Chapter 14 : Halimaw

78 10 0
                                    

Pumwesto na ang bawat grupo. Biglang humaba ang mga koko ng kamabal na sina kalay at karay. Naging kulay berde ang kanilang mga mata. At tumalas ang mga pangil.

" anong nangyayari sa kanila ?" Tanong ni Gray.

" sila ang kambal na lobo " Feya.

" mag-ingat tayo mabilis sila at matalas ang pakiramdam " paalala ni Bara sa kanila.

Iginalaw ni Gridget ang kanyang mga kamay at biglang lumakas ang hangin na nagpaikot-ikot sa paligid na parang ipo-ipo.

"Maging alerto kayo " Bara.

Halos wala silang makita dahil sa nagliliparang mga dahon at buhangin na dulot ng hangin.

Binunut ni Feya ang kanyang pana. Pupunteryahin niya sana si Gridget pero biglang nasugatan ang kanyang paa. May kalmot na nakita sa kanyang paa.

Biglang may narinig silang mga pagsabog mula sa ibang lugar sa majikana.

" itigil niyo muna yan " sabi ni lakay shilva.

" anong nangyayari ?" Vidad.

" anong nangyari ? " tanong ni Erius sa napadaan na istudyante.

" may mga halimaw na Braguba ang nakapasok. Doon sa una at ikalawang baitang "

" dito na muna kayo " umalis si Shilva para tignan ang mga nangyayari.  Nakita niya na kinakalaban ng ibang lakay ang mga halimaw na patuloy sa pagdami. Mabilis at agresibo ang mga ito.

" ilayo natin ang mga istudyante sa unang baitang mapanganib para sa kanila " sabi ni lakay jiba.

" masama ito , padami pa sila ng padami " lakay bajo.

" kailangan natin tumulong " sabi ni breyar.

" tama ipakita natin kung anong kaya ng ika-103 na silid " Gridget.

" kailangan natin ng plano , hindi tayo dapat basta sumugod " mungkahi ni Tiana.

" ang mabuti pa , ganito ang gawin natin,  bawat grupo ay maghiwa-hiwalay " Breyar.

" bakit di natin pagsamahin ang dalawang grupo, isang grupo mula sa vaslandi at isa rin sa vassili " sabi naman ni Feya.

" oh cge ! TRIPLEX at LASANDATA kayo ang magsama , GWAPOGI at LAKASTIG , BAIGREYA AT VASSILIX " nag-alisan na ang bawat grupo.

*********

Isang istudyante ang aatakihin ng halimaw " tulong ! Tulungan niyo ako ! " sigaw ng istudyante.

Biglang naputol ang ulo ng halimaw. " mhmmm.... Mahina naman pala " pagyayabang ni Libay.

" libay sa likod mo " sigaw ni Erius. Muntik ng makagat si libay buti nalang at dumating si Karay. Kinagat niya sa leeg ang halimaw at tinanggal ang mga laman nito sa leeg. Napuno ng dugo ang kanyang mukha.

" mag-ingat ka , pag namatay ka, kakainin kita " sabi ni karay kay libay.

" yabang ! Kadiri naman " libay.

Dumating narin si kalay. " kami na ang bahala sa kanila. Pinag kakagat nila ang mga halimaw na para bang mga gutom na lobo. May kakayahan silang paralisahin ang sino mang makagat nila.

" papatalo ba tayo sa kanila ?" Jekel.

"Syempre hindi " sagot naman ni Erius.

Inataki nila ang mga halimaw. Pinunterya nila ang mga ulo nito.

" parang hindi sila nauubos " jeben. Napalilibutan sila ngayon ng mga halimaw.

" ako ang bahala sa kanila " sabi ni Gridget. Malakas na hangin ang pinakawalan ni gridget kaya nagliparan ang mga halimaw.

TRANSPORTED : WORLD OF VERZEIA  #WWAwards2018 #WPAwards #ASAwards2018 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon