Chapter 9 : Unang Araw

87 19 0
                                    

Nagising si Gray sa sinag ng araw na tumama sa kanyang mata mula sa butas ng ding-ding.

" umaga na pala " dali-dali siyang bumangon at huminga ng malalim. Dinama niya ang sarap ng simoy ng hangin.

"Iba talaga ang hangin dito. Di tulad sa earth na mabaho at mausok dahil sa mga sasakyan."

May naamoy siyang mabaho. Inamoy niya ito para malaman kung anong mabaho. Hanggang sa naamoy niya ang sarili.

" ako pala ang mabaho, ilang araw na rin pala akong hindi nakakaligo "

Naglibot siya sa loob. May nakita siyang isang batya ng tubig.

" hindi naman siguro sila magagalit kung gagamitin ko ang tubig " naghubad siya ng suot. Malaki na rin ang pinagbago ng kanyang pangangatawan mas naging solido na. (May abs )

Hinubad niya din ang telang nakabalot sa kanang kamay. Hindi naman mapanganib hangggat hindi siya nagagalit o nadadala ng imosyon. Hinimas niya ito. Hindi pa rin siya makapaniwala na nandito siya sa ibang mundo.

" isa ba itong sumpa ? O isang kapangyarihan ? " namamangha pa rin siya dahil dati napapanood niya lang sa tv ang mga ganitong bagay.

Pagkatapos maligo ay nagpalit na siya ng damit. Pinalitan niya din ng bagong tela ang kamay. Biglang sumagi sa kanyang isip na ngayon pala ang unang araw niya.

"Siguro ay dahil ito sa ginawa ni Tana kagabi " may nilagay kasi si Tana ng mga kunting impormasyon sa kanyang utak. Pagkatapos magbihis ay lumabas na siya.

" marami na palang tao sa labas " may mga nagsasanay at nagdudwelo.
" saan kaya ang ikasandaan at tatlong silid ? (103)"

Dumaan siya sa gitna ng mga tao. Tumingin siya sa nagsasanay.

Binunot ng isang lalaki ang kanyang sandata na parang isang mahabang patpat. Nagconcentrate ito at biglang nagliwanag ang patpat.

" wow ! ganun pala ang nagagawa ng mga vaslandi sa kanilang sandatang hawak. " hindi nakakaramdam si Gray ng maho kaya hindi niya nalalaman sa tingin lang kung sino ang vassili at vaslandi.

Habang naglalakad ay napapatingin ang ilan sa kanya. Ilang ulit na siyang nagpaikot-ikot sa mga gusali. Isang lalaki ang nakasakay sa lumilipad na bagay , humarorot ito papunta sa kanyang deriksyon. Kaya natumba si gray sa gulat.

"Hahaha ! Hoy vaslandi mag-ingat ka naman sa dinadaan mo lampa. "

" yabang naman ng lalaki na yon ako pa ang sinabihan " mahina niyang sabi.

Nagtawanan naman ang mga nakakita.

" ayos ka lang ba ?" Tanong ng isang babae na may puting buhok. " pagpasensyahan mo na si BLIX "

" ah..ayos lang ako nagulat lang ako, maaari ba akong magtanong?" Gray

" cge, ano yun ?"

" saan ba dito ang ikasandaan at tatlong silid?"

" ika 103 silid? " ulit ng babae. " kung gusto mo samahan na lang kita. Habang naglalakad ay nagpakilala ang babae.

" ako nga pala si Vitiana Faustrus ( pawstrus ) , ikaw ?"

" gray ang pangalan ko "

" gray? Alam mo Bagay sayo pangalan mo. Ako kasi parang di bagay sa akin " vitiana

" hindi ! Bagay naman sayo, ang ganda nga eh " natuwa naman si vitiana sa sinabi ni gray.

" ikaw lang nagsabi sa akin niyan. Yung kapatid ko kasi lagi ako inaasar sa pangalan ko, di raw bagay sa akin "

TRANSPORTED : WORLD OF VERZEIA  #WWAwards2018 #WPAwards #ASAwards2018 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon