Chapter 28

118 19 0
                                        

"Balita ko madameng nagkakagusto sayo ah?" Tinignan ni Xandrex si Beygo ng nanghahamong tinggin. Kasalukuyang nasa canteen sila ngayun kasama lahat ng boys sa warriors.

"Gagu pre habang naglalakad nga tayo kanina sa kaniya lagi nakatinggin yung mga bebot ibang klase ka boss" hindi makapaniwalang singgit ni Kiyoshi habang umiinom at tinignan si Beygo na napapailing lang.

"Kung hindi niyo naitatanong sikat ako dati sa campus bago pa dumating yang hunghang na Xandrex na yan" pagmamayabang naman ni Neath na tinignan pa ng masama si Xandrex na dinalaan lang siya.

"Ang ko-korni niyo mukha naman kayong mga paa" hahampasin na sana nila Neath at Xandrex si PJ na nagsalita kaso inawat na sila ni Beygo.

"Kalma haha ganto para malaman pustahan nalang" napahawak pa sa ilong si PJ bago tinignan lahat ng lalake na nasa harapan niya.

"Anong pustahan ba?" si Vhendell ang nagtanong na bahagya pang inaantok.

"Nakikita niyo yung babae dun sa kabilang table na walang kasama?" tinuro ni PJ ang isa sa mga sikat na babaeng nagngangalang Rosyl sa campus na magisang kumakain ngayun.

"Kung sino ang unang makakuha ng number at name niya makakatanggap ng 1k as a reward" nanlake naman ang mata nila na parang hapit na hapit.

"Labas pera muna bago kame maniwala" hapit na singgit ni EL na tinitignan si PJ ng *nagdududa look.Napailing naman si PJ at tinignan si Vhendell.

"Si Vhendell magbabayad"

"Hoy anong ako! gagu wala akong pera 1k ka magisa"

"Ina naman nito kadamutang taglay 1k lang eh ikaw lang mayaman dito! basta kung sino yung manalo kay Vhendell niyo hinggin ah"

"Hakdog kayo"

"Napaka damot mong hanggal ka! hambog alis!" sigaw ni PJ pero tinawanan lang siya ni Vhendell.

"Oo na, oo na iiyak kana eh"

"Game ako na una, Ready niyo na yung pera niyo" Tumayo na si EL na napapagpag pa ng damit bago naglakad, habang ang mga boys naman ay pinanuod ang susunod na galaw niya.

Bumili si El ng juice at tinungo ang babaeng tahimik na kumakain, ilang sandali pa'y nagulat sila ng sadya niyang ibuhos ito sa damit ng babae na umakting pang napatid. Nagulat ang lahat ng nakakita at pati nadin ang babaeng kumakain.

"What the-"

"Miss, sorry mukhang mahal panaman yung damit mo" agad kumuha si El ng tissue sa bulsa at akmang pupunasan ang babae kaso pinigilan siya nito.

"No, it's ok ako na" kumuha si Rosyl ng tissue sa bag niya at pinunasan ang damit.

"Ganto nalang miss, babayaran ko nalang yung damit mo hindi ko kase nadala yung pera ko pero kunin konalang yung name at number mo para mapalitan ko agad bukas nakakahiya naman eh" napakamot ito sa batok niya habang ang babae ay napailing at natawa lang.

"No dina kailangan. Kaya kong bumili ng sariling damit" napabusangot naman si el habang nagsitawanan ang lahat ng boys.

"Hina mo pala EL eh" pagsalubong nila sa lalakeng mission failed kanina.

"Ako na nga ang easy lang niyan eh, masyado kayong mahina mag seminar nga kayo" mayabang na tumayo si Xandrex habang sinusuklay ang buhok gamit ang kamay. Lumapit ang binata sa babaeng pinagpapatuloy na ulit ang pagkain. Nakita nila ang pag-upo nito sa katapat ng upuan ni rosyl nang nakangiti.

"Nakita ko yung ginawa ng lalake kanina" Nakuha niya ang atensiyon ng dalaga na tinignan naman siya nang mausisang tinggin.

"Teka ngalang kilala kita ah" sambit ng babaeng tinitignan parin ang mukha niya.

The Lower and Last Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon