Kiyoshi point of view
"Ang kapal ng mga mukha niyo! Aba't limang buwan na kayong Hindi nakaka pag bayad ng upa ah!" Papalapit palang ako sa bahay ay naririnig ko na ang nakakairitang boses ni aling nenang. Ang may ari ng bahay na akala mo naman ay kagandahan, masunog sana 'to! Pag ako talaga nakabili ng bahay ipapagiba ko 'to. Amoy daga naman! pwe
"Psst aling nenang? Ang aga-aga sumisigaw ka na" lumapit ako kay aling nenang na bahagya pang may abubot sa mukha. Tinignan ko ang bahay namin at duon nasa luob sila mama at si Keziah ang kapatid kong babae na dala-dala ang mga gamit namin.
"Wag mo 'kong ma aga-aga diyan Yosh! NASAN NA YUNG BAYAD!?" Pag ako di nakapag timpi kahit babae to si aling nenang bibigwasan ko 'to... Joke bad yun sasakalin kolang. Hahaha
"Eh aling nenang ganito kase yan.." Hindi pa ako nakaka pag paliwanag ay sinabatan na agad ako ni aling nenang.
"Ano? Ano nanaman dahilan MO? Nag kasaket nanaman mama MO? Nag kasaket kapatid mo? Laos nayan yosh! O baka naman idahilan mo saken ikaw naman yung may saket ngayun!?" Galit na galit na si aling nenang na akala mo may tattoo. Antapang kala mo naman may tattoo.
"Alam mo aling GANDA h-"
"Naku! Matagal ko ng alam yan! Yung bayad!? Nasan na hindi Mona ako ma u-uto ngayun" kadiri. Kinikilabutan ako dito kay aling nenang.
"Ano? Bat hindi ka makapag salita? Wala kang pera no? Oh kung wala pala lumabas na kayo, pabigat lang kayo dito eh, wala kayong tulong sa ekonomiya! Hala sige layas!!" Nakaramdam naman ako nang kaba. Badtrip naman 'tong babaeng 'to hapit na hapit sa pera. Makapag sabi akala mo siya may ambag.
"Teka meron!" Bigla kong naalala yung pera ko. Pang tuition ko sana 'to ngayun month pero bahala na.
"Magkano?" Tignan mo mukhang pera talaga tsk. Tsk. Tsk
"Pwede na ba yung 5,000?"
"Ay diyan naman ako hindi papayag yosh! Limang buwan yun tapos 5,000 lang? Mag kaka demandahan na tayo diyan" nakaramdam nanaman ako nang kaba. Buysit nayan hindi mapakiusapan.
"Ahhm ganto nalang aling nenang 5,000 ngayun tapos bukas nalang yung kulang? OK na bayun? Sobrang hirap makulong aling nenang isipin niyo itong poging mukhang 'to na may pangarap sa buhay ay makukulong lang dahil dito. Parang tinanggalan niyo nadin ako ng karapatan makapag aral ansaket aling nenang ansaket" Napangiti ako nang bigla siyang mapaisip. Badtrip naman oh pumayag kana! Sige naman na! Makisama kanaman! grabe na yung pag acting ko dito sisipain ko na talaga 'to patiwarik pag dipa pumayag.
"Pano pag hindi ka mag bayad?"
"Lalayas na kame agad agad plus! Mag papakulong ako ng kusa" napangiti siya at tumungo. Utot kala monaman gagawin koyun? Ano ako uto-uto? Baka Hindi pako makakuha ng police clearance ako pa dihado. Feckyoualengnenangbintetrenta
"O siya sige na basta yung usapan natin yosh ah! Wag na wag kang magkakamaling takasan ako kung 'di nakuu! Mag susumbong na talaga ako sa police!"
"Oo na aling nenang! Sige na baka gabihin kayo" andame pa kaseng sinasabe eh. Nilingon ko sila mama na kasalukuyan nang nakahingga ng maluwag.
"Ano? " tinignan ko si mama pero hindi niya padin ako sinasagot. Ayaw niya ba talagang sabihin saken?
Lumapit ako para makapag usap kame nang maayos. Kailangan namin tong pag usapan.
"Keziah, umakyat ka muna sa kwarto" nakatinggin padin ako kay mama na nakatungo ngayun. Feeling ko tuloy ako yung ma's matanda na pinapangaralan ang isang bata.
"Eh kuya w-" -Keziah
"SABENG UMAKYAT KA NA SA KWARTO EH!!" nasigawan ko na si Keziah , ewan na babadtrip talaga ako. Minsan ko lang siya masigawan at yun ay pag naiinis na talaga ako.
BINABASA MO ANG
The Lower and Last Section
Fiksi Remaja#GA19A Lower and Last section is about Happiness and HIghschool life that can bring you back in past AWARDS: -Wattpad Pen Awards (Winner) *Teenfiction category Impressive Ranks -#8 In goals -#10 In Classmates
