PnplyNKt

5 0 0
                                    

Sunod-sunod na mga halakhak. Malakas na pagtawa. Ayoko na. Napapagod na ako.

Kasabay ng pagtulo ng mga taksil na luha, bumitaw na ako.

Pinalaya ko na ang sarili ko.

Pinalaya sa lahat ng sakit na dulot niyo.

Kasi ang kwento natin ay parang nobelang natapos na bago pa man nagsimula.

Natapos na dahil sa balitang kayo nang dalawa.

Saya at kilig?

Sakit at paghihinagpis?

Ano ang dapat kong maramdaman?

Para sa aking kaibigan at sa kanyang kasintahan.

Nanghihina ang aking tuhod.

Ang pagtayo ay naging sapilitan.

Mabibigat ang bawat paghakbang.

Tama na!

Parang awa.

Nakakapagod ng umiyak.

Nakakapagod ng malungkot.

Ang aking mahal at matalik na kaibigan.

Bakit?

Bakit pinili nyo pa ring maging masaya?

Hindi niyo ba alam ang aking nadarama?

MASAKIT!

Parang patuloy na tinutusok ng aspili ang aking katawan.

Akala ko'y mamamanhid na ngunit mas lalo ko pang naramdaman.

Bawat pagtusok.

Bawat kirot.

Bawat paghapdi.

SOBRANG SAKIT NA!

Parang mas magandang umiwas nalang pero kaibigan,

Hindi mo ba naramdaman?

Yung sakit.

Yung nararamdaman ko sa tuwing masaya ka?

Yung patago akong umiiyak dahil sa inyong dalawa.

Na kailangan kong isakripisyo lahat.

PATI ANG KASIYAHAN KO!

Para lang sa inyo.

Hindi mo ba nakita yung ngiti ko?

Dahil sa paghahanap ko sa dagat ng maraming tao,

Nakita ko na siya!

Pero hawak niya ang kamay mo.

Nahulog na ako sa kaniya,

Pero nahulog siya sayo.

Minahal ko na siya,

Pero hinihintay niya ang OO na galing sayo.

Mahal? Bakit ba ganito?

Hindi mo ba nakikita ang tulad ko?

Na unang araw palang, minahal na ang 'sang tulad mo.

Nakakaasar na sa dinami dami ng tao,

Kaibigan ko pa talaga ang nagustuhan mo.

Diba nauna naman akong dumating sa buhay mo?

Pero bakit hindi ako?

Bakit hindi nalang ako.

Siguro kailangan ko ng sumuko.

Ayoko na.

Sobrang sakit na.

Kaya ako'y susuko na.

Kaya sayo'y paalam na.

Pinapalaya na kita.

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon