WARNING: 💔
How far can you do for a friends?
are you willin' to sacrifice all you have just for the sake of your fam? or you will just let it ruined without movin'?
---
Isang malakas na hangin ang yumakap sa buong katawan ni Tress habang kasama si Beygo na nananahimik lamang na nakaupo sa tulay kasama siya. Punong puno parin ng dugo ang buong damit niya at kamay dahil sa nangyare kaninang insidente. Matapos nilang tumakbo ay dito sila pinadpad ng mga paa nila. Kanina pa walang nagsasalita tanging agos lamang ng ilog mula sa baba ng tulay ang nangingibabaw sa kanilang dalawa. Hindi alam ni Tress kung anong sasabihin niya at itatanong dahil sa dami nang gumugulo sa isipan niya. Nagsama sama lahat ng tanong kung baket? Sino? pano? na siya mismo ay hindi alam ang kasagutan. Masiyadong masakit ang mga nanyare sa kanila nitong mga nakaraang araw. Unting-unti nang nagbabago ang warriors na dati niyang nakilala, na dati niyang pinaglaban.
"Baket ka sumama?" Nabasag ang katahimikan nang biglang magtanong si Beygo na bahagya pang hinarap si Tress
"Baket nga ba?" biglang ngumisi si Beygo kay Tress na ikina kunot noo ng dalaga.
"Kase gusto mo ko"
"Kapal"
"HHAHAHA"
"Ano bang problema mo Beygo?"
"Hindi kaba natatakot saken?" naguguluhan ang dalaga sa inaasta sa kaniya ni Beygo pero wala siyang maisip na konkslusyon kaya sinasagot niya nalang din ang mga tanong.
"Baket naman ako matatakot? multo kaba?"
"Hmm kase nakapatay ako?" Nanlamig bigla ang kamay ni Tress at seryosong hinarap si Beygo
"So totoo nga?"
"Alin?"
"N-na ikaw ang pumatay kay Miss?" Hindi maiwasan ni Tress kabahan sa mga panahong iyon. Hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para tanungin yun pero gustong gusto niya na talagang malaman ang totoo.
"Hanggang saan ang kaya mong gawin Tress?" Hindi parin nawala ang kaba sa dibdib ni Tress lalo na nang biglang tumayo si Beygo galing sa pagkakaupo at nilapitan siya
"H-huh?" na pa atras si Tress dahil palapit na nang palapit sa kaniya ang binata.
"Baket? natatakot ka?" ngumisi sa kaniya si Beygo at naglabas ng kutsilyo sa loob ng bulsa niya.
"Gusto mo ba 'ko makilala?" pinaglaruan niya ito bago tinignan si Tress sa mata. Nakakatakot ang awra nito dahil sa ngisi at itsura niyang puno ng dugo pero nanduon parin ang maamo niyang mukha na hindi naglalaho.
Hindi naman napigilan ni Tress mapalunok sa inaasta nang binata ngayun sa harapan niya.
"P-pinagtitripan mo ba ko?"
"Uulitin ko. Gusto mo ba ko makilala?"
"S-syempre" Biglang tumawa ng napakalakas si Beygo na ultimo'y wala ng bukas. Isa iyong tawang nakakakilabot na talaga namang nakakasindak.
"Pwede ba Tress wag ka ngang umarte na takot na takot diyan. Kilala na kita. Matagal na" Napataas ng kilay si Tress dahil hindi niya gusto ang tono ng boses ni Beygo.
"Kanina pa kita hindi maintindihan. Umayos ka nga!?"
"Maayos ako. Ayaw mo lang talaga buksan yung topic tungkol sa pagkatao mo." Hindi parin tinitigilan ni Beygo ang paglalaro ng kutsilyo sabay biglang tinutok kay Tress.
"Ngayun mo sabihin saking hindi mo kame trinaydor" Biglang ngumisi si Tress at walang takot na tinaboy yung kutsilyong nakatutok sa kaniya.
"Gagu kaba?" Tumayo narin si Tress at nilugay ang kaniyang hanggang kili-kiling buhok bago hinawakan ang pisnge ni Beygo.
BINABASA MO ANG
The Lower and Last Section
Fiksi Remaja#GA19A Lower and Last section is about Happiness and HIghschool life that can bring you back in past AWARDS: -Wattpad Pen Awards (Winner) *Teenfiction category Impressive Ranks -#8 In goals -#10 In Classmates
