Sana ako nalang

3 0 0
                                    

Kaibigan, naaalala mo pa ba?

Noong unang beses na pumasok ka sa buhay ko?

Ang tagal kong naghintay pero nung nakita kita sa tapat ng pinto,

Huminto ang mundo ko.

Wala akong ibang makita kundi ang ngiti mo.

Tumayo ka sa harap at sinabi ang pangalan mo.

Paano?

Paano mo nagawang bihagin ako gamit ang mga mata mo?

Na kahit wala kang ginagawa, nanakaw mo na ang puso ko.

Natapos na ang isang araw,

Pero parang hangin lang ako sa paningin mo.

Paano mo ba ako mapapansin?

Kung may sarili kang mundo?

Kung wala kang kinakausap na kahit sino?

Pero nagulat nalang ako,

Nung lumapit ka para tanungin ang pangalan ko.

Bumilis ang tibok ng aking puso.

Hindi ako makatingin sa mga mata mo.

Nakakatawa pero bat nga ba ako nahihiya sayo?

Siguro dahil baka matunaw ka sa pagtitig ko.

Masaya? Oo sobra.

Sino ba namang hindi magiging masaya?

Pag naging kaibigan ka.

Kung anong tahimik mo nung una,

Napalitan ng mga halakhak at tawa.

Ilang araw na ang lumipas,

Ang pagtawa mo ay tila musika.

Hinahanap-hanap.

Hindi na makatulog nang hindi ka nakakausap.

Grabe.

Di ko na maintindihan ang nararamdaman.

Bumibilis ang tibok ng puso sa tuwing ika'y dadaan.

Lahat nang sakit sa nakaraan ay aking nakalimutan.

Bigay mong mga payo ang nagturo sakin ng daan.

Sinabi mo ang dapat gawin pero nagulat nalang ako.

Bigla kang nagkwento.

Sabi mo'y may nasaktan ka na noon.

Pero ikaw parin hanggang ngayon.

Ikaw pa rin yung mahal.

Ayokong masaktan pero mukhang huli na ang lahat.

Nasasaktan na kasi ako.

Tawagin mo man ang pangalan ko,

Ngunit ibang tao naman ang hinahanap mo.

Naisip mo pa nga akong itulak sa ibang tao.

Pero walang nangyari.

Kasi ikaw,

Ikaw na yung gusto ko.

Gusto ko pero hindi ako gusto.

Binalak kong nakawin ang puso mo,

Pero mukhang naunahan na niya ako.

Huli na ba ang pagdating ko?

Paano pa ako aamin kung may iba na dyan sa puso mo?

Paano?

Paano nalang ako?

Sana pinigilan nalang ang sariling mahulog sayo.

Sana hindi nalang ako nasasaktan ng ganito.

Sana ako nalang yung minahal mo.

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon