Jea Point Of View
"Magsi upo nga kayo kanina pa kayo tayo nang tayo ah! Abat maka tunog naman kayo!" Kanina payan na ni-nirmon si Ms.Uroecan, pag pasok na pag pasok niya palang sermon na agad.
"Ano ba naman yan? Classroom ba'to? Bat ang dugyot niyo? Matuto nga kayong mag walis!"
"Wala ba kayong electric fan? Aba't mag si kilos naman kayo! Ano? kame pa mag pro-provide ng mga gamit niyo? Sino ba nakikinabang? Kame ba!? Kahit kailan ang tatamad talaga ng klase niyo!"
"Ano ba 'to? Sagot ng isa Sagot ng lahat!? Kailan pa naging groupings ang individual quiz!?"
Hindi lang ako nag sa-salita pero pikon na pikon na 'ko, pano banaman kase pare-parehas naman kase yung tanong malamangg mag kakapare-parehas kame ng sagot. T'yaka isa pa ayukong mag salita, para saan pa't binansagan akong pinaka tahimik sa section warriors kung mag bubunganga ako para lang sabihin yung nasa isip ko. Hindi nila kailangan ng opinion ko. My intelliget brain deserves silence.
Tinignan ko ang bawat isa sa kanila. Isa sa dahilan nang pag tahimik ko ay para taimtim na mag masid sa kanilang lahat. Ang bawat galaw, ugali, kilos at mga kaya nilang gawin ang mga inaaral ko. Sa totoo lang madali lang naman silang basahin, pero tatlo sa kanila ang diko makuhanan ng kahit anong impormasyon, Si Sheena, si Denise, at si Beygo. masiyado silang maingat sa bawat galaw nila. Na bagay na ikinaka sigla ko, ang mga taong kagaya nila ang dahilan kung baket gusto ko ang trabahong ito.
"Kamusta ang pag hahanda niyo sa first activity or should I say first contest na ginawa ng school natin? May plano na ba kayo?" Tanong niya ng mag si upo na ang mga kaklase ko. Habang tinatanong niya yun nginingitian niya kame ng ngiting *sumuko-na-kayo-look* parang pinapalabas niyang wala ng pag-asa ang section namin. So harsh darlin'
Walang sumagot ni isa sa'men, siguro katulad saken napansin din nilang nang aasar lamang ang teacher na'to kaya hindi nila pinapatulan.
"Ano? nganga kayo no!? Hahahaha kawawa naman kayo, kung ako sainyo wag niyo nalang pagandahin room niyo tutal babagsak din naman section niyo, patatagalin niyo pa ang laban kung sasali pa kayo sa mga activity. Tanggapin niyo nalang ang katotohanang kayo ang pinaka mangmang na section sa lahat hahahahahh" tawa siya nang tawa na parang wala ng bukas. Ano bang problema niya sa section na 'to? She's acting weird and it's creeping me to death.
Magsasalita na sana ako para ipagtanggol ang section kung nasan ako kaso biglang tumayo yung Beygo ng nakangiti.
"Ms. Uroecan im sorry pero baket namin sa sabihin yung plano na design sa room namin? baka mamaya spy kapa eh, mas maganda na yung sigurado, LIGTAS ANG MAY ALAM! DAPAT RED ALERT!" biglang nag si tawanan ang mga kaklase ko. Muntik na nga din akong matawa kaso pinigilan ko ang sarili. Hindi ako pwede mag pakita ng emosyon. Tama nga naman baka spy pa 'to si miss Uroecan at gayahin pa design namin.
BINABASA MO ANG
The Lower and Last Section
Novela Juvenil#GA19A Lower and Last section is about Happiness and HIghschool life that can bring you back in past AWARDS: -Wattpad Pen Awards (Winner) *Teenfiction category Impressive Ranks -#8 In goals -#10 In Classmates
