Tress Point Of View
"Asan si Ahng!? Anak niya ko wala kayong pake elam!" Palabas na ako ng marinig ko ang isang babaeng nagre-reklamo. Dalagita ito at ansama sama ng tingin. Nagkatinginan ang mata namin at halos mapa atras ako ng makita ang nanlilisik niyang tingin.
"Anong tinitingin tingin mo diyan!? mama ba kita?" Hindi ko nalamang siya pinansin at naglakad na papakabas.
"Sa'n ka Doc?" Napalingon ako sa isa sa mga nurse ng hospital namin. Ako pala yung kinakausap niya akala ko naman kung sinong doc. Nginitian ko muna siya bago sumagot.
"Break ko ngayun. Babalik ako mamaya nagutom na ako eh."
"Ay hahah sige ingat Doc."
Nginitian ko siya bago lumabas sa Hospital at nag tali ng buhok. Napaka init ng panahon pero sobrang lakas ng simoy nang hangin kaya hindi ko rin na raramdaman ang init. Hindi ko alam kung saan ako kakain ngayun hanggang sa nakita ko ang isa sa mga sikat na restaurant na nakikita ng mata ko ngayun, Ayukong pasukin kase bukod sa pangalan ng restaurant na nagbabalik saaken sa nakaraan ay ang may-ari rin ng reastaurant nayan na parte rin ng ng past ko. Ayuko na. Pagod na kong ma involve sa kahit kanino sa kanila. Pero? Habang buhay nalang ba ako iiwas? Habang buhay nalang ba ako tatakas?
Napabuntong hininga ako at hindi na napigilan ang sariling lumapit sa restaurant na may pangalang 'Delicious Beygo Jpeg.' Hindi ko alam kung baket naging ganito yung name ng restaurant ni Akira ang dati kong kaklase na magaling sa poetry pero wala na akong paki elam duon. Tataposin ko na ang pagtatakbo't haharapin nalang ang manyayare. Nakakapagod harapin pero mas nakakapagod tumakbo.
"Welcome to delicious Beygo jpeg. miss table for one po ba?" Tumango lamang ako't maglalakad nasana ang kaso sa pinagmalas malas ng tadhana'y nagsaktong nanduon rin sa restaurant ang may ari nito.
"T-tress?" Tinignan ko si Akira. Sobrang Angat na angat na talaga siya. Sino nga bang mag aakala na ang dating taga hugas ng plato at taga free taste lang ay magkakaroon ng sariling restaurant at magiging patok pa.
"Sorry pero magkakilala na ba tayo?" I lied. Yes. As much as possible ayuko na silang kausapin. Ayuko na. Pero baket ganito si destiny saken?
"T-tress omaygad!" Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin habang naginginig. Pinagtitinginan siya ng mga empleyado niya pero dedma lang ito habang humihikbing niyayakap ako ng mahigpit.
"Usap tayo please." Ako nalang ang nahiya dahil sa sobrang daming taong nanunuod samen. Ayuko man kumausap ng isa sa mga warriors, Ok narin siguro to para hindi na ako tumakbo sa nakaraan.
"Sige usap tayo sa labas miss." Kumawala na siya sa pagkakayakap at nauna na akong lumabas. Yumakap agad ang malamig ng simoy ng hangin na kanina kopa nadadama, may nakita akong upuan na nanduon kaya duon nalang ako umupo. Naramdaman ko naman na sumunod siya kaya tahimik lang akong pinanuod siyang umupo sa harapan ko.
"K-kamusta Tress?" Tinignan ko siya at pinilit hindi maglagay na kahit anong reaksiyon sa aking mukha. Paninindigan ko ang pag iinarte kong hindi sila kilala. Sinimulan konaman na to.
"Ok lang. Baket pala?"
"B-baket ngayun kalang?"
"huh?"
"Tagal narin pala no? Ni isa sainyo wala man lang akong naging koneksiyon" Yeah tama siya. Ilang taon narin ang lumipas. It's been 15 years pero hanggang ngayun hindi koparin nakakalimutan lahat ng nanyare. Warriors are supposed to be my favorite chapter in my story but turns into worst. Sinaktan nila ako at ang pinaka hindi ko natanggap ay ang pananakit nila kay... ayuko nang marinig ang pangalan niya. Masasaktan lang ako.
BINABASA MO ANG
The Lower and Last Section
Novela Juvenil#GA19A Lower and Last section is about Happiness and HIghschool life that can bring you back in past AWARDS: -Wattpad Pen Awards (Winner) *Teenfiction category Impressive Ranks -#8 In goals -#10 In Classmates
