Chapter 21

112 24 0
                                        

Tress Point Of View

Napahikab ako at tumatawa habang sabay-sabay kameng naglalakad papunta sa bahay nila  vhendell. Ang plano kase ay pagkatapos namin mabigyan ng thanks party si Miss Uroecan ay diretso agad kame sa bahay ni Vhendell para mag review ng periodical exam. Habang naglalakad kame napatigil ako nang biglang may humarang sakeng matanda. Mukha siyang pulubi at hinang hina na. At dahil nga hinarangan niya ko medyo nahuli ako sa paglalakad kasama ang mga alaga ko.

"Ano po yun lola?" Medyo creepy ang mukha niya at talaga namang masasabe kong sobrang tanda na niya. Tinanong kona agad siya at baka mapagiwanan ako ng mga alaga ko. Baka din kase hihingi lang siya ng pagkain at para mabigyan kona agad siya.

"Kaibigan moba ang mga yun?" Napataas ako ng kilay. Sino bang tinutukoy ni lola? Yung mga alaga koba?

"Ahh lola kong yung tinutukoy niyo po eh yung mga alaga ko eh hindi kopo sila kaibigan lola pamilya kopo yun" proud kung sambit sa kaniya na ikina ngiti niya. Nakangiti siyang hinawakan ang kamay ko at nagsalita.

"Mag-ingat ka ah" yung ngiti ko kanina biglang napalitan ng kaba. Wait bat pakiramdam ko may mangyayare? Grabe naman to si lola pinapakaba ako. Tamad ako kabahan pero sa oras nato ewan biglang bumilis talaga heart beat ko

"Baket po?" Di ko alam kung pano pako nagkaroon ng lakas ng loob

"Payo kolang ah.. wag ka masanay na nandiyan sila lagi, kase di sila magtatagal" nagumiti mona siya bago nagpatuloy habang ako ay inaabangan ang bawat sasabihin niya na bahagya pang kinakabhan.

"Sinasabe ko sayo neng, magkakaroon kayo ng problema, madame, sobrang dameng problema, madameng susuko, madameng aalis. At ang pinaka nakakapanghinang mangyayare sainyo ay-"

"Tress!! Tara na" narinig ko ang sigaw ni Diary mula dito peroo diko siya pinansin at inantay ang susunod na sasabihin ng matanda. Gusto kong malaman to. Totoo man o hindi. Mas mabuti ng nakinig ako.

"Kapit ka eneng, may magaganap na traydoran" feeling ko tumigil ang mundo ko sa sinabe niya nawala ako sa sarili ko at biglang kinabahan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sana di totoo. Sana di totoo!

"Hoy Tress ano na diyan?" Napataas ang kilay ni Gayle habang nakatinggin saken at nabalik ako sa realidad ng makita si gayle at diary na nasaharapan ko ngayun.

"Andun na silang lahat ikaw nalang wala" napalingon ako bigla at hinanap ang matanda pero wala na ito. Napalunok ako at sumunod na sa kanila. God! Please wag sanang mangyare yun. Sana pinag titripan lang ako ni lola kanina. Nauna sila Gayle at Diary habang ako ay tulalang naglalakad. Naramdaman kopa ang pag vibrate ng phone ko kaya tinignan ko muna kong sinong nag message at baka mahalaga. Pagkuha ko sa phone ko ay bigla akong napaistop at naalala si lola.

"Guys isa mga Warriors student ang nakita naming nag tatrabaho sa bar! At take note isa siya sa sikat dito sa campus. Oo siya nga si paula freynz. Ikalat  motong message nato para malaman ng lahat ng tao sa campus na ang iniidolo nila ay isa palang pokpok hahahahha"

Nagulat ako sa nabasa ko at napatingin kay Paula na nakangiting nakikipag kwentuhan sa kanila. Hindi niya pa ata alam ang nangyare. My poor girl please god be kind to my girl. If ever man kumalat na itong message na 'to ang pinaka mahalaga lang saaken ngayun ay ang mental health niya.

"Guys kain muna tayo parang awa niyo na gutom na gutom nako" napatingin kameng lahat sa nagsalita at duon ay nakita namin si Bethrain na parang batang nagmamaktol. Nakarating napala ako sa mga alaga ko ng diko napapansin

"Tignan moto kakakain lang kanina sa school halos inubos pa lahat ng cake gutom padin napaka patay gutom talaga" pagtataray ni PJ sa kaniya na akma sanang papatulan ni Bethrain pero inawat kona agad sila. Tong mga batang to. Na istress na nga ko sa nalaman ko eh

The Lower and Last Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon