "Salamat kai , babayaran na lang kita pagmay pera na ako " binayaran kasi ni Kai ang matanda. Pagkatapos ay umalis na
rin si KAI.

***************
Gabi na pero hindi pa rin makatulog si Gray. Meron kasi siyang napapanaginipan na hindi niya naman maalala kung sino. May narinig siyang nag-uusap sa labas. Boses ng babae at lalaki.

" tapos mo na ba ang pinapagawa sayo ?" sabi ng lalaki

" tiyak magugulat sila , haha " babae

"Matutuwa ang panginoon sa mangyayari" lalaki

Dahan-dahan binuksan ni Gray ang pinto para makita kung sino ang nag-uusap. Pero wala ng tao ng tignan niya ito. Kaya lumabas siya para tignan ang paligid.

" oh ! Gray ! , bat gising ka pa at tsaka bakit ka nandito ?" Lumapit si Tiana kay gray.

" hindi kasi ako makatulog kaya nagpahangin muna ako, at dito rin ako nakatira sa imbakan ng gamit "

Naisip ni Gray na baka nawala ang nag-uusap kanina dahil nakita nilang paparating dito si Tiana kaya nagtago ang mga ito.

Ngayun lang nalaman ni Tiana na doon pala nakatira si gray.

" ikaw bat gising ka pa?"

" hindi rin ako makatulog eh " nakangiti si tiana. "Halika samahan mo ako " hinila ni Tiana ang kamay ni Gray.

Dinala ni Tiana si Gray sa tabi ng batis, ang paborito niyang lugar. Maraming mga bulaklak at insektong nagliliwanag sa gabi.

" dito ako nagpupunta kapag gusto kong magisip-isip"

" ang ganda naman pala dito, meron palang ganitong lugar sa Majikana "
" Oo, naalala ko tuloy nung bata pa kami lagi kaming naglalaro sa ilog "
Kwento ni Tiana.

" kami ?" Tanong ni Gray.

" ibig ko sabihin kami ni gridget, bara, limaw , titus at KAI "

" KAI ? " ulit ni Gray.

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Tiana.

" kaibigan namin si kai dati nung bata pa kami. Si Gila ang ina ni kai ay nagsilbi sa kastilyo buntis ang nanay niya sa kanya. Sabi nila anak daw si kai ng hari dahil may nangyari sa kanila ng hari at nanay ni kai. Pero ng ipinanganak si Kai ay wala siyang tatoo na palatandaan ng pagiging maharlika. Pero lumaki siya at wala pa rin tatong nakita. Kasabay noon ay ang sunod-sunod na salot ang dumating sa boung lugar pati ang pag ataki ng mga kalaban ay isinisi sa kanya dahil salot ang tingin ng lahat sa kanya. Umabot pa nga na binabato siya ng tao. Kaya simula noon ay umiwas na si KAI sa pakikipag-usap sa tao. Namatay ang nanay niya noong tatlong taon siya. Tanging meron lang siya ay ang kwentas na bigay sa kanya ng nanay niya. Hindi ko na nakita na sinusout niya ngayon yun. "

Tahimik lang na nakikinig si Gray sa kwento ni Tiana.  Ang tanong sa utak ni gray ay , kung hindi anak si KAI ng hari ay sino ang tunay na ama nito ?

" ang lungkot pala ng nangyari kay KAI "

Bigla naalala ni Gray ang tunay na nanay at tatay niya. Iniwan kasi siya ng nanay niya at nabalitaan nila na namatay ang tatay niya sa sunog. May humahabol daw sa tatay niya na dalawang lalaki at sinunog ang katawan nito kaya hindi na makilala ang mukha.

" at alam mo ba may gusto dati si Bara kay KAI nung bata pa kami " nakangiti na naman si Tiana ng maalala niya iyun.

******************

Next na abangan......

TRANSPORTED : WORLD OF VERZEIA  #WWAwards2018 #WPAwards #ASAwards2018 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon