Tress Point Of View
"What the?" Nanlaki ang mata ko, yung sobrang laki. Hindi ako makapaniwala. Dahan dahan akong pumasok sa classroom namin at na abutan ko agad silang nakangiti saaken.
"Anong masasabi mo Tress? Sabi ko sainyo eh, mas maganda pag pinag sama-sama yung idea nating lahat. " Nakangising sambit ni Beygo, nilibot ko ang mga mata ko sa bawat ispasyo ng classroom namin. Una Kong pinuntahan ang teachers table.
"Ako gumawa niyan"
"PISTENG YAWAAA!" napatalon agad ako ng biglang sumulpot ni Sheila sa harapan ko.
"Ano ba? Papatayin mo ba ako?" Napa hawak ako sa puso ko at hinawakan ito. anodaw?
"Pasensiya na Tress, naisip ko lang na gawing teachers table ang ataol naiyan, para unique, dineseniyohan ko din ang upuan para bumagay sa table."- Sheila
Sinilip ko ang upuan na sinabe niya at napa tanggo ako. Ok naman maganda siya.
Isa siyang upuan na kulay black pero ang sandalan niya ay hugis krus. Sunod kong pinuntahan ang bintana. Agaw pansin kase ang kurtinang ginawa nila na gawa sa yarn at ang mas nakakatawa pa dito sa bawat yarn may mga nakalambiting pera, na may iba ibang halaga. Mukang pera gumawa nito. Hahahha
" Maganda ba Tress? AKO GUMAWA NIYAN!" masiglang tanong ni Herland. Na tinanguan ko naman. Mukha nga. Siya lang naman mukhang pera samin. Napa tinggin din ako sa sahig na Ewan kong pinag tripan lang nila or what.
"Naisipan kase namin Tress na gawing colorful yung sahig kaya nilagyan namin ng kahit anong kulay, kasama ko gumawa sila Diary, Princess tyaka Gayle" -Christie
Para siyang pang background sa calligraphy, Hindi siya masaket sa mata dahil ang cool niya tignan bumabagay talaga.
Kapansin-pansin din ang mga nakakalat sa isang side ng pader ang mga sticky note pahugis heart to at puro hugot ang nakalagay duon, kung Hindi hugot, poetry or tula yung nakasulat. Tinignan ko yung ilang nakasulat at na pangiti ako.
Love never dies in natural death. It dies in blindness , error and betrayals .
-Akira
Madaming gustong mapunta sa langit pero walang gustong mauna?
-Neath
How many wounds should I endure just because I love the one who holds the knife ?
-Akira
Aamin na Sana ako eh kaso naalala ko KAIBIGAN ngapala kita.
-Neath
IF YOU CAN'T STAND THE PAIN, DON'T PLAY THE GAME.
-Akira
Once upon a time I born, I grow, and then I die.
-The end-
-Neath
If I remove my mask , darlin ; you will never recognize me .
-Akira
Pambansang unggol
"Uggh, ughh! Owsh*t! Owsh*t"
-neath
Muntikan nakong humalakhak nang mabasa ang pinaka huli. Grabe, kakaibang utak meron yung mga alaga ko. Metolohiya na nakakadiri
BINABASA MO ANG
The Lower and Last Section
Teen Fiction#GA19A Lower and Last section is about Happiness and HIghschool life that can bring you back in past AWARDS: -Wattpad Pen Awards (Winner) *Teenfiction category Impressive Ranks -#8 In goals -#10 In Classmates
