"Napaka boring" Napa hikab si PJ habang pinagmamasdan ang gurong si Sir Taw na nagtuturo sa kanila ngayun. Matapos ang Quiz bee contest ay wala pang activity na inannounce ang Imagination Academy kaya napaka boring ng mundo nila ngayun.
Habang humihikab ay napatinggin si PJ sa katabi niyang si Paula na tahimik na nakatulala at umiiyak. Problema nito? tanong ni PJ sa sarili niya ng makita ang itsura ng dalagang katabi niya.
"Hoy? Nyare sayo?" Siniko niya ang babae na nakuha naman ang atensiyon niya pero hindi nagsalita si Paula at nanatiling naging tulala.
"Yung sa video nanaman no? Tatanga tanga ka kase eh, ano ba kaseng akala mo sa sarili mo? dadaigin mo pa ata si magdalena eh tsk tsk tsk kung ako sayo hindi na muna ako papasok bukod sa makakasama sayo yan at ibabash ka ng mga tao sa campus mapapahiya kalang" Sambit nito sa dalaga bago napa irap. Hindi niya mawari kung bat ganto ang mga kaklase niya halos lahat mga hindi nagiisip at utak hangin. Minsan hindi ginagamit ang utak at kung hindi pa niya ireal talk hindi pa sila matatauhan. Ano nalang gagawin nila kung wala ako? sambit nito sa sarili niya na napa hikab pa.
"Boy" Napatinggin siya kay Xandrex ng sikuhin siya nito na nasa kabilang tabi niya na kumakain pa ng lollipop habang nagkaklase.
"Oh?"
"Sama ka?"
"San nanaman? may chix badun?" palihim lang silang naguusap dahil baka makita sila ni sir taw at magka dehado nanaman.
"Laro mamaya kalaban mga Unequaled basketball" Napataas naman ang kilay nito. Mukhang magandang laban yun ah
"Magkano pustahan?"
"Yung pusta lang kung sinong matalo bubuysutin si sir taw" muntik na siyang masapak ni PJ sa sinabe nito kung hindi lang tumingin sa kanila ang gurong seryosong nagtuturo.
"Gagu kaba pag na guidance nanaman tayo? puro ka ganiyan eh wala ka ngang dulot pag ililigtas na yung section natin" Biglang natawa si Xandrex ng malakas na ikinakuha ng atensiyon nilang lahat.
"What's funny Mr. Xandrex?" Agad kinurot ni PJ si Drex dahil sa pagtawa nito na bahagya pang napa aray bago tumayo.
"Wala po sir"
"Dapat naba kameng matakot dahil tumatawa ka ng walang dahilan?" nagtawanan ang lahat ng kaklase nila dahil sa sinabe ni Mr. Taw
"Wag kayo matakot sir ako lang to" mas lalo silang nagtawanan pero ang nasabing teacher ay wala manlang reaksiyon kahit isa. Hindi nalamang pinansin ni PJ ang sagutan ng dalawang taong yun ng biglang may tumawag sa kaniya kaya dali dali muna siyang lumabas at sinagot ang tawag na iyon.
"Ma? Ano yun? Nasa klase ako"
"P-pj an..ak!" Hindi mawari ni PJ ang biglang pagkabog ng dibdib niya ng marinig ang nanginginig na boses ng kaniyang ina.
"Baket ganiyan boses niyo?"
"NANAKAWAN TAYO!"
═════ •❦❂W❃H❂❦• ═════
"So ang sinasabe mo ba ay ninakaw yung Jewelry ng mama mo na nagkakahalagang milyong milyon ng kamag anak niyo?" Tanong ni Beygo kay PJ na ngayun ay tumunggo at seryosong iniisip kung paano nagawa iyon ng kamag anak niya.
"Kaya nga kailangan ko ng tulong niyong lahat" Kasalukuyan silang lahat na naguusap sa loob ng painting room dahil sa nangyare nakawan sa bahay nila PJ.
"Kaya kong tumulong diyan" Representa ni Jea na seryoso din sa kaso.
"Tama kinakailangan din natin si Jea. At may naisip akong gagawin" Sambit ni Beygo sa kanilang lahat na taimtim na nakikinig.
BINABASA MO ANG
The Lower and Last Section
Ficção Adolescente#GA19A Lower and Last section is about Happiness and HIghschool life that can bring you back in past AWARDS: -Wattpad Pen Awards (Winner) *Teenfiction category Impressive Ranks -#8 In goals -#10 In Classmates
