Chapter 41

120 12 1
                                        

Tress Point Of View

Madilim,Mahirap,Makitid.

Hindi maawat ang kaba sa dibdib ko habang pabagsak na dinadama ang hangin. Hindi ko alam kung mamamatay na ako dahil tinalon ko ang building na inutos ni Beygo pero isa lang ang alam ko. Pinagkakatiwalaan ko siya.

Nakapikit kong mata ang nagsisilbing alaala ng mga nangyare. Kahit ilang segundo hindi ko pinagsisisihang pinagkatiwalaaan ko siya.

Nararamdaman ko nang papalapit na papalapit na ko sa babagsakan ko kaya hinanda ko na ang sarili ko sa dapat na mangyayare pero nagulat ako ng malambot na bagay ang binagsakan ko. Napadilat ako't inikot ang paningin. Dama ko parin ang saket ng katawan dahil sa pagbagsak pero hindi ko akalaing buhay parin ako. Madilim at tahimik. Nasaan ba ko?

"You really trust me huh? Napatingin ako sa lalakeng nagsalita at duon nakita ko si Beygong nakangising nakatingin saken. Hindi pa nga ako nakakapagsalita pero bigla na siyang lumapit saken at hinalikan ang noo ko.

"It's time for story telling." Natawa naman ako ng palihim. Naramdaman kong tumabi siya sa kinahihigaan ko't humiga rin.

"Hayaan mong ipakilala ko ang sarili ko sayo." napalingon ako sa kaniya at ganun rin siya. Hindi pa ata kaya ng katawan ko tumayo sa kalagayan ko ngayun. May kirot parin at hapdi eh feeling ko tuloy nabalian ako ng buto.

"My name is Beygo. Hacker, Painter and i have one beautiful daugther name Whaine. Kapatid ko si Raven, na sobrang nakakahiya. Im a color blind person, Literal na black and white lang talaga nakikita ko. Allergic sa Isda pero yung anak ko at si Nonay Favorite yun. Pangalan ng mama ko ay si Nonay, Hindi ko siya totoong mama, inampon niya lang ako nung mga panahong lumayas ako sa bahay namin. Ito ah Walang nakakaalam nito pero sayo sasabihin kona. I have prostate Cancer. Pero hindi naman siya nakakabahala kase mabagal lang yung pag spread ng cancer cells. Na sa akin nalang talaga yun kung magpapagaling ako. Pero kase gusto ko ikaw gumamot saken eh. Gusto ko maranasan yung chemotherapy. Wala akong tiwala sa mga doctor. Pero kung mag do-doctor ka magtitiwala ako sayo. Ikaw lang dapat gagamot saken ah."

"Gagu kaba? Bata palang tayo! gusto mo bang mamatay? mag aantay kapa ng ilang years bago ako maging doctor" Kinabahan at nabigla ako sa mga sinabe niya? Panaginip ba to or pinag ti-tripan niya lang ako? god. Please wag naman po si Beygo.

"Hihintayin naman kita eh."

"Ikaw makakapag hintay pero yung saket hindi Beygo." nginitian niya lang ako na nagpairita saken.

"Aantayin ko kayo ng warriors."

"Pano yung anak mo?"

"Anak ko parin naman siya."

"Umayos ka nga" natawa naman siya. Hindi ko alam kung pano niya pa nagagawang tumawa sa sitwasyon na ito pero nakakairita talaga.

"Isipin mo nga yung maiiwan mo. Magpagaling ka ng maaga."

"Iniwan niyo nga ko eh nagreklamo ba ko?"

Bigla akong napatahimik sa sinabe niya. Aguy naman baket naman kas- ok ok fine.

"Pero iba parin yung buhay mo. Sobrang special mo sa warriors."

"Talaga lang ah."

"Syempre naman."

"Buti pa yung warriors special ako sa kanila."

"Baket naman?"

"Ako? special ba sayo?"

The Lower and Last Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon