Introduction

809 84 6
                                        


Tress Point Of View

"Nandito na lahat!" Pinunasan ko ang pawis na nagbabadyang tumulo sa noo ko. Tinignan ko si Jermie habang hawak-hawak ang list ng mga sumali sa section warriors.

"Ilan lahat?" Kinuha ko iyon at tumabi siya sa aking kinauupuan.

"Twenty one lang" dismayadong sambit ni Jermie. Napabuntong hininga naman ako. Siya nga pala si Jermie ang right hand ko, kanang kamay kumbaga. Hindi ko maimagine na mabuo itong section ko kung hindi sa tulong niya. Napaka responsible na student. Halos wala na 'kong masabi sa kanya.

Welcome to Imagination Academy. Hindi ko alam kung anong trip nang nag paggawa ng school na 'to at ito ang ipinangalan niya, basta ako nag-aaral lang. Ito yung school na kung saan kayo ang gagawa ng sarili niyong section, at ako ang naatasan para maging creatress ng section warriors. At ang nakakatawa pa duon out of 5000 students 21 lang yung sumali samen. Ang alam kase nila kame yung lower section, kaya ayaw nilang sumali. Sino nga namang gugustuhing mapunta sa lower section? But who cares? tss pake ko sakanila. Dedma lang. Wala din naman sila ma a-ambag sa section ko.

"Baka naman dinaya tayo?" Narinig kong komento ni Hannah na kasalukuyang katabi ko din. Si Hannah naman ay isa sa una kong naging kaibigan sa school, napakalas niyang babae kaya kapag nagka zombie apocalypse talaga sa pilipinas sa kaniya ako sasam eh. Kayang kaya niya atang bumuhat ng sampong chair ng naka heels.

"Hayaan niyo na sila. Kung ayaw nila satin, edi wag. Hindi sila kawalan" walang emosyon kong sambit. Mas maunti mas maganda. Kunti lang sasawayin namin at unting stress lang ang makukuha whooo thanks God.

"Ano papasukin ko na ba?" Tanong ni Jermie saken na bahagya pang tumayo. Tinanguan kolang siya pagkatapos ay tumayo na siya at lumapit sa pinto.

Pagkabukas niya ay bumulaga saken ang nakapilang mga istudyanteng nag enrolled sa section namin. Inip na inip na ang mga ito na may dala dala pang mga pamaypay. Well sobrang init talaga dito sa 'min at hindi ata uso ang aircon, ano pa bang aasahan ko sa kanila eh never naman kaming naging favorite section ng mga faculty.

"Name?" Tanong ni Jermie sa unang babaeng nasa pintuan.

"Jea Sollano" parang walang pakeng sagot nito. Hanggang kilikili ang buhok nito, manipis ang kilay at may hawak na libro.

"Tress, jea daw!" Nag thumbs up ako tyaka chineckan ang panggalan ni Jea sa list na nag enrolled. Tinitignan lang namin kung may mga naligaw na hindi naman nasa section nato. Kailangan naming maging responsable kase pag hindi minus kame ng points.

"Ghe pasok na, next!" Ganon padin ang itsura niya nang pumasok siya at umupo na parang kaaway ang buong mundo sa pagka emo ng mukha. Panigurado na never tong na lilista sa list of noisy.

sumunod naman ay isang lalakeng may malake ang katawan. Para siyang bouncer sa bar ganon. Estudyante bato?

"Kiyoshi Cordero" agad-agad siyang pumasok na kumaway pasamen mula sa likod kung saan ako nakaupo. Nagkatingginan muna kame ni Hannah bago siya kinawayan din na may halong akward smile. Weird. Haha feeling close lang?

"Akira yuki" siya ang sumunod Kay Janrey. Isa siyang poetry makers. At talaga namang ang galing niya sa totoo lang pag nabasa mo ang mga gawa niya mapapanganga ka talaga. Mabangis gumawa the best! well kilala ko siya bago paman napunta dito dahil hangang hanga talaga ako sa bawat word choice niya. Sining.

"Anoba yan antagal naman!" Reklamo ng lalakeng kasunod kay Akira na nag ngangalang 'Neath tabruhes' isang joker at hugoterong napadpad sa section warriors. Sikat siya sa campus sa pagiging so much good looking 'kuno' kasama ang cheap at korning banat. Jejemon.

The Lower and Last Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon